Felicity
.
.
.
LULUGO LUGO akong bumangon mula sa kama dahil may kumakatok sa pintuan ng silid namin ni Florence. Nang tingnan ko ang orasan ay alas sais palang ng umaga, mamayang nine pa ang pasok ko.
Napuyat ako kagabi dahil sa kakaisip ng mga naganap saamin ni Clark. Ilang beses pang nagbalik sa alaala ko ang halik na pinagsaluhan namin.
"Anak naririto si Clark," ani Nanay mula sa pintuan.
Shit! Bakit ang aga nito? Sinilip ko sa salamin ang itsura ko at tingingnan kung may dumi ang mukha ko nang makuntento ay sinuklay ko naman ang hangang balikat na buhok ko. Hinubad ko rin ang damit ko upang magsuot ng bra tsaka muli ko uli itong isunuot.
Binuksan ko ang pintuan ng silid at nahihiyang lumabas mula roon. Ang nakangiting si Clark ang bumungad saakin, nakatitig ito kaya naman nahihiyang ngumiti ako dito. Naka V-neck shirt ito na kulay gray fit iyon dito kaya naman lalong nahulma ang makisig na pangangatawan nito. Sa itsura at pangangatawan nito tsaka uri ng pananamit halata mo agad na nagmula ito sa mayamang pamilya.
"Magkape ka muna anak," ani Nanay dito ay inilapag nito ang kape sa lamisitang kawayan.
"Salamat po," nakangiting sabi nito,
"Ang aga mo?" tanong ko nakatayo pa rin ako.
"Kakausapin ko kasi si Nanay Yolly." anito, bigla ako kinabahan dahil baka kung ano ang sabihin nito kay Nanay lalo na iyong halik na namagitan saamin.
"B-bakit?" tanong ko,
Ngumiti lang ito at hindi ako sinagot. "Nanay Yolly pwede ko po ba kayong makausap?" anito, lumapit ako kay Clark at nagtatakang tiningnan ko ito.
"Oo naman, ano ba ang ating pag-uusapan?" sagot dito ni Nanay, umupo ang Nanay ko sa upuan na pang isahan. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay sa kaba at lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko mahulaan kung ano bang balak nitong sabihin kay Nanay.
"Gusto ko po sanang ioffer kay Felicity iyong condo ni Celine na hindi ginagamit. Lately kasi palaging gabing gabi na umuuwi si Felicity at naisip ko kung malapit lang ang uuwian niya mas safe po siya." napatitig ako kay Clark dahil sa sinabi nito.
"Iyong gabing pag-uwi nga niya ang palagi namin napapag-usapan ng Tatay nitong si Felicity. Sa totoo lang ay nagbabalak na kameng ikuha siya ng mauupahan na malapit mismo sa restaurant." ani Nanay dito. "Alam din namin na not all the time maihahatid mo siya, may time na 12am na iyan nakauwi mabuti na lamang at walang mga lasing sa kanto na daraanan niya."
"That's my worry too, kung papayag po kayo doon nalang po siya sa condo ni Celine, bakante po iyon." anito kay Nanay, tila nakahinga naman ng maluwag ang Nanay ko dahil sa sinabi nito.
"Naku anak, maraming salamat kahit paano hindi na kame mag-aalala sa batang ito. Mapapanatag na rin ang Tatay niya na baka napapahamak na sa daan kung minsan. Nakakahinga lang kame ng maluwag tuwing naihahatid mo nga siya pauwi." ginagap pa ng Nanay ko ang kamay nito bilang pasasalamat dito.
Nakikinig lang ako sa usapan nila ni Nanay, ang Tatay naman ay pauwi palang mula sa duty nito. Ang balak rin ni Clark ay kausapin ito tungkol doon.
Nang dumating ang Tatay ay agad na ipinaalam ng Nanay ang tungkol sa sinabi ni Clark. Nakita kong natuwa rin ang Tatay ko dahil doon. Mas lalo raw natitiyak niya na ligtas ako roon dahil condo iyon.
Habang nag-uusap sila ay kumuha na ako ng towel at damit pamalit ko upang makaligo na rin. Hindi ko alam kung bakit biglang naisipan ni Clark na sa condo na ako tumira, wala naman itong nababanggit kagabi noong magkasama pa kame. Mamaya ko nalang ito uusisain tungkol sa sinabi nito.
Matapos maligo at magbihis ay lumabas na ako ng banyo, kausap pa rin ni Clark ang Tatay ngunit wala na roon ang Nanay.
Pagpasok ko ay nasa kwarto ko palang ang Nanay at abala sa paglalagay ng mga damit ko sa malaking bag.
"Igagayak ko na itong mga damit mo at sasama kame ng Tatay mo sa paghatid nito sa condo na titirhan mo ng makita rin namin." anito
"Okay lang po ba sa inyo Nay na bumukod ako?" tanong ko habang tinutuyo ng towel ang buhok ko.
"Mas mahalaga saamin ang safety mo anak, iyong gabing gabi ka na nakakauwi ay palagi kameng nag aalala ng Tatay mo. Napapanatag lang kame tuwing magtetext ka na ihahatid ka ni Clark. Napakabuti talaga ng pamilya ni Celine, kung pwede ko nga lang sabihin ang kinaroroonan ng kaibigan mo ay sinabi ko na. Kaya lamang ay mahal ko rin ang batang iyon at nauunawaan ko ang pinagdadaanan niya." napatingin ako rito, bukod saakin ay alam din ng Nanay ko ang kinaroroonan ni Celine at nangako rin ito kay Celine.
"Darating din po ang time na si Celine na mismo ang kusang kakausap sa pamilya niya, alam naman natin na nasa mabuti siyang kalagayan. Kahit palagi po akong nakokonsensya sa paghahanap ng kuya niya." I heaved out sigh at sumalampak na rin uoang tulungan si Nanay.
"Sana nga anak maging maayos na sila ng asawa niya." anito,
Matapos namin mag-ayos ng mga gamit ko ay lumabas na kame bitbit ang bag ko. Dahil kasama namin sila Nanay at Tatay sa pagpunta sa condo sa araw na ito ay mamayang gabi ko nalang siguro tatanungin si Clark tungkol doon.
*****
PAGKATAPOS namin mag almusal kanina sa bahay ay hinatid na kame ni Clark sa Del Prado Empire sa Quezon City kung saan naroroon ang dating condominium ni Celine na ipapagamit nito saakin. 10 minutes away lang ito from The Cravings kaya hindi talaga ako mahihirapan magbyahe pauwi lalo na tuwing gagabihin ako.
Hindi pa ako nakapunta sa condo na iyon ni Celine, madalas kasi ay sa mansion nila kame tatambay at minsan nagswiswimming. Kapag my group project naman ay kila Sophie kame or mansion pa rin nila Celine.
"Napakaganda naman pala nito, Clark." anang Nanay Yolly ko ng marating namin ang 15th floor at makapasok sa loob ng unit.
Pagbukas ng pinto ni Clark ay namangha na rin ako. It wasn't the common condominium na una ang kitchen. Pagbukas ng pinto ay salamin na malaki mula sa kanan bahagi ang naroroon na may console table at vase. Mula sa pinto ay matatanaw mo agad ang living room na tama lang ang size sa kaliwa ng living room ay may two seater na dining table katabi rin noon halos ang bar na may table din at dalawang high chair. From the bar nandoon rin ang tamang size ng kitchen, may ref, oven at microwave at ang lutuan ay induction. Inilibot ko ang mata sa kabuuan ng unit.
"This is the bedroom." ani Clark at binuksan ang pintuan katabi ng living room. Lumapit ako roon, malaki ang kwarto kaysa sa silid namin ni Florence. Maging ang bed ay queen size at may build in cabinet rin, lalo akong na mangha dahil from the room ay may balcony pa. Binuksan ko ang glass door at sumilip sa labas, tanaw ang ibang nagtataasang building sa bahaging iyon ng Quezon City. Ang ibaba ng Del Prado Empire na nagsusumigaw sa karangyaan. Napakaganda pala ng likod na bahagi noon, may infinity pool at malawak na garden pa.
"Ang ganda." sabi ko
"Glad you like it." nakangiting sabi nito.
Lumabas na kame ng silid at pinuntahan sila Nanay at Tatay sa sala.
"Naku Clark napakabuti mo, napakaganda ng ipapagamit mo ng unit sa anak ko." ani Nanay dito.
"Wala pong anuman, ang mahalaga po ay ang safety niya tuwing uuwi po siya." sagot dito ni Clark.
"Maraming salamat sa kabutihan loob mo iho." anang Tatay dito.
"Wala po iyon Tatay Arthur. Pwede po kayong bumisita kay Felicity dito." sabi pa ni Clark.
"Naku mabuti naman pala kung ganoon." masayang sabi ni Nanay.
Ipinasok ni Clark ang mga gamit ko sa loob ng silid. Mamaya ko nalang siguro iyon aayusin pagkatapos ng trabaho ko. Kanina bago kame umakyat ay ipinakilala muna ako nito sa staff sa lobby na ako ang ookupa sa unit 1509.
Sampung minuto pa ang itinagal namin sa unit bago kame umalis. Hindi ako inihinto ni Clark sa The Cravings dahil idineretso nito ang daan pa Makati para maihatid muna sila Nanay at Tatay sa bahay.
"Hindi mo binanggit kahapon ang tungkol sa condo." sabi ko nang nasa byahe na uli kame matapos namin ihatid sila Nanay pabalik sa bahay.
Ngumiti ito saakin at ginagap ang kamay ko. Lumingon ako dito ng nagtataka.
"I have my reasons.."anito
Kumunot ang noo ko. "Reasons?"
"First, hindi ko gusto ang tinitingnan ka ng mga lalaki sa gawi niyo tuwing papasok at uuwi ka." hindi ko napigilan na mapangiti sa kilig na nararamdaman ko, he's being possessive and protective.
"Second..gusto kong masolo ka."
Napalunok ako sa sinabi nito, hindi ko alam na may kakayahan itong magsalita ng ganoon. Sa magpipinsan ito ang tahimik, palaging abala at suplado. Si Kuya Sebastian ang mariringan mo ng mga ganoon uri ng pakikipagflirt.
"Why?" kahit kumakabog ang dibdib ko ay nagawa ko pa ring itanong dito. Lumingon ito pero saglit lang. "Bakit gusto mo akong masolo, wala naman tayong relasyon?" hindi ko alam kung tamang term ba ang ginamit ko, kung tamang tanong ba ang naitanong ko. Gusto ko lang malaman mula rito ang dahilan ng rason nito. Ayokong mag assume agad ng dahil lang sa pinapakita, pinaparamdam at kinikilos nito. Ayokong umasa, ang gusto ko manggaling dito mismo iyon.
Ipinarada nito ang sasakyan sa harap ng The Cravings, hindi ko napansin na naroroon na pala kame. "Would you be my girlfriend?" nakatitig na tanong nito, ilang beses akong napakurap ng mata. Ang dibdib ko ay parang makakalas na sa lakas ng t***k ng puso ko. Ang isang Clark Del Prado tinatanong kung pwede akong maging girlfriend? Oh my God.
Pinigilan ko ang sariling mapangiti, kinalma ko rin ang sarili at puso ko bago ko ito sagutin. "Seryoso ka?" maling salita nanaman ang lumabas sa bibig ko, sa halip na tanungin ko ito kung bakit gusto akong maging girlfriend ay iyon ang naitanong ko.
"I'm dead serious Felicity. Would you be my girlfriend?" tiim itong nakatitig saakin, parang mamimilipit ang dila ko sa pagsagot dito.
Ngumiti ako. "Yes," sagot ko, tsaka ko na iisipin ang bukas, tsaka ko na iisipin kung iisipin man nitong hindi man lang ako nagpakipot. Or ng mga tao sa paligid ko. Hindi naman siguro ito magtatanong ng ganoon saakin kung hindi ako nito gusto, maybe we both like each other.
Lumapit ito saakin at marahang inilapit ang mukha sa mukha ko, hinaplos din nito ang pisngi ko tsaka ako nginitian at maya maya ay siniil ng halik sa labi. Para akong malulunod, mas nakakalunod pala ang halik kapag mahal mo ang isang tao at alam mong kayo na, magnobyo na kayo.
"I'll pick you up later." anito matapos ang halik na namagitan saamin.
Ngumiti ako rito at marahang tumango. Bumaba ito sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto tsaka inalalayan na makababa.
"Thank you." malapad ang mga ngiting sabi ko. Sinuklian din ako nito ng isang matamis na ngiti bago muling sumakay sa kotse niya.
Tinanaw ko pa itong hangang sa makalayo na, pakiramdam ko lumulutong ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis pangyayari, halos isang buwan na rin ang nakalilipas simula ng hatid sundo ako nito, until opening ng Cafè up to now. Sa lahat ng ginagawa nito noon kahit madalas kinikilig ako at gusto mag assume ay pinigilan ko ang sarili ko dahil ayoko umasa na may gusto din ito saakin. Sino ba naman ako? Hindi naman ako kilalang tao at lalong hindi mayaman.
Answered prayer nga talaga ito.
Malalapad ang ngiting pumasok na ako sa loob ng The Cravings. Ang bawat empleyadong madaanan ko ay matatamis na ngiti ang ibinibigay ko. I am happy, ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa.
Clark Del Prado is my boyfriend now. Finally.