bc

I SAVED HER

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
revenge
second chance
drama
humorous
serious
brilliant
genius
expert
captain
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

It's just unusual love story but sometimes cliché. Choosing between your love or your country. Darielle Leviticus is the soldier who saved Pastel Amethyst from hell.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Sumuko na ang isang miyembro na may alyas na ka-Darwin, ang kanyang pahayag kaya sumuko sa kadahilanang ayaw na nyang kalabanin ang gobyerno" "Pito ang namatay na miyembro ng NPA sa barangay Maliwanag kahapon ng alas tres ng hapon matapos manyari ang engkwentro" "Isa ang namatay na sundalo sa nangyaring engkwentro sa barangay Maliwanag samantala walo ang sugatan" Sunod sunod ang balita sa iba't ibang network ng telebisyon matapos ang nangyari ang engkwentro dito sa barangay namin. Pito ang namatay sa kapatid namin at labis ang paghihinagpis ng aming lider dahil isang anak nya ang namatay. "Ka-Estella" napalingon ako kay Ka-Luiz. Nag aayos ako ng mga ginamit na pang gamot sa mga nasugatan." Sa palagay mo. Ano ang susunod na gagawin ni Pinuno?" Nang matapos kong mailagay ang lahat ng ginamit ko at naibalik sa ilalim na kama, hinarap ko Luiz. "Hindi ko alam" matalik kong kaibigan si Luiz at halos sabay kaming pumasok sa grupong ito.. sabay naming inalay ang buhay namin para ipag laban ang isang bagay na malabong kami ang mananalo. "Hihintay nalang tayo kung anong utos. Malamang ay iinit naman ang gobyerno dahil sa nangyari." Nagtatakha parin ang iilan sa marami naming kapatid kung bakit nandito ako. Nagtapos ako sa isang sikat na unibersidad, at isang tinuringang Doctor. Dahil sa aking ama na isang politician, ako ang inalay nya upang maglingkod sa kapatirang ito. Malaki ang utang na loob nya kay Pinuno kaya ganon nalang kadali sa kanya gawin ang mga bagay na ito. "Ka-Luiz, pwede lumabas ka muna.. magpapahinga na ako. Napagod ako sa pag gagamot sa mga nasugatan" hindi na nagsalita si Luiz. Lumabas din agad ito. "Estelle, mag impake ka na ng mga gamit mo" para bang gumuho na ang mundo. This is the start where my Dad send me to hell. "Kumilos ka na! Hindi ka pwedeng maabutan dito!" I have 2 siblings, pero mga kapatid ko lang yon sa tatay. Anak ako sa labas pero hindi naman masama ang pagtrato sakin ni Tita na bagong asawa ni Dad. Actually she allowed me to enter in a prestigious university and reach my dream which is being a doctor. Ang problema nga lang ay yong anak nyang si Karee and I am 2 years older than her. "Dad. I don't want to! I want to start my own business here. That's bullshit!" Lumapit sya sakin at hinawakan ang balikat ko. Puno ng pag aalala at takot ang mata ni Dad. Maybe he's just scared, NPA's might kill us. "Dad." Naluluha ako. Kasi una palang talaga ayaw ko at alam kong wala akong patutunguhan kung papasok ako sa grupong iyon. "Dear, listen. It is for all of us. Kailangan nila dahil may kakayanan ka sa paggamot. Ikaw lang ang aasahan nila." Naiyak na ako dahil pwede akong mamatay don na hindi ko naabot ang pangarap ko. "Malaki ang utang na loob ko kay Pinuno. Alam mo yan Estelle. Kung hindi dahil sa kanila baka patay na rin ako." Niyakap nya ako. Masamang tao ang Daddy pero pagdating samin na mga anak nya at lumalambot sya. "They'll value you there at sisiguraduhin kong hindi ka masasaktan." Hinatid ako ng isa mga tao ni Dad sa isang liblib na lugar. Gabi gabi akong umiiyak sahil ni isa ay wala akong kakilala. Hanggang nakilala ko si Luiz na hanggang ngayon ay kaibigan ko parin. Matanda ng dalawang taon si Luiz sakin at gwapk ito kaya madalas kami natutukso. Pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. May kumatok sa pinto kaya natigil ang pag aalala ko sa mga nangyari sakin dalawang taon na ang nakalipas. "Ka-Estella!" Si pinuno. Agad akong lumabas ng pinto at hinarap sya. "Bakit ho?" "Halika dito Hija." Naupo kami sa isang malaking puno. Kapag ganito si Pinuno halatang may seryoso kaming pag uusapan. "Napag usapan na namin ito ng Daddy mo." Hinintay ko lang ang susunod nyang sabihin pero may kaba ng konti sa dibdib ko "ililipat ka sana namin sa kabilang kampo. Pero malapit lang naman yon dito. Total meron namang alam si Luiz tungkol sa pang gagamot, pwede namang sya ang maiwan dito at ikaw ang nandoon." Nalungkot ako bigla dahil malamang ay wala naman akong kakilala doon. "Huwag kang mag alala. Hindi naman delikado ang lugar na yon" "Sige po." Yon nalang ang sagot. Wala naman akong magagawa kahit ano pang gawin ko. "Mag iingat ka don" sabi ni Luiz pagkatapos nya akong bigyan ng mahigpit na yakap. Inabot nya sakin ang isang box ng cellphone. "Tawagan mo ako. Kung kelan mo gusto" "Pero.. diba" ngumiti sya. Strikto kasi sila pag dating sa paggamit ng telepono."Mag iingat ka din luiz" sumakay ako sa sasakyan na hahatid sakin sa kabilang kampo. Habang papalayo mas lalo kong naramdaman ang lungkot lalo pa't nakita ko si Luiz sa rearview ng sasakyan. "Malungkot talaga pag napalayo sa isang kaibigan" ngumiti ako sa sinabi ng nagmamaneho ng sasakyan. Tama sya. Malungkot, dahil alam kong bihira nalang kami magkikita ni Luiz at may kasunduan kami na kung mamamatay man kami sa laban na to, dapat magkasama kami. "Tatagal ka ho doon. May telepono ka bang dala?" " Meron ho at sigurado namang meron ding mga telepono ang tao don" sa biyahe hindi na kami nag usap. Tahimik lang hanggang makarating kami sa paroroonan namin. Ibang iba ito sa kampo dati. Medyo lib lib ito at merong ilog. May nakikita akong nagsasanay sa combat at iba't ibang pagkaka abalahan. Noong dumating ang sasakyan na sinasaktan ko, naagaw ang atensyon nila. May ibang lumapit samin upang salubungin kami. "Kapitan, nandito na ho sya" sabi nong nagmamaneho pagkabukas nya ng bintana. "Bumaba na kayo at may hinanda kaming makakain para sa inyo." Bumaba nadin ako at mas lalong pang tiningnan ang paligid . "Ka-Estella! Ikaw ba ang magandang anak ni Governor." Malaki ang ngiti na nagsalubong sakin mula kay Kapitan. Ngumiti din ako sa kanya at iilan pang sumalubong. May mga babae ding sa tingin ko'y kasing edad ko lang at may mga bata na parang menor de edad. "Magandang araw ho, kapitan." Yumuko ako bilang paggalang sa kanya. Iginiya nya kami sa isang mahabang mesa at may nakahandang mga pagkain. Halata ngang pinaghandaan nila ito. "Halina kumain na kayo at huwag kayo mahiyang kumain" nagsilapitan din ang ibang kapatid namin at nakisabay na kumain. Masarap ang mga luto nila, at napansin kong masaya ang kapatiran dito tulad din sa dating kampo na pinang galingan ko. "Ka- Estella, halika." Isang matandang babae ang tumawag sakin. Sa pag kakaalam ko asawa sya ng kapitan. Sumunod ako sa kanya at dinala nya ako sa isang maliit na kubo sapat sa iisang tao. "Ito ang iyong magiging kwarto. Bukas ay sasamahan ka ng anak ko para bumili sa bayan ng gamit pang gamot." Parang isang nanay ang pag approach sakin ni nanay, hindi maikakaila na mababait naman ang kapatiran kaya lang nagiging masama ang tingin sa amin dahil iba ang pinaglalaban na mali sa paningin ng gobyerno. "Maraming salamat ho. Meron po bang signal dito?" Nagulat sya sa sinabi ko. Strikto sa paggamit ng cellophane at social media accounts pero hindi naman sinasabing bawal ang paggamit. "Ahhhh. May telepono ka bang dala. Merong signal anak, pero doon ka pa banda sa ilog makaka kuha. " Tumango nalang ako. Mas mabuti na yon para kahit minsan ay makausap ko si Luiz. "Nga pala anak. Tawagin mo kong Nanay Crisilda." "Sige po nay Crisilda. Magpapahinga nalang po ako siguro" iniwan na nya ako. Inayos ko lahat ng gamit ko. Panibagong simula nanaman. Kailan kaya ako makaka alis sa grupong ito at mamuhay ng walang takot. "Sinugod ang kabilang kampo!" Napamulat ako. Alas tres palang ng madaling araw. Kinabahan agad ako. Si Luiz! Rinig ko ang ulan, malakas. Pero kahit malakas lumabas parin ako "Ano ang nangyari?" Tanong ko sa isang lalaki na medyo ka edad ko. "Sinugod ang kabilang kampo"uminit ang buong katawan ko sa kaba. Suot ang hood dinala ko ang cellphone ko sa tabing ilog. "Anak wag kang lalapit sa ilog! Malakas ang ulan!" May sumigaw pa non pero dahil sa kaba ko. Tinuloy ko pa din. Kailangan kong tawagan si Luiz! Kailangan kong alamin kung ayos lang sya. Unang ring palang sumagot na agad sya. "Estelle! Nasaan ka?" Tumulo ang luha ko pag karinig ko ng boses nya " N-nandito ako sa ilog" sandaling katahimikan. "Luiz!" "Ayos lang kami dito. May limang namatay na kapatid pero ayos lang kami ni pinuno. Estelle makinig ka..." Hindi ko na narinig ang sinabi nya dahil nakarinig na ako ng malakas na agos. "Estella!" Yon nalang ang narinig ko at hindi na ako naka takbo. Ang alam ko nalang ay nadala ako ng agos. I thought I was dead "Miss! Miss! Gising. " Habol habol ko ang hininga ko at nahihirapan akong huminga. Mabilis ang pintig ng puso ko bago ko namulat ang mata ko. Uniform ng military. "Yan na buddy. Gising na si ganda" dali dali akong bumungan.shit! Sundalo. "Miss ayos ka lang ba?" Sabi ng sundalong nasa harap ko. His aura. Look like a model. "Miss nakikilala mo ba ang sarili mo" act naturally Estelle. Mamamatay ka ng maaga. Tatlo silang sundalo ang nasa harap ko..sa tabi ako ng ilog at hindi na malakas ang agos nito. "Ganda! Nakikilala mo ba ang sarili mo?" Isa pang sundalo ang nagtanong. "Buddy. Huwag kang makipag usap ng ganyan." Suway ng sundalo na nasa harap ko. "Yeah. I'm o-okay. I'm Es-Isabella"tumayo ang sundalo na nasa harap ko at nagulat ako nong hinubad nya ang damit nya. "Wear this Miss Isabella. I'm Darius. " Nanlaki ang mata ko. Nahubad siguro ang hoody ko at naka sando lang ako. Yumakap sakin ang damit nya na doble ang laki sa katawan ko. Funny. NPA wearing military uniform. "Miss Isabella himingi ka naman ng thank you.. sya ang nag CPR sayo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook