bc

Every Single Bite

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
kidnap
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Thiana Rivera. Isang ordinaryong babae na namumuhay ng mag isa. Mula ng mawala ang kanyang kapatid ay wala siyang ibang hiniling kundi ang makapiling ito kahit na minsan ay nawawalan na siya ng pag asa na makikita parin niya ito.

Elyson Cronoss. Isang bampira. Hindi basta ordinaryong bampira kundi ang prinsipe nila. Walang ibang hinangad kundi ang makuha ang pagmamahal na hindi niya naramdaman sa ama na naging dahilan kung bakit niya ito kinasuklaman. Gagawin niya ang lahat mabawi lang ang sa tingin niya'y para sakanya.

Pinagtagpo hindi ng tadhana kundi ng isang plano. Planong magiging dahilan kung bakit magugulo ang kanilang mga mundo.

--

Taglish Version

chap-preview
Free preview
Simula
Simula Tahimik na naglalakad sa dalampasigan si Thiana. Bilog ang buwan, malamig ang simoy ng hangin at napaka ganda ng tanawing kanyang nakikita. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa malawak na karagatan. Mula sa kinatatayuan niya ay natatanaw niya ang repleksyon ng bilog na buwan sa dagat. Ang buwan na iyon ay nagpapaalala sa kanya ng nakaraan. Nakaraan niyang pilit niyang tinatanggap. Kahit kasi anong gawin niya, ang nakaraan niya ay di na magbabago pa. Hindi na maibabalik ang isa sa mga taong pinakamamahal niya. Kagaya ng buwan ngayon, bilog din ang buwan ng bawian ito ng buhay. Gustong gusto rin nito ang buwan kaya kahit anong pilit niyang kamuhian ang buwan na nagpapaalala ng masasakit na alaalang iyon, ay hindi niya maiwasan palagi itong pagmasdan sa gabi. Muling namumbalik ang mga alaala sa kanyang utak. Naiiyak siya. Nalulungkot siya. Tila ba wala ng katapusan ang sakit na iyon. Tila ba kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi iyon mababawasan. Kasalanan niya ang pagkamatay ng taong yun. Kung sana naging malakas lang siya. Kung sana ay iningatan niya ito, sana ay nandito pa ito. Sobra siyang nag sisisi sa sinapit nito. "Hanggang sa muli nating pagkikita. Mahal na mahal kita ..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

His Obsession

read
104.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook