Sinundan ko siya sa kusina. Nakita ko agad siya sa may sink. Bihis na siya ng spaghetti strap sando at short shorts at naka-tie into a messy bun 'yong kanyang buhok. May suot din siyang apron na mas lalong nakapagpadagdag hotness sa kanya. Ugh! Modelo talaga ng perfection 'tong babaeng 'to! "Hey." Nasambit ko nang di ko mapigilang yakapin siya from her back. Napansin kong naghihiwa pala siya ng carrots, sibuyas, bawang, at ewan kung anong halaman kung tawagin 'yong isa. "Bakit?" Tanong niya. "Ang perfect mo na. Nasayo na ata ang lahat." Natawa siya. "Tss hindi ko nga kayang abutin ang Valedictorian 'di ba?" "Hindi naman nagma-matter 'yong Title eh. Seryoso, nasayo na talaga lahat." "Haha, okay?" Pilyang napangiti ako. Mas lumapit pa ako sa tenga niya para b

