PROLOGUE
Tootsie's POV
"Ano sa tingin mo, bakla? Mukhang wala naman na talagang pag-asa 'yang bessy natin kay Ms. Peymus eh!" Parang naiihing bulong sa akin ni Mars.
Hindi na kasi kami mapakali sa magiging resulta ng pustahan namin nitong si Mars. Kanina lang ay sinabi sa amin ni Bessy Lysanne na mapapasabi nga raw niya si Shaheen ng 'I love you'. We should 'watch and see' raw kaya nandito't nagtatago kami ngayon sa damuhan para masaksihan 'yong sinasabi niya.
At dahil walang magawa itong si Mars, ayan! Nagyayang makipagpustahan. Malakas ang loob niyang hindi magtatagumpay si bessy habang ako naman itong todo suporta sa isa dahil malakas din ang loob kong mapapaamin niya nun si Shaheen eh.
Kasi phowwzz... Minsan ko naring nahuling sumusulyap si Shaheen sa kanya. Ito pa ang matindi! Nung umabsent si bessy nang dalawang araw pagkatapos nung Division Science Quiz nila ay hinanap at kinumusta pa talaga siya ni Shaheen ha! Which is very unusual naman kasi ang alam naming lahat ay SUPER HATE ni Shaheen si Bessy Lysanne dati. As in! Since first year high school pa tiniis ni bessy ang pangit na ugali ni Shaheen sa kanya ha! Kaya nakakapagtaka lang talaga.
So bahala na! Kahit 2 weeks pa lang na nagpapansinan sina Bessy Lysanne at Shaheen, at kahit na sa tingin ko ay sobrang maaga pa nga na posibleng may 'nararamdaman' na sila sa isa't isa, gora! Basta ba masaya si bessy, okay na ^_^
"Huy, bakla! Tinatanong kita kung ano sa tingin mo." Mahinang siko pa sa akin nitong mukhang kabayong katabi ko.
"Alam mo, bakla? Tumahimik ka na lang diyan at manood." Naiinis na sagot ko sa kanya.
"Ang harsh mo talaga sa akin. Gusto lang naman kitang kabahan kasi matatalo ka na sa pustahan. Ba't ba ayaw niyo pa kasing maniwala sa akin na straight si Shaheen e! Hindi 'yan mag-a-I love you kay bessy!"
"Ano ang tingin mo sa bessy natin? Hindi straight?!"
"Eh inamin niya na sa ating mahal niya na si Shaheen di'ba? Ibig sabihin lesbian siya, bakla!"
"Huy, bakla! FYI! Never nagkagusto ang bessy natin sa babae 'no, maliban lang kay Shaheen ngayon. Eh kesyo ba, gwapong-gwapo at sobrang crush niya rin kaya si Ali dati! So baka confused lang siya?" Naguguluhang tanong ko na rin.
"Ay basta! Mamaya na lang natin siya tanungin. Prepare to lose na lang, bakla." Nakangising may sabay kindat niya pa sa akin.
Nandidiring sinampal ko siya sa braso. "Yuck ka talagang bakla ka, wag na wag mo nga akong kinikindatan, tumatayo ang mga balahibo ko sa'yo!"
"Whatever!" Paikot eyeballs niya. I did the same saka tahimik na muling minanmanan na 'yong dalawa.
--
"Try me, kaya kitang pagsabihin ng I LOVE YOU, and when that happens, you'll do me a favor and you can't say NO! Game?" -Lysanne
Wait lang... Parang alam ko na 'to.
"Talaga lang ha. Well, game!" Natatawang sagot sa kanya ni Shaheen.
"Okay, pero sagutin mo na muna mga tanong ko ha."
"Hmmmkay."
"So let's start?" Kabadong tanong ni bessy sa kanya.
"Sure." Nanghahamong approve naman ni Shaheen.
Hay! Good luck na lang, bessy!
"Okay, 18+2?"
"Twenty." Mabilis na sagot ni Shaheen sabay cross arms pa.
"How old are ya?"
"Fifteen."
"Sabihin mong Ang ganda ko."
"Ang ganda ko."
"Sabihin mong Pangit ako."
"Pangit ka."
"Hindi! Sabihin mo ngang Pangit ako!"
"Ah, okay. Sorry naman po. Maganda kasi ako eh."
"Shaheen, isa!" Seryosong warning nalang ni bessy sa kanya.
Naparoll eyes muna siya. "Fine, fine! Pangit ako!"
"Haha, see? Napasabi rin kita ng PANGIT AKO! Madali lang 'di ba? Haha!" Bigla ang pagsilay ng pilyang mga ngiti sa mga labi ni bessy. Agad namang nagdikit 'yong dalawang kilay ni Shaheen at hindi makapaniwalang nakipagtagisan nang titig kay bessy.
"Lysanne, wait lang ha. Akala ko ba I LOVE YOU?!"
O my gas ! ! !
Kasabay ng panlalaki ng mga mata namin ni Mars 'yong sabay din naming pagtakip ng mga bibig namin...
Omygaaassss talagaaaaa! UUUWWAAAHHH!
Sabi na nga ba e! Walangya, haha! Akalain niyo nga namang tatablan pa nito si Shaheen?
"What.the.fudge.did.I.just.say?" Hindi makapaniwalang tanong na lang niya matapos niyang masilayan ang nagpipigil-sa-tawang itsura ng bessy namin.
"Yeah, akala mo ba I LOVE YOU? Haha." Pang-aasar pa ni bessy sa kanya.
"Nakakainis ka talaga!" Natatawa na ring sagot ni Shaheen at hinampas pa sa braso si bessy.
"Haha, so okay na? I'll ask you the favor now."
"Yeah, what is it?"
"Be my girlfriend for 1 week?" Nagkakamot sa batok at nasa ilalim ang mga matang tanong ni bessy sa kanya.
Hay, ang cute-cute talaga ng bessy namin 'pag nahihiya!
"Uhm, what for?" Nagtatakang tanong naman ni Shaheen sa kanya.
"Wala lang. Trip ko lang, gusto kong i-try magka-girlpren eh. Pwede bang ikaw first girlpren ko?"
Dahil dun ay natahimik at pinamulahan ng mukha si Shaheen. Nagkaroon ng chance na mag-angat ng tingin si bessy at matamang salubungin 'yong mga mata ni Shaheen. Sandaling nag-usap 'yong mga mata nila.
Ayiiieee! Kenekeleg tuloy mga bulate ko sa tiyan! Hihi ^_^
"Aray naman, bakla! Kung makahampas ka ha." Mahinang tulak papalayo sa akin ni Mars.
"Sorry, akala ko si Scooby Doo ang katabi ko eh." Pang-aasar ko sa kanya.
"Kaya ayokong tumatabi sa'yo kapag nanonood tayo ng romance eh! Wala kang pakialam sa katabi mo kapag kinikilig ka. Makahampas ka lang, okay na!" Pagdadrama niya pa.
"Alam mo ba, bakla? Ako ang nanalo sa pustahan, hindi ikaw! So maging magalang ka kung ayaw mong singilin kita!" Pananakot ko sa kanya. Mukhang effective naman dahil napayuko siya. "Ay joke lang. Halika rito." Bawi ko nang may maisip ako.
"Bakit?" Kinakabahang tanong niya.
"Be my punching bag." Nakangising sagot ko sabay hila sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.
Nagfocus na ulit kami sa panonood sa dalawa nang marinig naming nagsalita si Shaheen.
"Uhm, s-sure but uhm hindi talaga pwedeng mag NO?" Nauutal na tanong niya sa malambing na tanong ni bessy kanina.
UWAAAHHH SURE raw kenekeleg na naman ako!!! *Hampas kay Mars sa mukha*
"Alam mo, Shaheen? Saying NO plus the rejection can lead to emotional stress for both sides involved. Emotional stress caused by rejection can also lead to physical complications such as headaches, ulcers, cancerous tumors, and even death! So for my healthy peace of mind and yours, you can only say YES!"
Oh wow, ano raw?
"Bakla, pengeng cotton." Utos ko kay Mars.
"Tissue siguro, bakla? Ni-nose bleed ka lang e."
Ay tama tissue pala 'yon -_-
"Pake mo ba?! Cotton ang gusto ko ilagay sa ilong e!"
"Sabi ko ngang tatahimik na lang ako."
"Good."
"Uhm yeah, well... fine. I'll be your first girlfriend then." Nakangiting pagpayag na lang ni Shaheen. Si bessy naman hindi makausad sa saya dahil sa narinig! 'Yong mukha niya nagiging kamatis na sa sobrang pula! HAHA
"Last girlfriend din sana, kung pwede." Mahinang sabi ni bessy pero narinig din namin... and for sure ay narinig din 'yon ni Shaheen.
"Ha? Ano 'yong sabi mo?" Ay joke, parang hindi pala narinig ni Shaheen.
"Wala, ang sabi ko date tayo maya pagkatapos ng program. Love you." Sabay mabilis na nakaw halik niya sa mga labi ni Shaheen, at bago pa man makareact ang isa ay mabilis na siyang tinakbuhan nung magaling naming bessy. Tuloy, naiwang tulala si Shaheen habang nakatitig sa kawalan.
Pero hindi nakaligtas sa amin 'yong matatamis na mga ngiti niya!
"Love you, too." Sabi niya sa hangin saka umalis na rin.
Nagkatinginan lang kami ni Mars hanggang sa mawala nang tuluyan 'yong anino ni Shaheen sa paningin namin.
"OMG! WAAAAAHHHHH!" Sabay naming tili bago ko siya sinampal.
"Aray naman, bakit mo 'ko sinampal?!" Sigaw niya nang makabawi sa pagkabigla.
"Gusto ko lang malaman kung panaginip lang ba 'to o totoo!"
"Oh eh bakit hindi sarili mo ang sampalin mo?!"
"Ano ako shungey? Sasaktan ko sarili ko eh alam ko namang hindi panaginip 'to! Tara na nga! Pasalamat ka't sinampal lang kita. Punching bag ka nga sana eh. Pusta pa more!"
Haha, yaaassss!
May pag-asa si bessy! Haha
Heart heart na this!