Chapter 1

2191 Words
"Good morning, Class. Please get a 1/4 sheet of paper. We'll have a short quiz."   Agad nagsigalaw at nagsikilos ang mga kaklase kong tulad ko ay nagulat din sa biglaang pagpasok ni Ma'am sa room namin. "Syet." Bulong ni Mars na katabi ko, kaliwa. "Surprise quiz na naman, hindi man lang tayo ininform." "Malamang, bakla! May surprise quiz bang ipinapaalam? Shungey ke telege." Sagot sa kanya ni Tootsie na katabi ko rin, kanan.   They're my bestfriends. Mars & Tootsie, mga bakla sila, sa kilos at gawa. Hindi nga lang halata on first impression kasi bihis lalaki parin naman sila. "Hindi ako prepared, gosh! Hindi ako nakapag-aral!" Maktol pa ni Mars. "May prepared ba sa surprise? Hay naku, bakla. Umayos ka ha. Next time magbasa ka naman ng mga libro kahit sandali lang. Kopya ka na lang nang kopya dito sa maganda nating bessy. Maabuso ka talaga." Asik naman ni Tootsie rito.   Konti na lang talaga ay matatawa na ako. Langya kasi sinabihan pa akong maganda nitong isa para ganahan pa akong mag pakopya sa kanilang dalawa. "Hala siya! Mabuti sana kung hindi ka rin nangongopya Tootsielot ha! Tigilan mo ako." Ayan at saway ni Mars sa kanya.   "Chill, boys. Hangga't matalino pa naman ako ay pakokopyahin ko kayo." Nangingiting sabi ko na lang sa kanila para matapos na. "Eww!" Sabay nilang react nang marinig 'yong sinabi kong 'Whatever, BOYS'. "Girlalush kami, bessy. Wag mo ngang kalimutan 'yan." Sabi sa akin ni Tootsie sabay lapag sa armchair ko ng isang 1/4 sheet. Nagkatinginan pa sila ni Mars nang naglapag din ito ng isa sa armchair ko. Bale dalawang 1/4 na ang meron ako sa armchair ko ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang pigilan 'yong tawa ko sa mga itsura nila.   Yan na kasi ang role nila. Simula nung naging close kaming tatlo at pinapakopya ko na sila ay sagot na nila ang papers ko. Kaya hindi na ako nagdadala ng papel. Haha   "Bessy, itong 1/4 na binigay ko na sa'yo ang gamitin mo. Maswerte 'yang papel ko." -Tootsie "No, bessy. Yang 1/4 na binigay ko ang gamitin mo. Mas maswerte 'yan." -Mars See? Ito na naman sila. "May problema ba kayo diyan sa likuran?" Sabay-sabay kaming napatingin sa harapan, sa nakakatakot na anyo at boses ni Ma'am.   "W-wala po, Ma'am." Mabilis na sagot ng dalawa. Tumahimik na ang buong klase at nagsimula na rin agad ang quiz.   --   Pagkatapos ng sampung minuto ng surprise short quiz ay tahimik na ipinasa na namin kay Ma'am ang papers namin. Nagtaka kami dahil chinicheck nya naman usually ang mga papers namin after ng quiz, pero ngayon ay isinantabi niya na muna 'yon at nagsimulang magklase. I can't quite tell pero napansin kong medyo problemado si Ma'am ngayon. At hindi ko alam kung bakit. Mahinang sinampal ko na lang ang sarili ko for not paying attention. Kung saan-saan naglalakbay ang isip ko. Kaya nang maglikot ang mga tingin ko ay bigla na lang napadako ang mga mata ko sa nakakaakit na kagandahan ni Shaheen. Nagawa ko na namang pagmasdan 'yong anyo niya mula sa mga buhok niya sa ulo pababa sa mga school shoes niya sa paa. She's so neat, unbelievably attractive, sexy, and so breathtakingly beautiful. Hindi katanong-tanong ang pagkakaroon niya ng maraming admirers from both sexes. Boys and girls go gaga for her attention.   Naging mabilis 'yong t***k ng puso ko nang mapatingin ako ulit sa mga mata niyang nakakatunaw... At nanlilisik na ang mga 'yon kaya mabilis din akong nag-iwas ng tingin.    This is one of the reasons why I can't like her. Masyado siyang masungit para sa akin. She hates me, I know. Kasi simula nung maging mag classmates kami nitong 1st year high school ay hindi na siya naging Top 1. Nasa akin na kasi ang trono kasi natural na mas matalino ako sa kanya. Ang alam ko rin kasi ay Valedictorian siya nung elementary sa school nila. So we started off as rivals and that's why we can't also be friends. Sinubukan ko namang makipagkaibigan sa kanya dati eh, siya 'yong ayaw. "Lysanne at Shaheen, magpaiwan kayo. May pag-uusapan tayo. Class, dismissed." -Ma'am Medyo nagulat pa ako nang marinig ko ang pangalan ko. "Tapos na pala ang klase?" Naitanong ko sa mga bestfriends ko nang magsimula na rin silang magsitayuan kasama nung iba pa naming mga kaklase.   "Oo, bessy. Hindi mo napansin 'no?" Makahulugang tanong sa akin ni Tootsie. "Nakatingin ka lang kasi sa crush mo buong oras ng discussion eh." Mapanuksong sagot naman sa akin ni Mars. "Excuse me lang ha. Hindi ko nga crush si Shaheen!" May diin ngunit pabulong kong sabi sa kanilang dalawa.   Parati na lang kasi nila akong tinutuksong may crush kay Shaheen kasi madalas daw nila akong nahuhuling napapasulyap dito. Hindi ko naman 'yon dini-deny kasi nakaka-attract naman talaga 'yong kagandahan niya. Pero hindi ko naman siya crush! Ang sungit niya kaya! "Masyado ka namang defensive, bessy. Si Ali 'yong tinutukoy kong tinitignan mo kanina eh. So si Shaheen pala 'yon?" Sagot sa akin ni Mars at makahulugang tinignan si Tootsie. Nag apir silang dalawa at nakangising sabay na tinignan ako ulit.   Ugh! Yes, si Ali. Siya 'yong crush ko. Bukod kasi sa gwapo na, mabait pa. Alam 'yan ng mga bestfriends ko. Kaya ang lakas nilang makapanukso ngayon kasi magkaseatmate lang sina Ali at Shaheen sa harapan.   "Hintayin ka na lang namin sa labas bessy ha? Good luck sa muling pag-iisa niyo ni Shaheen." Makahulugang sabi sa akin ni Tootsie.   Ayan na naman siya -_- "Bastos! Umalis na nga kayo." Pagtataboy ko sa kanila. Nagsitawanan lang sila. "Pag-iisa niyo dito sa room! Kasama si Ma'am! Masyado kang green minded, bessy! Haha! Babush!" At nilisan na nila ang room. Naiwan kaming tatlo nina Shaheen at Ma'am. Bitbit ang backpack kong nagtungo ako sa harapan.   "Mainit ang ulo ko. Hindi ako nainformed nang mas maaga na sa susunod na araw na pala ang Science Quiz sa kabilang paaralan. This is by pair again, and kayong dalawa ang ipapadala ko. I need you to be both responsibly prepared mentally, emotionally, and physically. For the last 2 years ay parating nakakarating sa Regional Level ang mga students ko with regards to this contest. So I'm telling you now, kailangan niyong makipagcompete sa 21 high schools and win. If not, you'll both get low grades sa subject kong 'to. And you both know na hindi maganda 'yon since you both belong to the achievers. So kung ayaw niyong mahulog sa pagiging Top 1 at Top 2 niyo, panaluhin niyo ang Science Quiz, Division Level sa susunod na araw. Nagkakaintindihan ba tayo?" "Yes, ma'am." Mabilis at sabay naming sagot ni Shaheen.   Sandaling nagkatinginan pa kami pero sabay din kaming nag-iwas ng tingin. Normal lang 'yong pag-iwas ko sa kanya samantalang 'yong sa kanya ay may kasamang irap. This girl really hates me that bad. "You'll be spending the rest of the night in my house. And bukas, I'll be excusing you both to your other teachers because we don't have much time to review. For now, umuwi na muna kayo para makapaghanda ng mga damit niyo until the next day. I want you to bring your references in Physics, too. Gusto kong makapagdinner na rin kayo bago ko kayo sunduin sa mga bahay niyo, exactly 7pm. I'll take all the concerns with regards to your parents. This is a very serious matter, girls. So if you disappoint me, I swear I'll make you both regret it." Walang kurap at tuloy-tuloy na dagdag pa ni Ma'am.   "Excuse me, Ma'am. I'd like to ask... Does by pair mean we should work on this together?" -Shaheen "Of course, dear. You review as a team so you answer as a team. Hindi ba't 'yon na ang gusto ng mga students nowadays? Ang may katulong sa pagsagot?" -Ma'am   "Well, I can manage to answer at my own will, Ma'am." Diretsong sagot ni Shaheen kay Ma'am kaya hindi ko maiwasang mapataas ng kilay. Aba, 'tong babaeng 'to! Ano sa tingin niya, gusto ko ring nagtutulungan kami? Duh! Kaya ko ring mag-isa 'no! Baka nakakalimutan niya, ako ang first honor dito!  "And I can win the the Science Quiz alone, Ma'am. Pwede niyo na pong 'wag isali si Shaheen dito." Counteract ko. Biglang nagulo 'yong kanina lang ay seryosong mukha ni Ma'am. Napalitan 'yon ng pagkalito at palipat-lipat na lang bigla ang tingin niya sa amin nitong masungit at mataray na Dyosa sa tabi ko. "Anong 'wag isali? Okay ka lang, by pair nga 'di ba?!" Ayan na at beastmode na harap sa akin ni ateng.   "Alam ko! By pair nga so bakit gusto mong sumagot nang mag-isa?! Ano ako dun, display lang? 'Di naman hamak na mas matalino ako sa'yo 'no!" Naiinis na sagot ko naman sa kanya. Natahimik siya bigla. "Ano?! Cat got your tongue, Shaheen?" Nakangising tanong ko sa kanya. Mas lalong sumama lang 'yong pagkakatitig niya sa akin at sasagot na sana siya nang biglang mapatikhim si Ma'am sa harapan namin.   "Alam niyo, hindi tayo mananalo nito if ganyan kayo." Sabi niya sa amin. "My students who competed and won this contest are the best working pairs I've created and trained. As the best pairs, you have to think as one. Kung ganyan kayo ngayon, hindi ko na lang alam." Namayani ang katahimikan sa aming tatlo. Palipat-lipat lang ulit ang tingin ni Ma'am sa amin ni Shaheen, as if minamatyagan kami. Si Shaheen naman, ganun parin ang tingin sa akin, parang gusto niya na akong patayin. At dahil ako naman ang mukhang mabait sa amin, hindi ko na lang sinalubong 'yong mga nakakamatay niyang tingin at piniling sa floor na lang tumingin. "Girls, look at me." Ma-awtoridad na utos sa amin ni Ma'am kaya napatingin din kami agad sa kanya. "Kayong dalawa ang pinakamagaling sa klase ko. Alam kong kaya niyo ipanalo ang contest katulad ng mga dating students ko. So will you do me a favor?" Nagkatinginan ulit kami ni Shaheen saka sabay na alanganing napatango. "I want you to be friends. Kahit ngayong reviews lang natin. After niyo maipanalo ang contest, pwede na ulit kayo bumalik sa dati." Pakiusap niya sa amin. "Fine with me." Mabilis kong sagot kay Ma'am. Naglahad pa ako ng kamay sa harapan ni Shaheen for a shake hand. Ilang segundo pang nagpalipat-lipat ang mga tingin niya sa kamay ko at sa itsura ko. "What if ayaw ko, Ma'am?" Taas ang isang kilay na tanong niya na lang bigla kay Ma'am.   Hay, wala na ba talagang pag-asa na maging magkaibigan kami ng babaeng 'to? Grabe siya ha. "Then I'll fail you both." Diretsong sagot sa kanya ni Ma'am. Nakita kong medyo nagulat pa siya roon pero mamaya lang ay nakayukong sumagot na lang din siya. "Fine." Mahina niyang sabi at napipilitang tanggapin ang kamay ko. "Friends." Sabi niya pa.   Hah! Takot naman pala siyang mabagsak e! "Friends." Nakangiti ko namang sagot sabay higpit doon sa mga kamay naming magkahawak pa. Wow, ang lambot ng kamay niya. Parang ang sarap laging hawakan. Sana 'di na kami magkabawian pa. What the?! Agad akong napabitaw sa kanya at napalunok bigla nang makita na naman 'yong nakakamatay niyang titig.   Bakit, ano ba kasi 'yong mga naiisip ko?! I sounded like I'm loving the feeling of her hands on mine. Fvck ano ba 'to. "Kung makabawi ka ng kamay mo, parang may nakakahawang sakit ako 'no?!" Puno ng sarcasm na tanong niya sa akin. Ugh! Kakabati lang namin e, mag-aaway na naman ulit kami?   "No, it's not that." Pagrarason ko pero mukhang wala na siyang planong makinig.  "Ma'am, mauna na po ako." Paalam niya kay Ma'am at rumampa na palabas ng room namin. Hindi ko naiwasang tapunan ng tingin si Ma'am na pailing-iling na natatawa lang. "Uhm, a-ako rin po. Alis na po ako. Bye po." Paalam ko na rin saka mabilis na lumabas na rin ng room para habulin si Shaheen.   "Shaheen!" Nakasunod na sigaw ko nang maabutan ko pa siya sa hallway pababa ng first floor. Nagmaang-maangan siyang walang narinig kaya tumakbo na ako para makahabol sa kanya. "What?!" Inis na tanong niya nang mapahinto siya sa paglalakad dahil sa paghawak ko sa braso niya para maiharap ko siya sa akin.   Wrong move ata kasi ugh! Ba't ba ang soft at ang delicate tignan ng balat niya? Napabitaw na lang ako ulit kasi paano pala kung marumi ang kamay ko tapos madumihan ko 'yong makinis niyang balat? Hay naku -_-   "Bwiset! Pwede ba sa susunod wag mo akong hahawak-hawakan tapos parang nandidiring bibitawan din ako agad?! You're making me feel like I have a virus!" Singhal niya sa akin. Napakamot na lang ako sa batok ko at nahihiyang nag-iwas ng tingin.   Ba't ganun? Kahit ganyan yang tono ng boses niya ngayon, ang sarap parin pakinggan sa tenga? 'Di makabasag pinggan. Wew! "Sorry na. Hindi naman 'yon ganun e. A-ang ano kasi ng balat mo. Parang salamin na babasagin at kailangang ingatan. 'Yong tipong konting galaw ko lang, baka magasgasan na kita. And natatakot akong hawakan ka nang matagal, but at the same time... I still feel the need to t-touch you again pero ayan at naiinis ka na sa'kin. I'm really sorry for making you feel that way." Sabay pa-cute.   Pansin ko ang biglang pagbabago ng emosyon sa maganda niyang mukha. Nawala ang inis at napalitan 'yon ng pamumula sa magkabilang pisngi niya. Kinapos tuloy ako ng hininga dahil sa halos apat na taon naming pagiging magkaklase ay ngayon ko lang siya nakitang pinamulahan nang ganito. Kaya napangiti ako dahil mas gumanda pa siya sa paningin ko. Siya ay Dyosa na naging Goddess. Lol inenglish ko lang ata 'yon. Haha ano na bang nangyayari sa akin? Matino pa naman ako 'di ba? "Touch your face! Manyak!" Sabi niya bigla sabay walk out. Naiwan tuloy akong tulala habang napapaisip. Anong problema nung isang 'yon? And the fudge lang ha, tinawag pa akong manyak eh ako na nga itong nagpakumbaba! Ang hirap pala makipagkaibigan sa isang 'yon lalo pa't kaaway at kakumpetensya na talaga ang turing niya sa'yo sa simula pa lang. Hay -_-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD