Chapter 2

1836 Words
"Dito na muna kayo matulog mamaya sa kwarto ng panganay kong anak na nasa ibang bansa ngayon." Ma'am said as we followed her. 3 minutes ago nang makarating kami rito sa bahay nila at dala-dala ang mga naimpake naming mga gamit at libro, ay kasalukuyang iginigiya niya kami papasok ng isang silid na may isang may kalakihang kama, isang TV, at mga natural na kagamitang makikita mo sa isang bedroom. "Ang banyo ay kaharap lang ng kwartong ito, kung may ibang kailangan pa kayo't gustong itanong ay sa salas niyo lang ako makikita. I'll check on you..." Napatingin siya sa suot niyang relo, "I'll check on you after 30 minutes. Pagkatapos niyong maipwesto ang mga gamit niyo ay gusto kong magsimula na rin kayong magreview. Walang oras dapat tayong sinasayang. Sobrang malapit na ang quiz at sobrang delayed narin tayo sa paghahanda. Please do your best to make me proud, girls."  "Yes, Ma'am." Kapwa nakangiting sagot namin sa kanya. Ngiti lang din ang ibinigay niyang sagot sa amin bago niya kami iniwan. Dahan-dahan akong napatingin kay Shaheen. Hindi ko alam bakit... Siguro kasi awkward lang talaga na magtatabi kami sa iisang kama pagkatapos naming magreview mamaya? "You sleep on the floor later." Matigas at may diing sabi niya agad. Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay pansin ko pang nakataas 'yong isang kilay niya. Matindi ha. Tapos siya sa kama? Eh di wow! "I'll sleep on the floor if you'll sleep on the floor on the other side of the bed, too." Mataray na sagot ko sa kanya. Napaharap naman siya sa akin. Jusko ba't ang ganda niya na naman ngayon? Para hindi halatang naii-starstruck ako ay itinaas ko na rin 'yong isang kilay ko para pareho kami. "Excuse me? Sa ganda kong 'to, sa floor mo ako patutulugin?" Di makapaniwalang tanong niya. "Ay wow lang Shaheen ha. May nakalagay bang signage dyan sa itaas ng kama na MAGAGANDA LANG ANG PWEDE MATULOG DITO?!" Hindi naman ako pangit ah! Masapak ko siya dyan e. Ay joke! Di ko kaya. Kiss ko na lang siya, mas mabuti pa. Pero eww Lysanne! Ano ba 'yang mga pinansasabi mo?! Maghunos-dili ka nga! Babae 'yan! Hindi lang basta babae, si Shaheen 'yan! "So anong gusto mo? Magtabi tayo?!" Naiirita niya ng tanong sa akin. "May other choice ka pa ba?!" Naiinis na sagot ko na rin sa kanya. "There's no way I'm going to share that bed with you!" "Aba, ako rin 'no!" Sabi ko sabay bulong ng, "Mabahiran pa ng kulay ang kainosentehan ko." Hindi ko ito sasabihin kasi gusto ko naring makisabay sa kanila ha. Wala akong plano. At AYAW KO. Pero imposible naman kasing sa sexy at sa ganda ng katawan niyang 'yan ay hindi pa siya nagagalaw. Ewan ko ba, feeling ko nga ako na lang ang virgin sa batch namin e! Pati na rin mga bakla kong bestfriends ay hindi na virgin. Hay naku. "Excuse me, may sinasabi ka?" Nag-uusisa niyang tanong. "Wala po, mahal na prinsesa. Ang sabi ko po ay tulungan na kita dyan sa mga dala mo nang makapagsimula na po tayong mag review." Sagot ko sa kanya. At bago pa man niya mai-iwas ang dala-dala niyang tatlong malalaki at makakapal na mga libro sa kanang kamay niya ay nakuha at nabitbit ko na 'yon. Inilalapag ko na 'yon sa may kalakihan na ring study table roon nang mapansin kong lumambot bigla 'yong mga titig niya sa akin.   "What?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Thank you." Halatang napipilitang pasalamat niya. Marunong din pala siyang mag appreciate ng sweetness ko. Lol Ngiti na lang ang isinagot ko sa kanya at tahimik na pinagmasdan na lang siyang nagpwepwesto ng bitbit niyang bag doon sa may malapit ng kama. Kumunot ang noo ko dahil bakit parang ang bigat nun e dalawang gabi lang naman kami dito.Gusto ko sanang tulungan siya ulit kaso pinigilan ko na lang ang sarili ko. I'm being too nice to her. Hay, whatever. Pwenipwesto ko na rin ang mga gamit ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Ma'am. "Girls, I want you to answer these test papers. All types ang gagawin niyong pagsagot. Identification, multiple choice, enumeration, and essay. Maraming questions ang lumabas dito last year's quiz. Akin na muna ang mga phones niyo, magbihis na rin muna kayo nang pantulog and then you can both start answering na. Balikan ko kayo after an hour. No cheating girls, please." Pagbibigay instructions niya sa amin. Pagkatapos niyang ilapag ang mga test papers sa study table ay kinuha niya na muna ang mga phones and books namin bago siya lumabas ng silid.   Kinukuha ko na 'yong mga damit ko nang mapalingon ako sa likuran ko. At bigla akong naubo sa nakita ko. Syet! Shaheen on her pink bra and panty only! "Manyak ka talaga, tumalikod ka nga ulit!" Namumulang sigaw niya sa akin sabay tapon ng kakahubad niya lang na shirt sa mukha ko. Napatalikod din ako ulit nang wala sa oras. "Malay ko ba kasing nagbibihis ka na diyan, hindi ka naman nagpapaalam! Ano sa tingin mo, mag-isa ka lang dito sa kwarto?!" Bulyaw ko naman sa kanya. In fairness ha... Ang bango ng damit niya. Hingiin ko kaya 'to sa kanya mamaya? Akin na lang ^_^ "Pwede naman kasing tumalikod ka na agad matapos mo ako makitang nagbibihis 'di ba?! Eh ang kaso, mga limang segundo pa nagtagal 'yang mga mata mo sa katawan ko!" Seryoso? 'Yong flat niyang tiyan nga lang 'yong nakita ko e! "Sorry! Akala ko kasi kasingganda mo 'yong katawan mo. Hindi pala." Pagbibiro ko na lang.  Syet talaga, namamanyak na ako! Gusto ko ulit siya tignan e pero sa tingin ko ay bihis na siya. "Nagsalita ang walang puwet." Panghahamon niya naman sa akin. I turned around to face her na and tama nga ako, bihis na siya. "May puwet naman ako ah, payat lang talaga ako." Pagrarason ko, though totoo naman. May puwet pa naman ako kahit papaano e. Grabe siya! "Whatever." Was all she said. Papunta na siya ng study table nang tumalikod na rin ako't nagbihis. Pagkatapos ay sumunod na rin ako sa kanya at tinignan 'yong test papers na iniwan ni Ma'am. Isang ideya ang agad lumitaw sa isipan ko. "Shaheen, let's make a deal." Kuhit ko sa kanya. "That's stupid." Masungit niyang sagot. Itong babaeng 'to talaga! Kapag hindi ako nakapagpigil... "Please? Sige na. Pataasan tayo ng score rito. 'Yong panalo, siya 'yong matutulog sa kama. Deal?" Hinintay ko ang sagot niya pero tumaas lang 'yong isang kilay niya at sandaling nag-isip. "Deal." She finally said. Napangisi na lang ako sabay upo sa kaharap niyang upuan. Sinimulan ko na rin ang pagsagot sa test papers. Isang oras ang lumipas at parehong tutok parin ang mga mata namin sa test papers. Tapos na kaming sumagot but we're still looking for some errors. Aminado ako, nadalian ako sa pagsagot pero may iilang mga numbers ding hindi ako sigurado sa mga sagot ko. Napatingin ako kay Shaheen. Kakaiba talaga ang ganda niya. And tulad ko ay kalmado lang din siya. She's stroking her chin while her piercing eyes are still seriously glued on her papers. Nadalian lang din kaya siya? "What are you looking at?" Bigla niya na lang tanong. "H-ha? Wala." Syet, bakit pa kasi ako nagpahalata? Pwede namang sinulyapan ko lang siya 'di ba? "Gusto mong mangopya?" Nang-aasar na tanong niya pa. "Bakit naman ako kokopya sa'yo kung kaya ko namang sagutan 'to lahat?" "Then tell me why are you looking at me then?" "Wala nga. Kapag ba tinitignan ka gusto ng mangopya?" OA siya ha. "So bakit mo nga ako tinitignan?!" Naiinis na pilit niya na naman. "Wala nga kasi! Pakialam mo ba?!" Naiinis sa sagot ko na rin sa kanya. Ang kulit kasi! Hindi na lang makuntento sa wala eh! "Siyempre ako 'yong tinitignan mo!" "Tapos?" "Wala." Mabilis niyang sagot sabay harang ng test paper niya sa mukha. Hindi ko na tuloy siya makita. May kung ano sa kanang kamay ko na inagaw na lang bigla 'yong test papers niya. Itinaas ko ang mga 'yon sa kanang bahagi ko sabay tingin sa kanya. Naiinis na sinalubong naman niya ang mga mata ko. "Give them back to me!" Halos pasigaw na sabi niya. "No, not until you tell me what bothers you first." "Ah ganun?" Hamon niya sabay kuha rin nung test papers kong nasa harapan ko lang. Fudge ba't hindi ko napansin 'yon? "Now you tell me first." Nakangising utos niya. "Tell you what?" Naguguluhan ko namang tanong. "Kung bakit mo nga ako tinitignan." Hay -_- May lusot pa ba ako neto? "K fine!" Pagsuko ko. "So what? Why are you looking at me?" "Ang ganda mo kasi. Happy?" Siya tameme. Sandaling katahimikan... Nakatingin lang din siya sa akin at hindi na muling umimik. "Okay, now. Ako na naman 'yong sagutin mo." Medyo awkward na kasi. "Ano sa'yo ngayon kung tinitignan nga kita?" Tanong ko sa kanya. "Duh, siyempre kasi nagtanong ka kung ano 'yong pakialam ko. Sinagot lang kita." "Exactly my point! BAKIT-KA-MAY-PAKIALAM?" Diin ang bawat salitang sabi ko sa kanya. Natahimik ulit siya at parang nagdadalawang isip pa kung sasagutin niya ba 'yong tanong ko o hindi. "Shaheen? Ano na?" "Naiilang ako, okay na?!" Masungit niyang sagot sabay tayo sa upuan para agawin 'yong test papers niya sa akin. Umupo rin ulit agad sabay tabon ng mukha. Nakalimutan niya sigurong hawak-hawak niya rin pa 'yong test papers ko sa kabilang kamay niya. Pagalit na inilapag niya ang mga 'yon sa harapan ko. At bago niya pa ulit matakpan 'yong mukha niya ay nakita ko ulit 'yong pamumula ng mga pisngi niya. Hindi ko alam kung bakit pero... fudge, kinikilig ako! Uwaaahhh 'di ko tuloy maiwasang mapangiti. "Girls, are you done?" Biglang pumasok si Ma'am. "Yes, ma'am." Ako lang ang sumagot. Si Shaheen nanatiling nakatakip lang 'yong mukha. "Good then. Akin na. Magreview na muna ulit kayo habang chini-check ko ang papers niyo sa salas ha?" Sabi niya sabay lapag sa lamesa nung mga confiscated books and phones namin kanina. "Yes, ma'am." Ako lang ulit ang sumagot. Mukhang napansin naman ni Ma'am na hindi okay si Shaheen kaya nilapitan niya ito at kinumusta. "Shaheen? Are you okay, dear?" "Yes, ma'am. Excuse me, naiihi lang po." Sagot niya sabay iwan sa table ng test paper niya at mabilis na lumabas ng silid. Nagkatinginan lang kami ni Ma'am at napakibit balikat lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung ano ang problema nung isa. "Uhm, sige i-check ko na muna 'to." Paalam ni Ma'am saka lumabas na rin. Naiwan akong mag-isa. Hay. Anyare kay Shaheen? Nakakapag-alala naman bigla. Sana okay lang siya. Mga tatlong minuto ata nang makabalik siya. Awtomatikong napatayo ako't napasandal sa lamesa. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa maisarado niya na 'yong pinto. "What?!" Salubong ang mga kilay na tanong niya. "Anyare sa'yo? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko instead na sagutin siya nang pasinghal din. "Yeah." Matipid niyang sagot at tumungo siya sa bag niya at may kinuha roon. Inhaler? "May asthma ka?" Hindi ko naiwasang itanong. "Yeah." Matipid niyang sagot ulit matapos niyang mag breathe out from using the inhaler. "I'm sorry." Nasabi ko na lang. "Sorry for?" "Kasi pinilit kitang saguti--" "Nah." Putol niya sa sasabihin ko. Hay, masungit parin talaga -_- "Look, you can sleep on that bed alone. Pakiusapan ko na lang si Ma'am na doon na lang ako sa couch nila sa salas mamaya. Hihiram na lang ako ng kumot." I said. "No, be fair. Kung ikaw ang mas mataas ang score, ikaw dito. Kung ako, doon ka sa couch." High pride neto -_- "I changed my mind. Ayoko na sa kamang 'yan, hindi ko type humiga sa mga ganyang class." Pagsisinungaling ko na lang. Hindi pa ba halata? I wanted her to have the bed! I'm giving the s**t to her, why can't she just take it?! "Whatever." Tanging sabi niya. I only shrugged at mas piniling magreview na lang kaysa makipagtalo pa ulit sa kanya. Hay, Shaheen! Ba't ang hirap mong kausap? -_-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD