Chapter 3

2381 Words
Time check - 10:30 PM Patuloy pa rin kami sa tahimik na pagre-review namin nang bulabugin kami ng tatlong magkakasunod na katok mula sa nakasarang pinto. Bumukas 'yon at iniluwa roon ang isang magandang nilalang. Si Layla Madey. Anak siya ni Ma'am at ka schoolmate rin namin. She's one year younger than us, a Junior. Bukod dun, siya rin ang Vice President ko sa Science, English, at Filipino Clubs. "Uhm, ipinapapabigay pala ni Mommy sa inyo." Sabay abot niya nung mga checked test papers namin. "Pinapasabi na rin ni Mommy na matulog at magpahinga na rin daw muna kayo. Bukas niyo na raw ulit ipagpatuloy ang pag-aaral. Hindi raw kayo papasok ng buong araw. Siya na raw ang bahalang mag-excuse sa inyong dalawa." "Okay. Bakit ikaw ang inutusan niya?" Hindi ko naiwasang itanong. "Nagmamadali silang umalis ni Daddy kanina eh. Hindi ko alam kung saan pupunta." "I see. Okay, thank you." "Walang anuman, Pres." Magalang na sagot niya sa akin. "Ate Sha, una na po ako sa inyo." Paalam niya sa aming dalawa ngunit kay Shaheen lang nakaharap. "Sige. Good night, Leyla." Nakangiting sagot naman sa kanya ni Shaheen. Kita mo 'tong babaeng 'to! Ang nice niya sa iba pero pagdating sa akin, ang sungit-sungit niya! Hmpft! "I got 97 out of 100." Walang emosyong balita niya agad sa akin nang makalabas na si Leyla. Napatingin naman agad ako sa test paper ko. 98! Haha! Ang galing ko talaga! "96." Sagot ko sa kanya at hindi nagpahalata. Sinadya ko 'yon para wala na kaming maraming usapan pa. Siya na kung siya na ang hihiga sa kama basta komportable siya. Baka atakihin ulit ng asthma -_- "Patingin ng test paper mo." Parang nagdududang sabi niya. Hindi na ako agad nakaiwas dahil mabilis na nakalapit na siya sa akin at aktong aagawin na 'yong test paper ko pero dahil mabilis pa naman ang reflexes ko, nagawa ko pa 'yong itago sa likuran ko. "Bakit ba?" Kunyari nagtatakang tanong ko sa kanya. "Never kitang nalamangan sa lahat ng quizzes, Lysanne! You're always a point or a number higher to me. Kung totoo nga 'yang sinasabi mong 96 ka, lemme see dahil importante sa akin 'to!" Patay. "Joke lang, 97 din ako." Pagsisinungaling ko ulit. "Sabi na." Natigilan siya. "What?" "Nagsisinungaling ka." Mabilis niyang sagot. "H-hindi! 97 talaga ako, Shaheen!" Sabay lunok laway. Ugh, hindi talaga ako papasa sa acting! Eh paano ba naman kasi ang lapit niya sa akin tapos ayan na naman 'yong titig niyang nakakalusaw! Paanong hindi siya lalapit sa'yo eh gusto ngang makita 'yang test paper mo! -Singit ni Ego "Patingin nga ng test paper mo!" Naiinis niya ng utos sa akin. "Ayoko nga!" "Bakit ba?!" "Makikita mo 'yong nakasulat kong buong pangalan." "And then?!" Bakas sa maganda niyang mukha ang pagkairita. Hay, bahala na! Hinding hindi ko talaga 'to ipapakita sa kanya! Bukod kasi sa siya 'yong gusto kong patulugin sa kama, ayoko ring makita siyang nasasaktan dahil I'm a point or a number higher than her na naman. Hay! "Maiisip mong maganda pala ang pangalan ko." Seryosong sagot ko. Biglang tumaas naman agad 'yong isang kilay niya. Kung ano-ano na lang kasi talaga ang pinansasasabi ko mawala lang ang atensyon niya sa test paper ko -_- Nakipagtitigan ako sa kanya. Andyan na naman 'yong aura ng isang masungit na Shaheen! Haha pero sorry siya. Hindi niya talaga pwedeng makita e. "Ha?! Bwesit 'wag mo ngang ibahin ang usapan, Lysanne!" "Totoo naman kasi." "Fine! Maganda na ang pangalan mo!" Sabi niya. Napangiti ako. Haha, dahan-dahan ko ng naiiba ang usapan. "Talaga? Lalo na 'yong apelyido ko?" Nai-excite kong tanong agad sa kanya. "Ha?!" Ay 'di niya gets. Haha "Oo na! Pati apelyido mo maganda. Now let me see your paper!" At sinimulan niya ng agawin sa akin 'yong test paper ko. I turned around para makaiwas ulit. "Lysanne, isa!" Naiinis na asik niya. "Gusto mong share na lang tayo sa last name ko?" Singit ko pa. "No!" Sabay agaw niya ulit sa test paper kong iniiwas-iwas ko naman. "Eh sabi mo maganda pangalan ko e." Kunyari nasasaktang sagot ko. I even pouted para mas cute. Haha "Hindi lahat ng maganda, ginugusto. So in our case, ang sabi ko ay maganda lang siya. Wala akong sinabing gusto ko ang last name mo so shut up and let me see your test paper now!" Natahimik ako. 'Yon! Talagang kumirot dibdib ko dun ha. Nasabihan na nga ng 'hindi niya gusto' dinagdagan pa ng 'shut up'! DOUBLE KILL! Syet. "Parang katulad mo..." Biglang seryosong sabi ko sa kanya na halatang ikinabigla niya naman dahil napatigil siya sa pang-aagaw at matamang sinalubong lang 'yong naluluha kong mga mata. Hugot na this! "Sobrang ganda mo pero ang hirap mong magustuhan... Shaheen Szalli." Sabay walk out at labas ng pinto. Pahid agad ng mga luhang tumulo na pala. PERO JOKE! Gusto kong isigaw sa kanya kasi ang totoo naman talaga ay hindi. HINDI SIYA MAHIRAP MAGUSTUHAN! Drama ko lang 'yon para tumigil na siya. Haha, effective naman 'di ba? Yes! Nagtungo na lang ako sa salas at diretsang nahiga sa couch. "Pres?" Anang isang boses sa likurang bahagi kaya napabangon ako bigla. Nalingunan ko si Leyla. Pres ang tawag niya sa akin. Abbreviation ng President. Hindi naman talaga ako sikat sa school katulad ni Shaheen pero kilalang-kilala ako ng mga officers ko. "Leyla? I thought tulog ka na?" "Hindi pa po. May tinatapos pa akong assignment eh. Bakit diyan ka nahihiga? Don't tell me dyan mo planong matulog, Pres?" Napakamot lang ako sa batok ko, "Hmmyeah. Isa lang kasi 'yong kama dun e. Ayaw ni Shaheen na magkatabi kami. Ikaw, ba't ka naparito?" "Kukuha lang ng tubig at papatayin na rin sana ang ilaw dito." "Ah, ganun ba. Leyla, request lang, pwedeng makahiram ng kumot?" "Pwede namang sa kwarto ko na muna ikaw matulog, Pres. Okay lang sa akin." "Ha? Naku hindi na, malikot ako eh. Dito na lang, maiintindihan naman siguro ng Mommy mo pagdating nila ng Daddy mo, 'di ba?" Ang kapal na talaga ng mukha ko -_- Bahala na! "Of course, Pres. Sige, sandali. Ikukuha lang kita ng mas komportableng unan at kumot." "Okay, thank you." Pasasalamat ko in advance. Naghintay lang ako ng ilang minuto. 'Di nagtagal ay nakabalik na rin si Leyla na may bitbit na unan at kumot. Iniaabot niya na ang mga 'yon sa akin nang may maramdaman din naman akong presensya sa likuran ko kaya nang mapalingon ako roon ay nakita ko ang walang emosyong mukha ni Shaheen. "Mauna na ako, Pres. Good night." Paalam ni Leyla. "Good night. Thank you ulit." Matamis ang mga ngiting sagot ko na lang sa kanya. Pagharap ko ulit kay Shaheen ay may hawak-hawak na siyang test paper. Oh, no. Agad akong napatingin sa mesa sa tabi ng couch kung saan ko iniwanan 'yong test paper ko. Nanlumo ako nang wala na 'yon roon. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa test paper ko. I'm actually waiting for any violent reaction after... pero nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay wala akong makitang galit o inis sa mga mata niya. "Tara na sa kwarto. Inaantok na ako." Sabi niya lang at nagsimula ng maglakad pabalik sa silid namin. Hindi naman ako agad nakasunod sa kanya. I don't know. Is it just me or she really sounds like a wife inviting her husband to join her to sleep? "Lysanne." Tawag niya ulit sa akin. Is it just me or ngayon ko lang siya narinig na tinawag ako sa pangalan ko nang kalmado at hindi pasigaw? "Ha?" Naguguluhan kong sagot sa kanya. "Sabi ko tara na. Tabi na tayo sa kama. Supposedly ikaw lang ang dapat nandoon eh. Deal's a deal pero ikaw 'tong unang lumabag." T-tabi na raw kami sa kama? Seryoso? Sinabi niya ba 'yon or namali lang ako ng dinig? Wait, baka naawa lang siya? Alam ko na kung bakit biglang ang bait niya sa akin ngayon! May after effect pa rin talaga siguro 'yong pagdadrama ko sa kanya kanina. Halos maiyak na kaya ako sa harap niya nun! "Sorry uhm, hindi na Shaheen. Mas gusto ko rito sa couch eh." Pagrarason ko na lang. Pero ang totoo mas gusto ko sanang katabi siya. Hay! "Halika na nga!" At mabilis siyang nakalapit muli sa akin sabay hila sa kaliwang braso ko. Muntik ko tuloy mabitiwan 'yong unan at kumot pero nakaya naman ng kanang kamay ko. "Ano 'yon? Halikan na? Magpapahalik ka?" Biro ko sa kanya to lighten the mood. Ang awkward kasi na siya pa 'yong mismong nanghihila sa akin ngayon. "Kilabutan ka nga." Sagot niya. Natawa ako roon. Bigla naman siyang natigil sa paglalakad at tinignan ako. "What?" Nagtatakang tanong ko. "Don't laugh, please." "Ha? Bakit?" "Ang pangit sa tenga." Sagot niya at nagsimulang maglakad ulit. Kita niyo 'to! Akala ko okay na kami e! -_- Napahinto ulit siya at hinarap ako, "And btw, nag lotion ka ba kanina?" Tanong niya. "Oo, bakit?" "Yong mga balahibo mo kasi." At bumaba 'yong tingin niya sa braso ko. "Why?" Nagtatakang tanong ko. "Parang nanunusok, nakukuryente ako." Agad sumilay ang isang pilyang ngiti sa mga labi ko... "May sparks daw tayo." Sabi ko. Hindi makapaniwalang tinignan niya muna ako bago niya binitawan 'yong braso ko. "Are you gay?!" Ako naman itong hindi makapaniwalang tinignan siya sa tanong niyang 'yon. "Of course, not! FYI never akong nagkagusto sa kapwa ko babae 'no!" Mabilis kong sagot sa kanya. "Then stop teasing me dahil hindi nakakatuwa!" "Nasabi mo na rin ba 'yan sa mga babae mong admirers na parating nagpapapansin sa'yo?" Hindi ko naiwasang itanong. "H-hindi." Uneasy niya namang sagot. "Then tell me. Bakit pagdating sa akin ay hindi nakakatuwa?" Hindi siya agad nakaimik... "Shaheen?" "Basta!" Tanging sagot niya at hindi na ako hinintay na sumunod pa sa kanya. Kung mambitin naman -_- Pagpasok ko sa loob ay nahunihan kong tumunog 'yong phone ko sa may study table. Inilagay ko na muna sa dulo ng kama ang unan at kumot saka ko kinuha't tinignan ang phone ko. From: Tootsie Omg bessy! Binigay namin ni Mars ung number mo kay Ali kanina! Uwaaahhh anong pumasok sa mga kokote nila't binigay nila sa crush ko ang phone number ko?! To: Tootsie Bakit? From: Tootsie Hinihingi nya eh! Gosh bessy haba ng hair mo! Mag assume ka na dali! To: Tootsie Mag assume ng ano? From: Tootsie Na crush ka na rin ng crush mo! Syet magkaka-boyfriend ka na ulit! To: Tootsie HA-HA yan. Pagkatapos na ng graduation. From: Tootsie Sa March pa un e! 3 months pa bago ang graduation bessy. Paghihintayin mo ng matagal si Papa Ali nun? To: Tootsie Depends! Haha tulog na tayo. Saka na lovelife ba. Nyt bestie. From: Tootsie Ge bessy. Nyt, tulog well! Dream of Papa Ali XD Natatawa at napapailing na ibinalik ko na lang ulit ang phone ko sa study table. Hay, si Tootsie talaga -_- "Uso pa pala textmate sa oras na 'to?" Kunot noong napatingin ako kay Shaheen na ngayo'y malalalim na ang mga matang nakatitig sa akin. "Bakit? Anong problema mo?" Inis na tanong ko sa kanya. Lahat na lang ba kasi ng gagawin ko ay mamasamain niya? Grabe na siya ha. "Matutulog na po kasi ako tapos tunog nang tunog 'yang phone mo. Matuto kang mag silent!" Masungit na sagot niya at nagtalukbong na ng kumot pagkatapos. Suko na ako -_- Hindi talaga kami pwedeng maging magkaibigan ng isang 'to. Nagpakawala na lang ako ng isang malalim na hininga bago ko tinungo ang switch ng ilaw para patayin 'yon. Pakapa-kapa kong pinuntahan ang pwesto ko sa kama at saka nahiga. Nagtanggal ako ng eyeglasses at inilagay 'yon sa bedside table. Saka ko ipinikit ang mga mata ko para matulog. -- Kalahating oras na ata ang lumipas at gising na gising pa rin ako. Ano ba naman 'to?! Bakit hindi ako makatulog?! "Shaheen?" Mahinang tawag ko sa katabi ko. Hindi siya sumagot. Hay, malamang tulog na -_- "Shaheen, huy." Pagbabakasali ko ulit. Nang hindi ulit siya sumagot ay naglikot na ako sa kama. Hindi talaga ako makatulog! "Shaheen, shaheen, sha--" "Ano?!" "Syet!" Gulat kong sambit at napahawak sa dibdib. Naman, nagulat ako dun ha! "Akala ko tulog ka na?" "Paano ako makakatulog kung ang ingay-ingay mo?!" "Eh kung tulog ka na talaga hindi mo naman ako maririnig e." "Malikot ka." "Sorry. Hindi ako makatulog." Pinalambing kong sagot sa kanya. Sana talaga epektib. Gusto ko pa ng kausap e, sana hindi na muna ulit siya matulog. "Doon ka sa couch, baka hiyang ka dun." Pagtataboy niya sa akin instead. Hay, ang harsh niya talaga sa akin -_- "Shaheen, may naisip pala akong itanong sa'yo." Hindi ko pagpansin sa pagtataboy niya. "Bukas mo na itanong. Gusto ko ng matulog." "Nasaktan ka ba?" Pambabalewala ko sa pagsusungit niya. 3 minutes wala pa ring sagot. Tinulugan na niya ako :( "Shaheen nasaktan ka ba?" Mahina kong tanong na lang sa hangin dahil alam ko namang wala talagang pag-asa na patulan niya ang pangungulit ko sa kanya ngayon. "Saan?" Sagot ng hangin. Buti pa ang hangin sumasagot. "Did it hurt when you fell out of heaven?" Diretso kong tanong. Hindi na muling nakasagot ang hangin. "Shaheen," Tawag ko ulit dito. "What?!" Galit na 'yong hangin. "Would you grab my arm so I can tell my bestfriends that I've been touched by an angel?" Aww. Bakit ba ang ingay ko ngayon? -_- "Shaheen, alam mo ba?" "Ano?" Oh wow, biglang nawala 'yong galit sa tono ng boses niya. Is it still the air I'm talking to or si Shaheen na talaga ang nakakausap ko? Bahala na. Dahan-dahan na rin naman akong dinadalaw ng antok kaya okay lang ngumawa nang ngumawa. "For a moment I thought I had died and gone to heaven. But you see, I am still very much alive, and then I realize that heaven has been brought to me." Tahimik ulit... "Ang corny-corny ko na, f**k!" Sabay sampal sa noo ko. "Buti alam mo." Mahinang sagot naman ng hangin. Hay -_- "Shaheen last na talaga." "Ano?" "Ba't ba ang ganda-ganda mo?" "Hindi ko alam. Insecure ka?" "Hindi. Maganda rin naman ako." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Hindi na siya sumagot kaya ngumalngal na lang ulit ako. "Shaheen, close kayo ni Ali 'di ba?" "Yeah, why?" "Wala lang. May girlfriend na ba siya?" "Ewan, malay ko. Bakit?" "Wala lang." Tipid kong sagot. "Crush mo siya?" "Ha? Hindi 'no!" Bestfriends ko lang pwedeng makaalam na crush ko si Ali. Magkamatayan na! "Ang defensive mo. Matulog ka na nga. Ang ingay mo." Saway niya. Balik na ulit siya sa pagiging masungit niya. Hay -_- "Pwedeng payakap?" Oh no, ba't 'yon lumabas sa bibig ko? "A-ano? No!" Tanggi niya ngunit huli na dahil nakalapit na rin ako sa kanya. Hindi ko siya nakikita dahil madilim na pero naramdaman ko pa rin 'yong mabilis na pagtalikod niya. "Lysanne, ano bang--" Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya mula rito sa likuran. Naamoy ko na naman 'yong pabango niya. Naalala ko 'yong damit niyang hindi ko na isinauli sa kanya kanina. Haha! Akin na talaga 'yon! "Ngayon lang naman e. Ga-graduate na tayo in 3 months, mamimiss kita lalo na 'yang pagsusungit mo. Hahanap-hanapin ko 'yan." Hindi siya umimik kaya nagpatuloy pa ako, "Sige na, kahit ngayon ko lang maramdaman na magkakampi naman tayo't 'di magkalaban. Kailangan nating ipanalo ang Science Quiz sa susunod na araw, 'di ba? Let's be friends, kahit ngayon at bukas lang." "Friends don't hug each other this close." Halos pabulong niyang sagot pero malinaw na narinig ko parin. "Ako lang naman nakayakap sa'yo e. A friend can hug a friend like this." Siksik ko pa sa leeg niya. "Good night, Szalli." Mahinang sambit ko. For the first time ay hindi ako nakadama ng kahit anong awkwardness sa pagitan namin. Dahil dun ay unti-unti na rin akong dinalaw ng antok. "Night, Corrales." Narinig kong mahinang sagot niya. Naramdaman ko pa 'yong pagpatong niya ng kamay niya sa kamay kong nakapalibot sa baywang niya bago ako tuluyang napapikit. My heart then skips a beat or two.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD