"Lys...anne."
Nagising ako sa mahinang pagtawag sa akin ni Shaheen. Gising na siguro siya.
"Please wake up. We have to get up now. Magsi-six fifteen na." Narinig ko pang sabi niya. Pero 'di ko siya pinansin at nanatiling kunwaring tulog pa.
Kung parati lang akong magigising na kayakap siya, malamang sa malamang maganda talaga ang umaga ^_^
"Lysanne." Sinisimulan niya ng tanggalin ang kamay kong nakayakap sa kanya. Gusto ko sanang higpitan pa para hindi niya matanggal kaso baka masabihan na naman niya akong manyak. Hindi ko pa naman alam ang takbo ng mood ng isang 'to kapag bagong gising.
Naramdaman ko na lang ang dahan-dahang paglayo niya ng katawan niya sa akin. Nagtulog-tulugan parin ako. Hihintayin ko na lang na bumangon na siya tsaka ko imumulat ang mga mata ko.
Pero halos dalawang minuto na ata akong naghihintay, hindi pa rin siya nababangon.
Bakit kaya? Kanina pa naman siya nagyayayang bumangon. Hmmm... hindi kaya?
Mabilis akong nagmulat at agad na hinanap ang mga mata niya. Hindi ko napigilang mapangiti nang mahanap ko 'yong mga mata niya...
Sa akin. Matamang nakatingin. Glued specifically on my lips, dahan-dahan paitaas sa ilong ko... patungo sa mga mata ko. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang gising narin ako.
"s**t!" Mura niya kasabay ng pagkahulog niya sa kama.
Bigla tuloy akong napabangon para tignan kung ayos lang ang lagay niya.
"Shaheen!" Tinulungan ko siyang makatayo. "Ayos ka lang?"
"Y-yeah. Nagulat lang ako sa'yo." Hindi makatinging sagot niya sa akin.
Napigil ko na lang bigla ang hininga ko nang hawiin niya 'yong nakaharang niyang buhok sa mukha at dalhin 'yon sa likod ng tenga niya. Tumambad sa paningin ko ang mapula-pulang mukha ng isang dyosa.
"Sorry kung nagulat kita. Pero sigurado ka? Ayos ka lang talaga? Walang masakit sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko.
May kataasan kaya ang kama! Baka napano siya.
"Oo nga po." Sagot niyang nakangiti pero nakataas naman 'yong isang kilay.
Napako ako sa kinatatayuan ko't nanatiling 'di makapaniwalang nakatingin lang sa kanya. Lalo na dun sa mga nakangiti paring mga labi niya.
Dahil for the first time in forever, sa halos apat na taon naming magkaklase, ay ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang ganyan sa akin!
"Lysanne? O-okay ka lang?" Napapakunot-noo'ng tanong niya sabay hawak sa magkabila kong pisngi.
Omaygas na talaga 'to! Sobra naaa! Kanina lang nginitian niya ako tapos ngayon hinahawakan niya na ako! Sa magkabilang pisngi ko pa't ang lapit-lapit lang namin sa isa't isa ha! Uwaaahhh!!!
"Y-yeah." Lunok-laway kong sagot sa kanya. "Uhm and actually m-may napansin lang ako." Dugtong ko.
"Ano?"
Mas maganda ka pa sa umaga.
"W-wala, 'wag mo ng pansinin." Sagot ko instead.
Hay, natotorpe ako pre :(
"Okay." Nakangiting sagot niya.
Sinundan ko lang siya ng tingin habang inaayos niya na 'yong kama.
"Shaheen? May gusto sana akong itanong." Pagtawag kong pansin.
"What is it?" At nakangiting humarap ulit siya sa akin.
Ugh, stop with that smile! Mas lalo kang gumaganda eh -_-
"Uhm, bakit parang ang bait mo sa akin ngayon?" Hindi ko naiwasang itanong dahil gusto kong sigaraduhin kung talagang gising na ba ako or nananaginip pa rin.
Nagkibit balikat lang siya. "This is how I treat my friends, Lysanne."
So she's really nice and kind pagdating sa iba. Tapos sa akin? Ang harsh niya :( Swerte naman pala ng mga kaibigan niya.
"Ah ganun ba? So pagbibigyan mo na ako dun sa request ko kagabi na maging magkaibigan naman tayo kahit ngayon lang?"
"Yep." Matamis ang mga ngiting sagot niya.
"Tapos bukas, pagkatapos ng contest ay susungitan mo na ako ulit?"
"Yep." Matamis ang mga ngiting sagot ulit niya.
Hay! Akala ko pa naman walang hangganan na 'to. Pero yeah, mas maganda na nga sigurong sungitan niya na lang ulit ako para mawala na 'yang mga ngiti niyang 'yan.
...baka maging rason pa 'yon ng pagkahulog ko.
Fudge, kilabutan ka Lysanne! Babae rin 'yan! Mukhang mas straight pa sa'yo, jusko! Sasaktan mo lang ang sarili mo!
"May problema ba?" Naitanong niya. Marahil napansin niyang nakikipagsagutan ako sa sarili ko.
"Uhm, wala lang 'to." Pilit ang mga ngiting sagot ko.
Kung bakit ba kasi nakakaramdam ako ng ganito e! Baka hindi lang ako sanay na ganyan siya kaya nakakapanibago. Tama! Baka hindi lang ako sanay.
"Okay. Mauna na akong maligo?"
"S-sige. Medyo tinatamad din pa akong kumilos." Pagrarason ko.
Ngiti lang ang naging sagot niya sa akin. Matapos niyang kumuha ng tuwalya, shampoo, conditioner, toothbrush at toothpaste sa bag niya ay lumabas na rin agad siya.
Nasapo ko na lang ang noo ko. Ano bang nangyayari sa akin? -_-
Hay, imbes na malulong sa malalim na pag-iisip ay minabuti ko na lang na maghanda narin ng gagamitin sa banyo. Dito na lang ako magtatanggal ng damit para pagkatapos kong maligo ay sa banyo na lang ako magbibihis. Bale pagkatapos kong matapisan ang hubad kong katawan ay kinuha ko na 'yong pagbibihisan ko at saka naupo sa kama.
Limang minuto pa lang atang naliligo si Shaheen.
Pumikit na muna ako dahil inaantok ulit ako. Ilang mga minuto pa, kasabay ng pagbubukas ko ng mga mata ko ang pagpasok ni Shaheen sa kwarto.
Holy mother of cow! Wow.
Mas hot pa ata 'tong moment na'to kesa dun sa moment na aksidenteng nakita ko siyang naka bra at nakapanty lang!
Ngayon kasi... nakatapis lang talaga siya! Correction: Ang ikli ng towel niya!
Wow to that slender long legs, luscious thighs, and a body-to-die for!
I felt a slight tap on my forehead. "Saan ka nakatingin?" Nakangiting tanong niya.
"Ha? Sa legs mo." Mabilis kong sagot, s**t. "I mean no, sa towel mo." Bawi ko.
"What's with my towel?" Nakangiti niya na namang tanong. 'Yong ngiti niya ngayon ay parang may halong kapilyahan na parang wala naman. Ewan ko lang, nakakalito siya -_-
"Ha? Eh wala, saan mo ba 'yan nabili?" Nice, very good answer Lysanne! *Sarcasm*
"Seryoso?" Nakataas pang kilay na tanong niya.
Napipilitang ngumiti na lang ako sabay tayo, "My turn." Paalam ko sa kanya at mabilis na lumabas ng kwarto. Pumasok agad ako sa banyo saka nag exhale nang malalim.
Argh!!! Nakakainis talaga! She's making it more confusing! Uwaaahhh! Hindi ko pa naman hinangad na mapabilang sa mga babae niyang admirers. Huhu
*Exhale ulit* Sige lang, bukas ay babalik na ulit kami sa dati. Mawawala rin 'tong pagkalito ko. Mawawala rin 'to. Wew!
--
Pagkatapos kong maligo, magbihis, at magtoothbrush sa loob ng banyo ay dumiretso na rin ako agad pabalik ng kwarto.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na agad si Shaheen, prenteng nakaupo sa itaas ng kama at naglalagay ng lotion sa legs nito. She's all dressed. Pink sando shirt on top na binagayan niya ng maikling black shorts. 'Yong kulay brown niyang buhok ay medyo tuyo na't halatang hindi niya pa nasusuklay. Gayunpaman, ang sexy niya parin tignan. Hay!
How to be you, Shaheen Szalli? Pakitaan mo naman ako ng pangit sa'yo maliban sa ugali mo nang madisappoint ako't malabo ng mahulog pa sa'yo.
Ngumiti siya nang mapansin niya ang pagpasok ko. Ngumiti lang din ako.
"Tapos ka na pala. Tara na raw sa kusina, niyayaya na tayo ni Ma'am na sumabay sa kanilang mag-umagahan." Sabi niya.
Habang sinusuklay niya 'yong buhok niya ay inayos ko naman sa dulong kahoy ng kama ang basa kong tuwalya, katabi nung tuwalya rin ni Shaheen.
"Hindi niya raw talaga tayo pag-aaralin ngayon?" Tanong ko.
"Hindi nga yata, 'yon ang alam ko. Pero tanungin na lang din natin siya later to confirm. Tara na?" Yaya niya ng lumabas.
"Yeah, tara." Nakangiti ko namang sagot sa kanya.
Sabay na rin naming tinungo ang pinto at muntikan pa kaming magkabangga palabas. Yep, thanks to this narrow space! *Sarcasm ulit*
Umatras ako nang kaunti para paunahin siyang lumabas pero umatras din siya kasabay ko. Nagkatinginan kami.
"You go on first." Sabay din naming sabi. Nagkatitigan pa kami sandali at sabay na ring natawa sa mga itsura namin.
Ano ba naman kami -_- Pati paglabas lang ng pinto nagiging issue na. Mabuti pa 'yong nagkakasagutan kami, away lang ang concern namin. Tss!
"Seryoso, Lysanne. Mauna ka na. You're always first naman e." Nakangiti niyang paraya. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti narin kasi ito ata 'yong unang pagkakataong natutunugan kong parang tanggap niya na ang pagiging uno ko.
"Well it's your turn to go first now." Matamis ang mga ngiting sagot ko naman sa kanya. I even bowed my head with a hand on my belly and the other hand leading her out of the door.
Mauna ka na, mahal na prinsesa. Kung pwede ko lang sana sabihin sa kanya.
"S-seryoso ka?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumuwid na ako ng tayo para muling harapin siya. "Yes. Sa halos apat na taon ng pagpapaligsahan natin, ako 'yong parating nananalo hindi ba? Ngayon ikaw naman. Alam ko kung gaano mo kagusto ang lamangan ako kahit isang beses lang. Though you never saw it, Shaheen. Matagal ka ng mas lamang sa akin." Sa itsura pa lang. I cry T_T
"I know, Lysanne. Mas lamang ako sa ganda, hindi ba? Haha."
"Yeah, how can you be so clever?" Pagsakay ko sa tanong niya.
"Says the clever- err one." Natatawang sagot niya sabay lapit sa akin. 'Yong talagang malapit, as in malapit!
"Uhm, what are you doing?" Kinakabahang tanong ko nang huminto siya sa paglapit ilang inches lamang sa mukha ko. Seryosong nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko.
"I see." Tumaas 'yong kilay niya, "You have the most beautiful pair of chocolate eyes I've ever seen, Lysanne. How dare you hide them with those nerdy classy glasses?"
"I-- uhm, h-hindi naman usually. Ano, uhm nahihilo lang talaga ako minsan kapag nagbabasa ako sa black board at sa libro nang hindi nakasuot ng glasses, a-at minsan kapag naglalakad ako." Napalunok ako, "Speaking of! Nasaan na ba 'yon?" Sabay iwas ko sa kanya. Pumunta akong bedside table para kunin ang salamin ko roon at saka isinuot sa aking mga mata.
Ayan, mas klaro na.
Mas klaro na ngang nahuhulog na ako sa kanya :(
Hindi ko na ililihim pa, sobrang lakas talaga ng t***k ng puso ko kaninang sobrang lapit niya.
Uwaaahhh babae rin siya, Lysanne! Nahihibang ka na, baka confused ka lang kasi nga hindi ka lang nasanay na ganito ang trato niya sa'yo. Bukas masungit na ulit 'yan! Balik ulit kayo sa walang-pakialamanan!
Hay :(