“NAGUGUTOM ako.” Biglang bulalas ni Amber ng nasa daan na silang dalawa ni Archer patungo sa bahay nila. Nagtagumpay si Amber sa kanyang plano na kunin ang atensiyon ng binata at maihatid siya nito sa kanila ng butasin niya ang dalawang gulong ng kotse niya. Well, wala naman siyang ginusto na hindi niya nakukuha at lahat ng naiisip niyang plano ay nagtatagumpay niya.
Well, she’s not Amber Borromeo for nothing, lihim na lang na napangisi si Amber.
Sinulyapan niya ang binata na seryoso sa pagmamaneho nito. “Ikaw hindi ka ba nagugutom?” Tanong niya rito.
“I’m full.” Maikling tugon nito habang ang tingin ay nanatili sa harapan nito.
“Pero naguguton na ako. Daan mo na tayo sa fastfood chain para kumain.” Sabi niya kay Archer.
“Akala ko ba gusto mo ng umuwi?” si Archer.
“Oo gusto ko ng umuwi, pero nagugutom na talaga ako eh. Hindi ako nakapag-lunch kaninang tanghali, hindi din ako nakapag-meryenda dahil masyado akong busy. Kaya ngayon nararamdaman ko na ang gutom.” Sabi niya sabay haplos sa flat na tiyan. Ang totoo ay hindi pa talaga gutom si Amber. Alibi lang niya iyon para pumayag ang binata na pakainin siya. And top of all, ang dahilan kung bakit sinabi niyang nagugutom siya ay para makasama pa ng matagal ang binata. Kasi sa tingin niya ay diretso na si Archer sa bahay nila para ihatid siya tulad ng pakiusap niya rito. “Naalala ko masama pala nalilipasan ng gutom. Baka mamaya magka-ulcer o magkasakit ako dahil walang laman ang tiyan ko.” Pango-ngosensiya ni Amber. “Paano na la—Oh, s**t!” Napatili siya ng muntik na siyang mapasubsob sa dashboard ng kotse ni Archer ng biglang itong nagpreno.
“s**t!” Narinig ni Amber na mahinang mura ni Archer. Iginilid ng binata ang kotse nito. “Hey, are you okay?” Tanong ni Archer. Mababakas sa boses nito ang pag-alala.
Umayos ng upo si Amber. Inalis din niya ang ilang hiblang tumabing sa kanyang mukha saka niya binalingan si Archer. “Kung magpre-preno ka naman sabihin mo sa’kin para makapaghanda ak—
Napakurap-kurap si Amber nang makita ang pag-alala sa mga mata ni Archer. Pareho sa pag-alalang nakita niya noon ng iligtas siya nito ng muntik na siyang malunod.
Iwinagayway ni Archer kamay sa harap ng mukha niya dahilan para mapakurap muli siya. “Okay ka lang ba?”
“Okay na muntikan ng hindi kung tuluyan akong napasubsob sa dashboard ng kotse mo.” Sabi niya sa binata. Inipit niya ang buhok sa likod ng tainga. “Paano kung napasubsob ako? Paano kung tumama iyong mukha ko sa dashboard? Eh, `di napingasan iyong kagandahan ko?” Sabi niya kay Archer. “Paano kung dahil do’n ay hindi ako makapag-asawa? Handa ka bang pakasalan ako? Handa ka ba—
Hindi na ituloy ni Amber ang iba pa niyang sasabihin ng biglang humagalpak ng tawa si Archer. Napuno ng tawa ng binata ang loob ng kotse nito. Napamaang naman si Amber habang nakatitig siya sa mukha nito. His laughter sounds music to her ears. At proud na proud si Amber sa sarili dahil napatawa niya si Archer. Achievement na iyon para sa kanya.
“You really amazed me, Lady.” Komento ni Archer sa pagitan ng pagtawa.
Lumawak naman ang pagkakangiti ni Amber. Tumaas din bahagya ang kanyang kilay. “I amazed you? And then what next? You’re going to like me na? Or your going to fall in love with me na?” Habang sinasabi niya iyon ay hindi niya napigilan ang sarli na mapangisi.
Huminto si Archer sa pagtawa at iiling. “Mukhang gutom ka na nga.” Pag-iiba nito sa usapan. “Kung ano-ano na ang iniisip mo.”
Hindi naman napigilan ni Amber ang mapasimangot ng hindi pansinin ni Archer ang sinabi niya. Lalo na noong paandarin na nitong muli ang kotse nito. Humalukipkip siya at umayos ng upo. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa katabi na ngayon ay nakatutok na ang atensiyon sa minamaneho.
“Uhm, Drive thru na lang tayo.” Mayamaya ay wika ni Archer. Nang may madaanan sila na isang fast food chain ay niliko nito ang minamaneho nitong kotse patungo roon.
Inihinto ng binata ang kotse ng nasa tapat na sila ng counter ng Drive thru. Pagkatapos niyon ay ibinaba nito ang bintana sa gawi nito.
“Ano ang gusto mong kainin?” Tanong nito ng hindi tumitingin sa kanya.
Amber snorted. Pangit ba siya? At bakit parang ayaw siya nitong tingnan? Pasimple niyang tiningnan ang sariling repleksiyon sa rearview mirror ng kotse ng binata.
Maganda pa rin naman siya, ah...
“Hey, I’m asking you.” Sa pagkakataong iyon ay do’n lang tumingin sa kanyang gawi si Archer. Inalis niya ang tingin sa rearview mirror at inilipat niya iyon sa binata. “Anong gusto mong kainin?” Kunot ang noo na tanong ni Archer.
Saglit niyang tinitigan si Archer. “I want chicken burger and large fries and then pineapple juice.”
Nang makuha ni Archer ang o-orderin niya ay tumingin ito sa labas ng bintana upang sabihin sa babaeng cashier ang order niya. Binuksan naman niya ang bag para kumuha ng pera ipambabayad niya. Pagkatapos niyon ay nag-angat siya ng tingin patungo sa binata. At naningkit ang mga mata niya nang makita ang babaeng cashier na todo ngiti habang nakatingin kay Archer. Biglang kumulo ang dugo niya sa babae.
“Miss pwede bang ibigay mo na lang sa`min ang in-order namin para makaalis na kami?” Mataray na wika ni Amber sa babae. Nang tumingin ito sa kanya ay sinamaan niya ito ng tingin.
“S-sorry po.” Hingi ng paunmanhin ng babaeng cashier. Mabilis nitong kinuha ang mga in-order nila.
She mentally rolled her eyes. “Next time, sa trabaho mo ituon ang atensiyon mo, hindi kung kani-kanino.” Masungit na wika niya ng ibinigay na nito ang order nila. “Baka sa kakatuon mo ng atensiyon sa iba hindi mo namalayan na wala ka na palang trabaho.”
Titigan mo pa si Archer, tutusukin ko iyang mata mo.
“What?” Masungit din na wika niya kay Archer ng lingunin siya nito. At base sa tingin nito ay parang hindi nito nagustuhan ang inasal niya.
“Say sorry to her.” Si Archer.
She crossed her arm. “Wala sa bokabolaryo ko ang humingi ng sorry.” Sabi niya. “I’m not going to say sorry to her.” Dagdag na wika niya bago kinuha ang paper bag na hawak nito na naglalaman ng inorder nila. “Ano siya sinu-swerte?” aniya sabay paikot pa ng mata.
“You know bullying is a crime.” Ani Archer.
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “And so?”
“Your really one of the mean girl.” Archer murmured. Pinaandar na nito muli ang kotse nito. Siya naman ay inumpisahang lantakan ang fries.
“So, Archer, tell me something about yourself?” mayamaya ay tanong niya habang nasa biyahe na muli sila.
Matagal bago ito nagsalita. “Why sudden interested?”
Sumubo muna siya ng fries bago niya sinagot ang tanong nito. “Because I’m interested with you.” She said directly.
“What?”
Tumaas bahagya ang isang kilay niya. “Alam mong narinig mo ang sinabi ko. Pero sige, para sa’yo ay uulitin ko.” Sabi niya.
“I’m interested with you, Archer. I like you.” Dinahan-dahan niya ang pagkakasabi niya sa salitang iyon para intense pakinggan. “And you’ll going to like me too.” She said confidently.