Chapter 9

1330 Words
KUNOT na kunot ang noo ni Amber habang hinihintay niyang sagutin ni Archer ang tawag niya. Kanina pa niya ito sinusubukang tawagan pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. At nagsisimula na siyang mainis rito. Kanina, nagpunta si Amber sa classroom ng binata pero hindi niya ito naabutan roon. Ang sabi ng napagtanungan niyang kaklase ng binata ay may pinuntahan daw ito at kasama nito ang matalik nitong kaibigan na si Theo. Kilala ni Amber ang kaibigan na iyon ni Archer. Ito iyong madalas niyanang makita na kasa-kasama ni Archer at ang lalaking tinarayan niya noon ng bigla-bigla na lang sumusulpot sa pag-uusap nila ni Archer. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Amber ng biglang nag-number busy ang cellphone number ni Archer. Mukhang ni-reject nito ang tawag niya. Hindi pa rin nagbabago ang ekpresiyon ng mukha niya ng tumipa siya ng mensahe para rito. Answer my call. Dammit! Agad na ipinadala ni Amber ang mensahe na iyon kay Archer. At makalipas ng ilang segundo ay muli niyang sinubukang tawagan si Archer. Pero this time, ay operator na ang tanging naririnig niya. Halatang in-off ng binata ang cellphone nito para hindi niya matawagan ito. “Argg!” Nangigigil na wika niya sabay bato sa cellphone niya sa pader. Hindi niya alintana kung magkano ang perang pinagbili niya do’n. Hindi importante ang pera kay Amber. Marami siya no’n. “What are you looking at?” Asik na wika niya sa isang babaeng estudyanteng tumingin sa kanya pagkatapos niyang ibato ang cellphone niya. “Gusto mo ikaw din ang ibato ko?” Nanlalaki ang mga matang sabi niya rito. Mukhang natakot ito sa kanya dahil agad itong kumaripas palayo. Nagsimula na rin si Amber na maglakad. Hindi na maipinta ang mukha sa nararamdamang inis. Dalawang araw na ang lumipas simula no’ng gumawa siya ng paraan para maihatid siya ni Archer sa kanila. Dalawang araw na ang lumipas simula no’ng aminin niya rito na gusto niya ito. At hindi malilimutan ni Amber iyong naging reaksiyon ng binata ng sabihin niya iyon rito. Nang sabihin kasi niya rito na gusto niya ito ay pinagtawanan lang siya ng binata na para bang nakarinig ito ng isang biro. At kung no’ng unang napatawa niya ito ay proud na proud siya sa sarili ay kabaliktaran naman ang naramdaman niya ng tumawa na naman ito sa pangalawang pagkakataon. She felt being insulted. Na-insulto at nainis siya sa pagtawa nito sa kanya ng araw na iyon. Kasi sa tawa nito pakiramdam niya ay wala siyang karapatan na magka-gusto sa isang tao. Por que ba nambubully siya? Maldita at isa sa Mean Girls ng Unibersidad nila ay wala na siyang karapatang magka-gusto sa isang lalaki? At nitong dalawang araw na lumipas ay pakiramdam ni Amber na iniiwasan siya ng binata. Sa tuwing nagpupunta siya sa mga lugar na madalas na puntahan nito ay palaging wala ito roon. Kapag tinatawagan niya ito o hindi kaya ay tinitext ay hindi nito sinagot at nire-replyan ang text niya tulad na lang nangyari ngayon. Mayamaya ay napahinto si Amber sa paglalakad nang makita niya ang sinasabi na kasama ni Archer—si Theo na mag-isang kumakain sa Cafeteria ng Unibersidad.  Luminga-linga si Amber sa paligid ng cafeteria upang hanapin ang pigura ni Archer pero wala siyanang makita kahit anino nito. Akala ba niya magkasama ang mga ito. Nasaan ai Archer? Nilapitan na lang ni Amber ang mesang kinaroroonan ni Theo. “Hey.” Tawag niya sa atensiyon ng lalaki ng makalapit siya sa kinaroonan nito. Nag-angat ito ng tingin at nang makita siya nito ay nanlaki ang mga mata nito. Tinaasan lang naman niya ito ng isang kilay. “Where’s Archer?” Bago nito sinagot ang tanong niya ay uminimon pa ito ng tubig. “He’s on date.” Sagot ng lalaki. Nagsalubong ang mga kilay niya. “What?”  ”Dinate niya iyong babaeng nililigawan niya.” Nanlaki ang mata ni Amber. “What?!”   “SO, ANY update, Adam?” Tanong ni Amber kay Adam ng minsang tawagan niya ito. “Give me one week. And then, mission accomplished na.” “One week?” hindi niya napigilang ibulalas rito. “Parang ang tagal naman yata ng isang linggo, Adam. Hindi mo ba kaya ng isang araw ang pinapagawa ko sa’yo?” “Patience is virtue, my dear cousin.” Sabi ni Adam. She mentally rolled her eyes. “You know that, I don’t have patience, my dear beloved cousin.” Sarkastikong wika niya. Adam chuckled over the phone. “Oh, I almost forgot.” “Tsk.” Tanging nasabi niya. “But seriously, Adam. I’m getting impatient na. One week is too long.” “Hindi madali ang pinapagawa mo, Amber. Lalong-lalo na kung isang Nikki ang papaibigin mo. Hindi siya basta-basta nagtitiwala sa isang lalaki. I think she has trust issue.” “Eh, `di gawan mo ng paraan para pagtiwalaan ka ng nerd na babaeng iyon. Basta gawin mo ang lahat mapaibig mo lang si Nikki.” Inutusan kasi ni Amber si Adam na paibigin si Nikki—ang babaeng nililigawan ni Archer. Nang malaman ni Amber na may nililigawan si Archer mula sa kaibigan nito na si Theo ay hindi niya maipaliwanag sa sarili iyong naramdaman niya. Pero iisang bagay lang ang nasisiguro niya. Parang may munting kirot siyang naramdaman. And it was foreign feeling to her. Ngayon lang kasi naramdaman ni Amber ang ganoong bagay. Ngayon lang niya naramdaman ang ganoong kirot sa puso niya. Kinabukasan din na iyon ay agad niyang pinahanap kung sino ang babaeng iyon. At hindi lang iyon, pina-background check din niya ang babae. Nalaman niya na Nikki ang pangalan ng babae. Fourth Year College at kumukuha ng Hotel and Restaurant Management. And she’s running for Suma c*m luade at her course.  At hindi makapaniwala si Amber na sa isang nerd nagka-gusto si Archer. Hindi nga umabot sa kalingkingan ang kagandahan niya rito. Kahit nga maligo ito ng makailang ulit ay hindi pa rin nito mapapantayan ang ganda niya. Okay siya na ang gandang-ganda sa sarili... At nalaman din ni Amber na balak ng Nerd na iyon na sagutin si Archer. Makakapayag ba si Amber roon? Siyempre hindi! No freaking way! As in never! Hindi siya papayag na mangyari iyon.  Kaya nag-isip siya ng paraan para hindi matuloy ang pagsagot ni Nikki kay Archer. At sa pag-iisip ni Amber ay aksidente niyang nakaringgan ang pag-uusap ng tatlong babae. Pamilyar sa kanya ang mukha ng tatlo. Pero iisa lang ang kilalang-kilala ni Amber sa mga ito. Paanong hindi makikilala ni Amber ang babae? Kilala niya ito dahil isa din ito sa binansagan na Girls Meanistry sa Unibersidad nila. Ito ay si Georgina Montez. Nakaringgan kasi ni Amber ang pag-uusap ng tatlo tungkol sa balak ni Georgina sa paghiwalayin ang lalaking gusto nito at sa babaeng girlfriend ng lalaking gusto ni Georgina. Alam ni Amber ang kasabihan na...evesdropper do not her good to themselves. Pero sa sandaling iyon habang nakikinig siya sa usapan ng tatlo ay may ideya na pumasok sa isip niya. Mukhang may patutunguhan ang pakikinig niya sa usapan ng may usapan. Mag-uutos din siya ng lalaking maging karibal ni Archer sa panliligaw kay Nikki. Mag-uutos siya ng isang lalaking magpapaibig rito. At the perfect guy to do that is none other than—Adam. Ito lang kasi ang kilala niyang pwedeng makipagsabayan sa pagliligaw ni Archer. Alam kasi niyang magagawa ng pinsan ang ipag-uutos niya. Alam din niyang magagawa nito ang paibigin si Nikki sa maikling panahon lang. At kapag nagtagumpayan ni Adam na mapaibig si Nikki ay gagawin niya ang lahat makuha din niya ang atensiyon ni Archer.             By hook or by crook. At siyempre, hindi lang din dapat si Adam ang kumilos. Dapat pati si Amber ay gumawa din ng paraan para mapadali ang kanyang plano. Kaya kung minsan ay nilalapitan niya sa Nikki sa paborito nitong tambayan—ang library, hindi para komprontahin ito kung hindi para paringgan ito na nililigawan din siya ni Archer para masira ang huli sa babae. At kung minsan ay nagkukunwari siyang kausap si Archer sa cellphone at kinakausap niya ito in a sweet tone. “Huwag kang mag-alala, Amber. Hindi matatapos ang linggong ito na hindi umiibig sa`kin si Nikki.” Pangako sa kanya ni Adam. “I don’t need your promise, Adam. I just need your words.” Gusto-gusto na kasi ni Amber na mawala sa landas nila si Nikki. And Amber hated the most is to share. And what is mine is only mine. And Archer de Luna is…mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD