“NABASA mo na ba iyong bagong post sa De Bellarocan Files?”
Napatingin si Archer sa kanyang gilid ng marinig niya iyon. Nakita niya ang dalawang babae na nakaupo din sa benches na nagkalat sa kanilang Campus. Inalis na niya ang tingin sa mga ito at pinagmasdan na lang niya ang mga kapwa niya estudyante na naglalakad at tumatambay ro’n habang hinihintay niya si Theo.
“Hindi pa. Ano ba ang bagong post do’n?” Narinig ni Archer na wika ng kasama ng babae sa kanyang gilid. “Tungkol na naman ba ito sa mga sampung babae na binansagan na Girls Meanistry?”
Pagkabanggit sa salitang ‘Girls Meanistry’ ay muling napatingin si Archer sa dalawa. Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng may usapan. Pero sa sandaling iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili na hindi makinig. Nang marinig kasi niya ang salitang iyon ay biglang pumasok sa kanyang isipan ang imahe ni Amber. Isa din kasi ang dalaga sa binansagan na Girls Meanistry sa kanilang Unibersidad.
“Oo. At ang bagong confession ngayon ay tungkol kay Amber.”
“Talaga?”
Nang marinig niya ang pangalan ni Amber na binanggit ng dalawang babae ay agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa na suot niyang pantalon. In-open niya ang wifi para maka-connect siya sa internet. Nang maka-connect siya ay agad niyang ni-log in ang f*******: account niya. At agad niyang sinearch ang f*******: page ng De Bellarocan Files. Brinowse niya iyon hanggang sa mapatigil siya nang makita niya ang pangalan ni Amber.
Confessor: LoveLove
Course: Business Administration
Title: Amber the Bitch
Confession:
Super b***h talaga iyang si AMBER BORROMEO. Bagay na bagay talaga siya na mapabilang bilang isang Mean Girls sa De Bellaroca University. Akalain mo? Humingi na nga ng sorry iyong babaeng nadupilas at aksidenteng nabuhos iyong hawak niyang baso kay Amber ay sa halip na patawirn ni Amber ang babae, iyon sinungitan at tinarayan pa niya. Hindi lang iyon, ginantihan din ni Amber the b***h ang babae. Sinabuyan din niya ito ng tubig. Naku! Dapat sa babaeng ganyan ay bigyan ng disciplinary action! O mas maganda kung i-kick out na lang, para mabawasan naman ang masasama dito sa mundo—este mabawasan ang masasama sa De Bellarocan University.
Sa kabilang banda, marami ngang natutuwa no’ng natapunan ng tubig si Amber the b***h. Parang karma daw nito iyon dahil sa pagiging b***h nito. Sana nga isang drum na lang ng tubig ang nabuhos kay Amber the b***h.
Nang matapos basahin ni Archer ang Confession na iyon ni LoveLove ay binasa din niya ang mga comment sa post na iyon.
Judith: Buti nga sa kanya. Sana nga kumukulong tubig na lang ang nabuhos sa kanya.
Alma: What goes around comes around.
Cecelia: Karma is a b***h it is.
Puro negatibong komento ang nababasa ni Archer patungkol sa post na iyon, patungkol kay Amber. Hindi din niya maipaliwanag sa sarili kung bakit parang nasasaktan siya para kay Amber habang binabasa niya ang mga negatibong komento para rito.
Napagpasyahan na sana ni Archer na itigil ang pagbabasa ng matuon ang atensiyon niya sa mahabang komento ni Bridgette.
Bridgette: Huwag kayong judgemental guys. Alam naman natin lahat na may pagkamaldita si Amber. Pero alam niyo ba ang buong kwento sa nangyari sa school cafeteria? Alam niyo ba kung sino ang nauna?
Hindi sa kinakampihan ko si Amber, pero nasaksihan ko kasi iyong buong pangyayari. I was there that time and I saw everything. Nakita ko iyong sinasabi niyong babae na binully kuno ni Amber. Nakita ko at nasaksihan ng dalawang mata ko iyong pagbuhos ng babae sa hawak niyang baso sa nanahimik na si Amber. Narinig ko din na plano ng dalawa na buhusan si Amber ng tubig at magkunwari iyong babae na nadupilas lang siya. Pero ang totoo talaga ay sinadya iyon. Kaya hindi ko din masisisi si Amber kung gantihan man niya iyong babae.
PS: Kung siguro ako ang nasa kalagayan ni Amber, siguro ganoon din ang gagawin ko sa ginawa niya. Buhuhusan ko din ang babaeng iyon!
Nang matapos basahin ni Archer ang komento na iyon ni Bridgette ay pakiramdam niya ay naubos ang buong lakas niya. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya kahit na nakaupo at nagbabasa lang naman siya.
Mayamaya ay napapikit siya ng bumalik sa kanyang balintataw ang mga pinagsasabi niya sa dalaga tatlong araw na ang nakakaraan.
“You always says, you like me. Sa tingin mo sa ugali mo iyang magugustuhan kita?” Naalala ni Archer na wika niya kay Amber.
“Hindi ako magbabago para lang magustuhan ako ng ibang tao. If they dont want me? I don’t care. If they can’t accept me for who I am? It’s not my problem anymore. It’s their lost, not mine.”
Napamulat siya ng mga mata ng maalala niya iyong sakit na bumalatay sa mukha nito ng buhat sa mga salitang binitawan niya.
Alam ni Archer na nasaktan niya ang dalaga sa mga binitawan niyang salita rito. Mas pinaniwalaan kasi ni Archer ang isinumbong ng babae. At hindi agad siya nagdalawang isip na magdududa rito dahil nasaksihan niya ang pagbuhos ni Amber sa babae. Sakto kasing kakapasok niya sa Cafeteria nang makita niya ang ginawa ni Amber.
Masyado siyang naging padalos-dalos. At sa pagiging padalos-dalos niya ay nasaktan niya ito.
And right now, he was guilty. Tulad nga ng sinabi ni Bridgette na iyon tungkol sa komento nito sa confession ni LoveLove—naging judgemental siya. Nag-conclude agad siya ng hindi inaalam ang buong kwento.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Archer. Napagdesisyonan din niyang puntahan ang dalaga para makahingi siya ng patawad rito dahil sa mga salitang binitawan niya rito.
Saktong pagkatayo niya sa kinauupaan ay ang pagdating ni Theo. “Oh, dude. Alis na ba tayo?”
“Theo hindi mo na ako makakasama sa`yo. May importante lang akong aasikasuhin.” Sabi niya.
Nagkamot ng ulo si Theo “Ganoon ba?”
Tumango siya. “Sige, mauna na ako sa`yo, Pare.” Tinapik niya ito sa balikat tanda ng pamamaalam. Pagkatapos niyon ay magsimula siyang maglakad patungo sa building ng interior design. Habang naglalakad siya ay idinial niya ang numero ni Amber para tawagan. Nagri-ring lang iyon pero walang sumasagot. Hanggang sa tumigil iyon sa pagtunog. Sinubukan din niyang padalhan ito ng mensahe pero wala siyang nakuha na reply mula rito.
It felt like a de ja vou. Ang kaibahan lang ay siya ang nagte-text at tumatawag sa sandaling iyon. At si Amber naman ang hindi sumasagot.
Dalawang araw na simula no’ng nakapagbitiw si Archer ng masasakit na salita kay Amber. Iyon na rin ang huling pagkikita nilang dalawa ng dalaga. Nitong mga nakaraang araw ay palaging sumusulpot si Amber kung nasaan siya, pero nitong nakalipas na dalawang araw ay hindi pa ito nagpapakita sa kanya.
Mahirap man aminin pero may isang bahagi ng pagkatao niya ay hinahanap-hanap ang presensiya nito. Mukhang nasanay na siya sa kakakulit at kapapansin ng dalaga sa kanya.
Napabuntong-hininga na lang si Archer. Hindi naman nagtagal ay nakarating siya sa building ng interior design. Agad siyang nagtanong sa mga nadaanan niyang estudyante kung kilala ng mga ito si Amber at kung alam ng mga ito kung saan matatagpuan ang classroom nito. Luckily, ay kaklase ni Amber ang napagtanungan niya at sinabi niyang wala na daw ito sa classroom dahil kanina pa daw tapos ang klase ng mga ito. At nakita daw nito ang dalaga na nagtungo sa Fountain sa may DBU. Nagpasalamat si Archer sa napagtanungan at agad na nagtungo sa lugar kung nasaan si Amber. Malalaki ang mga hakbang ang ginawa niya makarating lang siya agad roon.
Ilang minuto din ang itinagal ni Archer hanggang sa makarating siya sa lugar. Agad niyang namataan ang isang babae mag-isang nakaupo sa bench habang abala ito sa hawak na sketchpad. Mukhang may iginuguhit ito ro’n dahil kitang-kita niya ang paggalaw ng lapis na hawak nito. Nagpakawala siya ng marahang buntong-hininga saka siya nagpatuloy sa paglalakad palapit rito. Umupo siya sa tabi nito. Sinulyapan niya ito pero abala pa rin ito sa ginagawa, mukhang engrossed ito sa ginagawa at wala itong pakialam sa nakapaligid rito. Lumipat naman ang tingin ni Archer sa hawak nitong sketchpad at gusto niyang mamangha nang makita niya ang ginuguhit nito ro’n. Pamilyar sa kanya ang iginuguhit ng dalaga at kaya pala pamilyar kay Archer iyon dahil ang iginuguhit ni Amber sa sandaling iyon ay ang nasa paligid nila. Kuhang-kuha ni Amber sa drawing nito ang buong paligid. May talent pala ang dalaga sa pagguhit. Well, she’s interior design afterall.
Huminga siya ng malalim. “Amber…” pagkuha niya ng atensiyon rito. Napansin naman niya ang pagtigil nito sa pagguhit pero nanatiling sa sketchpad nakatutok ang atensiyon nito. Napansin din niya ang paghigpit nito sa pagkakawak sa lapis na hawak nito.
“If you’re here to insult me, Archer. Please, spare me this time.” Anang dalaga. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit nakaramdan siya ng bahagyang kirot ang puso niya sa sinabi ni Amber.
“I’m not here to insult you, Amber. I’m here to say sorry to you.” Sensirong wika niya. “Sorry dahil hinusgahan kita noong araw na iyon. Sorry sa mga masasakit na salitang binitawan ko. Alam kung hindi ko na mababawi iyong mga salitang binitawan ko sa`yo noon, kaya nandito ako sa harap mo—uhm, sa tabi mo pala para humingi ng patawad. I’m sorry, I really am.” Hingi niya ng patawad. Wala namang nakuhang sagot si Archer mula rito. Nanatili itong tahimik sa kanyang tabi at ipinagpatuloy na rin nito ang ginagawa. “Please forgive me, Amber. Gagawin ko ang lahat tanggapin mo lang ang sorry ko.” dagdag pa niya. Sa sandaling iyon ay gusto niyang tanggapin ni Amber ang paghingi niya ng sorry para maalis na iyong nararamdaman niyang pagka-guilty. At para maalis na rin iyong kakaibang nararamdaman ng puso niya sa kaalamang galit sa kanya ang dalaga dahil sa masasakit na salitang binitawan niya.
Sa pagkakataong iyon ay do’n lang nag-angat ng tingin si Amber patungo sa kanya. “As in lahat?”
“Yes.” Mabilis pa sa alas kwatrong sagot niya. Matagal bago sumagot ang dalaga. Tinitigan nito ang mukha niya na tila ba nag-iisip kung ano ang ipapagawa nito sa kanya.
“I want you to date me.” She said seriously.