PAGKATAPOS ng huling subject ni Amber sa umagang iyon ay napagpasyahan niyang magtungo sa kanilang School Cafeteria. Hindi kasi siya nakapag-almusal kaninang umaga kaya nakaramdam siya ng gutom ngayon. Para ding naubos ang lahat ng lakas niya dahil sa sunod-sunod na quiz nila.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin si Amber sa School Cafeteria, dahil lunch break sa oras na iyon ay maraming estudyanteng naroon sa nasabing lugar. Ipinagpatuloy na lang niya ang paglalakad patungo sa gawi ng counter. Lalagpasan na sana niya ang ilang nakapila mula sa counter ng mapahinto siya sa paglalakad. Sa halip na sumingit ay pumila siya ng maayos. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit niya ginawa iyon. Dati-rati kasi, kapag nasa school cafeteria siya, palagi siyang sumisingit sa pila. Kung hindi naman ay nag-uutos siya ng pwedeng um-order sa pagkain niya. Ayaw na ayaw kasi ni Amber na pumipila, lalong lalo na ang tumayo ng matagal. Madali lang kasi siyang mainip sa isang bagay. Kaya hindi siya makapaniwala ngayon kung bakit bigla-bigla na lang nagbago ang isip niya.
Ilang minuto din ang hinintay niya bago siya nakarating sa harapan ng counter. Agad niyang sinabi sa babaeng cashier ang gusto niyang kainin. Nang matapos siyang makabayad ay agad niyang kinuha ang tray na naglalaman ng in-order niya. Naghanap siya ng bakanteng pwesto, hanggang sa makakita siya. Naglakad siya patungo roon. Nang makarating ay inilapag niya ang hawak na tray sa mesa at umupo ro’n. At bago siya mag-umpisang kumain ay kinuha niya ang bagong cellphone sa loob ng bag upang i-text si Archer.
To: Archer
Eat your lunch, boyfie.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Amber ng maipadala niya ang mensahe na iyon kay Archer. Simula no’ng magpakilala siya bilang girlfriend ng binata sa harap ng magulang nito ay palagi na niyang tinatawag na boyfie si Archer. Ilang beses din siyang pinagsabihan ni Archer na tigilan niya ang pagtawag rito na ‘boyfie’ pero hindi siya nakikinig. Gustong-gusto kasi niya na tinatawag na ganoon si Archer. She couldn’t explain why, pero sa tuwing tinatawag niya si Archer ng ganoon ay may kakaiba siyang nararamdaman.
Nang maipadala niya ang mensahe ay ibinalik na niya ang cellphone sa loob ng bag. Akmang dadamputin niya ang kutsara at tinidor ng mapahinto siya ng maramdaman niya ang lamig na dumampi sa kanyang katawan. “What the heck?!” hindi niya mapigilan magmura nang makita niya ang tumutulong tubig sa kanyang braso at sa suot na damit na ngaon ay basa na.
“Opps, sorry.” Nag-angat siya ng tingin ng marinig niya ang boses na iyon. Nagsalubong ang mga kilay ni Amber ng makilala niya ang babaeng nasa gilid niya. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang ngisi na nakasungaw sa labi nito habang nakatingin ito sa basang damit. Kinuha niya ang kanyang panyo at pinunasan niya ang nabasang damit. Pinunasan din niya ang basang braso. “Hindi ko sinasadya, nadupilas ako.” Paliwanag nito. Nag-angat siya ng mukha patungo sa babae ng matapos niyang punasan ang braso.
“Kristine…” banggit niya sa pangalan ng babae sa mariing tinig. Blanko din ang ekspresiyon ng kanyang mukha habang nakatitig rito. Ang babaeng nakatayo kasi sa gilid niya ay walang iba kundi si Kristine—ang babaeng dinispatsa ng pinsan niya sa pamamagitan ng tulong niya.
Tinaasan lang naman siya ng kilay ng babae. “Hindi ko sinasadya, Amber. Nadupilas lang ako.” Ulit na wika nito sa may kalakasan boses.
Umangat ang sulok ng labi niya bago niya napagpasyahang tumayo mula sa kinauupuan niya. Lumapit siya kay Kristine. Huminto lang siya ng ilang dipa lang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa. “Do you think I am stupid?” tanong niya sa mariing tinig.
“I know you’re not stupid. But you’re a b***h. Mang-aagaw.” Mahina lang ang pagkakasabi nito sa mga salitang binitawan nito. Mukhang ayaw nitong ipaalam sa iba kung ano ang likaw ng bituka nito.
Lumayo siya bahagya rito. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang sariling baso na naglalaman ng juice at walang pagdadalawang isip na ibinuhos niya iyon sa babae. Tumili ito. “Sorry.” Hingi niya ng paunmanhin, pero hindi mababakasan sa boses ang sinseridad. “Hindi ko din sinasadya—
“What’s going on here?” napahinto si Amber sa pagsasalita ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon na nagsalita mula sa likod niya. At kahit na hindi niya lingunin kung kaninong boses iyon ay alam niya kung sino iyon.
“Si Amber binuhusan niya ng tubig si Kristine.” Sumbong ng isang babae na kasama ni Kristine kay Archer. “Hindi naman kasi sinasadya ni Kristine na matapunan ng tubig si Amber eh, nadupilas lang si Kristine. At si Amber nagalit kaya ginantihan niya si Kristine.” Dagdag pa ng bruhildang babae. Abat! Nagsama pa ng alipores ang babae mukhang hipon! Nakita niya mula sa kanyang gilid ng mata ang paglingon ni Archer sa kanya.
“Totoo ba iyon, Amber?” tanong ni Archer. Sa pagkakataong iyon do’n lang niya binalingan ang binata. Nakita niya ang magkasalubong na mga kilay ng binata habang nakatingin sa kanya.
Naikuyom niya ang mga kamao. “Kapag sinabi ko ba na hindi, ay maniniwala ka sa’kin?” tanong niya. Hindi naman nagsalita si Archer, sa halip ay tumitig lang ito sa mukha niya. Nanatili pa rin magkasalubong ang mga kilay nito. At alam ni Amber na hindi siya pinaniniwalaan ni Archer. “So, there’s no reason for me to explain my side. After all, you don’t believe me.” Sabi niya. “And I’m not going to say sorry to her. She deserve that.” Dagdag na wika niya. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang mga gamit sa mesa saka niya tinalikuran ang mga ito. Habang naglalakad siya ay napatingin siya sa basang damit. At dahil manipis lang ang suot niyang damit sa sandaling iyon ay bumakat ang kulay itim niyang bra. Mas binilisan na lang ni Amber ang paglalakad upang makaalis sa lugar na iyon. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng cafeteria ng maramdaman niya na may humawak sa kamay niya. Ipinigsi niya iyon pero mas lalong humigpit ang pagkakawak nito sa kamay niya.
“Let me go.” Walang emosyon na wika niya kay Archer. Pero sa halip na sundin siya nito ay hinila siya nito.
Pilit na hinihila ni Amber ang kamay mula sa pagkakawak nito pero hindi nito iyon binitawan. At nang mapansin niyang wala talagang balak ang binata na bitawan ang kamay niya ay hinayaan lang niya ito kung saan man siya nito dalhin.
Huminto silang dalawa sa paglalakad ng nasa tapat na sila ng Comfort room. Sa pagkakataong iyon ay do’n lang binitawan ni Archer ang kamay niya. Pagkatapos niyon ay binuksan nito ang backpack nito at inilabas nito mula roon ang isang puting T-shirt.
“Here, wear this.” Ani Archer ng i-abot nito sa kanya ang T-shirt. Sa halip na kunin ang inaabot nito ay tiningnan lang niya iyon.
“Don’t be so hotheaded, Amber. Kukunin mo ito o ako mismo ang magsusuot nito sa`yo.” Seryosong wika ng binata.
She just glared at him murderously. “Magbibilang ako hanggang tatlo. Kapag hindi mo pa rin ito kinukuha ako talaga mismo ang magsusuot sa`yo nito.”
“Isa.” Pag-uumpisa nito sa pagbibilang. “Dala—
Hindi na niya pinatapos ang pagbibilang nito. Padabog na hinablot niya ang T-shirt na hawak nito saka siya pumasok sa loob ng Comfort room. “Get out!” paangil na wika niya sa isang babaeng abala sa pagre-retouch. Nagkukumahog naman nitong ibinalik ang hawak na compact mirror sa loob ng bag nito at mabilis na lumabas ng CR. Pumasok si Amber sa isang cubicle. Tinanggal niya ang damit at mabilis niyang isinuot ang T-shirt na ibinigay sa kanya ni Archer. Nang matapos siyang magbihis ay lumabas siya ng cubicle at diretsong lumabas sa CR. Nakita niya si Archer na nakasandal. Nanang makita siya nito ay agad itong umayos ng pagkakatayo. Hindi naman niya ito pinansin, sa halip ay nagsimula na siyang maglakad. Archer grabbed her hand and he pinned her on the wall.
“And where do you think your going?”
“Sa hell. Bakit gusto mong sumama?”
Binitawan ni Archer ang pagkakahawak nito sa kamay niya pero nanatili pa rin ito sa harap niya. Tumingala ang binata at hinagod nito ang sariling batok.
“Hindi ka ba nakokosensiya sa pinag-gagawa mo? Halos lahat yata ng estudyante sa Campus natin ay kilala ka bilang maldita, isang Mean Girl. Wala din yatang gustong makipagkaibigan sa`yo? Wala ka bang pakialam sa iniisip ng ibang tao sa`yo?” ani Archer.
“Wala akong pakialam kung ano ang iniisip nila tungkol sa`kin. Wala din akong pakialam kung tawagin man nila akong masamang babae. Hell I care?”
“Ano ba ang napapala mo sa pagiging bully mo?” Tanong ni Archer. “You want to become popular? You want to get some attention, huh?” Dagdag pa na wika nito.
Hindi naman nagsalita si Amber. Sa halip ay nanatili lang siyang nakatitig sa galit na mukha ng binata. “Kung iyon ang gusto mo, bakit hindi ka na lang sumali sa mga pageant o hindi kaya sa singing contest. Kung sumali ka at manalo ka, magiging popular ka, makakakuha ka ng atensiyon. Hindi iyong nambubully ka para makuha ang mga gusto mo. Gumawa ka ng kabutihan para makilala ka, para makakuha ka ng atensiyon. Hindi iyong gumagawa ka ng kasamaan para makilala.” Mahabang litanya ni Archer. “You always says, you like me. Sa tingin mo sa ugali mo iyang magugustuhan kita?”
Kinagat ni Amber ang pang-ibabang labi para kontrolin ang emosyon. “H-hindi ako magbabago para lang magustuhan ako ng ibang tao. If they dont want me? I don’t care. If they can’t accept me for who I am? It’s not my problem anymore. It’s their lost, not mine. Will you excuse me.” Aniya bago siya itinulak sa dibdib si Archer at nag-umpisang maglakad.
Paulit-ulit niyang itinatatak sa kanyang isipan na hindi siya magpapaapektado sa mga sasabihin ng mga ibang tao sa kanya. Pero alam niyang sarili lang niya ang linoloko. Dahil ang totoo ay apektadong-apektado siya. Hindi lang niya iyon pinapakita sa ibang tao.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Nang maramdaman niyang may isang butil na pumatak sa kanyang mata ay agad niya iyong pinunasan.