SHEN Naglalakad lang ako pero hindi ko naman alam ang gagawin ko. Ewan ko ba, hinahayaan ko na lang ang lalaking ito na tangayin ako. Kapag tatanungin niya ako ng mga kailangan kong bilhin ay sinasabi ko lang sa kanya at siya na mismo ang kukuha. “Sir, kaya ko na ito. Umuwi ka na,” sabi ko sa kanya. “Huwag mo nga akong pauwiin,” sabi niya sa akin. “Pero ka–” Tinaas niya ang kamay niya para patigilin ako sa pagsasalita. Ako naman itong sunod agad sa kanya dahil matic na nanahimik ako. Ewan ko talaga, naiinis na ako sa sarili ko. Hinayaan ko na lang siya hanggang sa pumila na kaming dalawa sa may counter. Ewan ko ba nagulat ako dahil dito sa tabi ng cashier ay may mga naka-display na cond*m. “May ibang size pa ba ito?” tanong niya sa cashier kaya napayuko na lang ako dahil ako itong

