SHEN “Wala ka bang balak na pansinin ako?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya. “May kailangan ka po ba, Sir?” pormal na tanong ko sa kanya. “Meron,” sagot niya sa akin at malalaki ang hakbang niya palapit sa akin. Ako naman itong nakatayo lang dito hanggang sa hindi ko na paghandaan ang sunod niyang ginawa sa akin. Para akong napako sa kinatatayuan ko sa ginawa niya. He pulled me at bigla na lang niya akong niyakap. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. “I’m sorry,” narinig ko na sabi niya kaya mas lalo akong naguguluhan sa ginagawa niya. “Bakit ka nagsosorry?” tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. “Hey!” nagulat ako dahil may biglang pumitik sa noo ko. “Back to work,” masungit na sabi sa akin ni Wilzan. Napahawak na lang ako sa noo ko dahil imagination ko

