SHEN Tinulak ko siya dahil mali itong ginagawa niya. Mabuti na lang talaga at tumigil siya. Mabilis akong tumayo at lumabas sa office niya. Mabilis kong kinuha ang bago ko pati na ang singkamas na binili ko kanina. Gusto ko ng umuwi kahit pa tanghali pa lang. Bahala na siya sa buhay niya. Sumusobra na talaga siya, after niya akong laitin noong nakaraan na hindi ako marunong humalik ay hinalikan niya ako. Akala ko nga imagination ko lang pero totoo pala talaga pala na hinalikan niya ako. Bahala na siya, basta ako uuwi na ako ngayon. Ayaw kong magpadala sa mga katulad niya. Kukunin ang loob, gagawin ang gusto after nun iiwan na niya. Natikman na niya ako, hindi nga lang niya ako naalala pero atleast nagkatikiman na kaming dalawa. Hindi ako dumiretso sa apartment ko. Pumunta ako sa baywalk

