SHEN “Sino ang daddy mo?” tanong niya sa akin. “Hindi mo na kailangan pang malaman,” sabi ko sa kanya. “Ayaw mong sabihin? Sa tingin mo ba ay hindi ko malalaman?” “Wilzan–” “Si Mr. Peñamora ba ang daddy mo?” tanong niya sa akin kaya bigla na lang akong kinabahan. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Gusto kong itanggi pero ano ba ang magbabago kapag nalaman niya. At alam ko rin naman na kaya niyang alamin ang totoo. Apelyido ko pa lang ay alam na niya na ang daddy ko ang Peñamora na kakilala niya. “Itanong mo sa kanya. Mukha naman kayong close,” sabi ko sa kanya dahil ayaw kong siyang sagutin ng oo. “Nagtatanong ako ng maayos,” tiim bagang na sabi niya sa akin. “Ikaw na ang magtanong sa kanya para malaman mo. Hindi niya ako anak, tinanggi nga niya ako diba?” sabi ko sa kany

