SHEN Natataranta ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Paano ba naman kasi nararamdaman ko ang hindi naman dapat. “S–Sir, ano po ang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya pero hindi siya sumasagot. “S–Sir—” “Anong ginagawa ang sinasabi mo?” nagulat ako dahil narinig ko siya sa likuran ko. Kumunot agad ang noo ko at tumingin ako sa dibdib ko. Ngayon ako nahimasmasan na hindi na naman pala totoo. Jusko po may sakit na ba ako? Bakit ganito? Bakit ko iniimagine na may ginagawa siya sa akin? Jusko po wala akong mukha na maihaharap sa kanya. Paano ba ito? Anong gagawin ko? Sunod-sunod na tanong ko sa sarili ko. “May sinabi ba ako? Parang wala naman,” sabi ko sa kanya. “Tsk!” asik niya sa akin kaya napahinga na lang ako ng malalim. Mas lumapit pa ako sa may balcony. Nilabas ko ang kamay ko par

