SHEN “Wilzan,” sambit ko nang maghiwalay ang mga labi naming dalawa. “Ayaw kong maging kaibigan mo,” sabi niya sa akin. “Bakit?” parang ewan na tanong ko sa kanya. “Dahi—” “Dahil ano?” tanong ko sa kanya dahil gusto kong marinig ang sagot niya. Tumingin siya sa mga mata ko. Pero hindi siya nagsasalita. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. Nanghihina ang mga tuhod ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. May nakikita akong kakaiba sa mga mata niya. Para itong punong-puno ng emosyon. Ang emosyon na hindi ko alam ang ibig sabihin/kahulugan. “Sinabi ko na ba sa ‘yo na maganda ka?” tanong niya sa akin na naging dahilan kaya bumilis ang t*bok ng puso ko. Ano ba ang sinasabi niya? “Sabi mo sa akin pangit ako,” nahihiya na sabi ko sa kanya dahil sinabi naman talaga niya ‘ton. “Oo, p

