SHEN Kaagad akong nakatulog dahil feeling ko pagod ako kahit na passenger princess lang naman ako. Hindi kasi ako nakatulog dahil ayaw kong hayaan na walang kausap ang asawa ko. Nagkukwentuhan kaming dalawa habang nasa daan. Kinabukasan ay sabay kaming dalawa na pumasok sa office. Wala namang nakakakita sa aming dalawa dahil sa parking lot na kami laging dumadaan na dalawa. Hindi naman talaga siya sa entrance pumapasok. Dahil sa nangyari noong nakaraan ay ramdam ko na naiilang na sa akin ang ibang empleyado na nakakausap ko dati. Hinayaan ko na lang sila dahil hindi ko naman puwedeng baguhin ang nangyari na noong nakaraan lang. Kasalanan ko rin dahil pinatulan ko. Hindi rin kasi ako nag-isip ng mabuti bago ko pinagsabihan ang babaeng ‘yon. Alam ko na ang tingin nila sa akin ay malandi

