SHEN Ang bigat, ang bigat ng binti niya. Bigla na lang kasi niyang pinatong sa katawan ko. Sa laki niyang tao ay talagang mabigat ang binti niya. Halos hindi ako makahinga sa ginagawa niya sa akin. Siraulong lalaki ito, kung ano-ano ang ginagawa niya. “Sir, ang bigat ng legs mo.” sabi ko sa kanya pero tulog na tulog pa rin talaga siya. “Hey, wake up. Gumising ka nga!” halos sumigaw na ako pero tulog pa rin talaga ang damuho na ito. “Nakakainis ka naman eh! Gumising ka na nga! Sabi mo aalis ka kapag naayos na ang pintuan ko,” sabi ko sa kanya pero tulog na tulog talaga siya. Tulog mantika na talaga ang lalaking ito. Talagang nang-iinis siya dahil sarap pa talaga ng tulog niya habang ako hindi makahinga sa ginagawa niya sa akin. Pero bigla na lang may kalokohan na pumasok sa isipan ko.

