CHAPTER 10

1513 Words

SHEN “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa daddy ko na nakatayo ngayon sa may pintuan ng apartment ko. “Ganyan ka ba bumati sa magulang mo?” tanong niya sa akin habang seryoso ang mukha niya. Halatang hindi niya nagustuhan ang bumungad sa kanya. “Kung pumunta po kayo dito para sa invitation niyo ay hindi po ako pupunta,” sabi ko sa kanya. “Pumunta ka sa ayaw o gusto mo.” ma otoridad na sabi niya. “Kapag ba pumunta ako ay may mababago po ba? Magiging anak na po ba ang turing mo sa akin? Mamahalin mo na ba ako bilang anak mo? O pinapapunta mo lang ako dahil gusto mo na magmukhang kumpleto at masaya ang pamilya mo? Kung ‘yan ang reason mo ay mas lalong wala akong balak na pumunta.” “Ano bang gusto mo?” galit na tanong niya sa akin. “Alam mo kung ano ang gusto ko. Pero anong ginawa mo?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD