SHEN
Dahil sa pag-iyak ko kagabi ay biglang sumama ang pakiramdam ko ngayon. Medyo maga rin ang mga mata ko kaya medyo masakit. Uminom na lang ako ng gamot para hindi matuloy itong feeling ko na trangkaso. Maaga pa rin akong pumasok sa office. Pagdating ko sa office ay wala pa ang boss ko na masungit. Hinihiling ko na kahit ngayong araw lang sana ay maging mabait naman siya sa akin.
“Good morning, Sir.” bati ko sa kanya dahil kararating lang niya.
Tulad kahapon ay hindi niya ako pinansin. Nilampasan niya lang ako. Hinayaan ko na lang siya dahil ganito talaga yata siya. Nang tumingin ako sa pintuan ay nagulat ako dahil nakatingin pala siya sa akin. Hindi pa pala siya pumasok sa loob ng office niya. Ang seryoso lang ng mukha niya kaya lihim akong napalunok.
“Coffee, Sir?” tanong ko sa kanya dahil naiilang ako.
“Hindi na, nagcoffee na ako.” sagot niya sa akin at pumasok na siya sa loob ng office niya.
Sa tingin ko kaya siya nagcoffee na dahil ayaw na niya sa timpla ko. Kahit naman rin ako ay hindi ko rin iinomin ang ganun. Mapait talaga ‘yon dahil isang kutsara ba naman na kape tapos wala pang asukal. Bakit kasi wala siyang coffee maker? O baka naman mas gusto niya ang timplang kape ng dati niyang secretary.
Bumalik na lang ako sa ginagawa niya. Inayos ko ang lahat ng schedule niya ngayong linggo. Kanina pa siya sa loob ay hindi niya ako tinawag. Hindi siya nag-utos sa akin. Kumatok ako para sana itanong kung gusto ba niyang ikuha ko siya ng pagkain. Pero ang sabi niya ay sa labas siya kakain.
Wala akong ganang kumain kaya nagstay na lang ako dito sa table ko. One hour naman ang breaktime ko kaya matutulog na muna ako. Masama talaga kasi ang pakiramdam ko at hindi rin ako nakakaramdam ng gutom.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay kumunot ang noo ko. Kaagad akong tumingin sa oras at nakita ko na alas tres na ng hapon. Napahilot ako sa sintido ko dahil hindi ko man lang narinig ang alarm ko at tatlong oras na akong natutulog dito. Wala akong nagawang trabaho. Napatingin ako sa office ni Wilzan.
“Umalis kaya siya kanina? Nasa loob kaya siya?” tanong ko sa sarili ko.
Uminom muna ako ng tubig bago ko ulit ginawa ang trabaho ko. Habang umiinom ako at bumukas ang pinto at lumabas siya. Mukhang uuwi na siya ngayon. Tumayo naman ako sabay sabi na.
“Bye, Sir.” sabi ko sa kanya pero deadma lang niya ako.
Nawala na siya sa paningin ko. Umilaw ang phone ko at nakita ko ang text mula sa kanya. Binuksan ko ito para basahin.
Wilzan: Umuwi ka na.
Basa ko sa message niya sa akin.
Me: Tatapusin ko po muna ang trabaho ko.
Nagreply ako at inayos ko na ang mga kailangan kong tapusin. Pero hindi ko inaasahan na babalik siya. Akala ko ay papasok siya sa loob ng office niya pero nandito na siya sa tabi ko. Isa-isa niyang nilagay sa bag ko ang mga gamit ko. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya.
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko na umuwi ka na pero hindi ka naman nakikinig.” sabi niya sa akin habang seryoso ang mukha niya.
Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nag-aalala ba siya sa akin? Tanong ko bigla sa sarili ko.
“Alam ko na hindi okay ang pakiramdam mo kaya ihahatid na kita pauwi,” sabi niya sa akin kaya lalo akong naguluhan sa kanya.
“Paano mo alam?” parang ewan na tanong ko sa kanya.
“Namumutla ka,” sagot niya sa akin.
“Kaya ko naman po umuwi mag-isa. Baka may lakad ka pa,” sabi ko sa kanya at kukunin ko sana sa kanya ang bag ko pero hindi niya binigay sa akin.
“Wala akong lakad,” sabi niya at bigla na lang niya akong hinila paalis.
Nakatingin ako sa kamay naming dalawa. Gusto kong bawiin ang kamay ko pero ang higpit ng hawak niya. Kahit pa nakapasok na kami sa exclusive elevator niya ay talagang hindi niya binibitiwan ang kamay ko.
“Sir, ang kamay ko po.” sabi ko sa kanya.
Binitiwan naman niya ito. Narinig ko na tumikhim siya. Parang naging awkward ang buong paligid. Pareho kaming tahimik lang.
“Kumain muna tayo bago kita ihatid,” sabi niya sa akin.
“Huwag na po, sa apartment ko na lang.” sabi ko sa kanya pero hindi na siya nagsalita.
Nang tuluyan kaming nakarating sa parking lot ay pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Pumasok naman ako, pero ang lamig ng aircon ng sasakyan niya kaya lalo lang akong nilalamig. Pero nahihiya naman akong magsabi sa kanya na kung puwede ay hinaan niya ang aircon. Nakikisakay lang kasi ako kaya ganun. Pero napansin niya yata na nilalamig ako dahil hininaan niya na lang bigla.
Nakafocus lang siya sa daan kaya naman sa labas na lang rin ako nakatingin. Mabilis lang ang naging byahe namin dahil maaga pa naman. Nang nasa tapat na kami ng apartment ko ay inalis ko na ang seatbelt ko.
“Thank you po sa paghatid, Sir.” sabi ko sa kanya bago ako bumaba sa sasakyan niya.
Wala naman akong narinig na salita mula sa kanya kaya naglakad na ako palayo sa kanya. Hindi na ako lumingon pa sa kanya. Feeling ko ay matutumba na ako dahil kanina pa ako nilalamig at nahihilo. Pagpasok ko pa lang sa loob ng apartment ko ay mabilis akong naglakad at padapang humiga sa kama ko.
Ilang minuto rin akong nakapikit bago ko sinubukan na bumangon. Kailangan kong kumain dahil iinom pa ako ng gamot. Pipilitin ko para hindi ito lumala pa. Naghanap ako ng cup noodles sa kabinet kung saan nakalagay ang mga stocks ko dito. Ito lang talaga ang naisip ko na mabilis kong makakain sa ngayon.
Nakita ko na nagpadala ng message ang daddy ko. Pero binalewala ko ito. Kung talagang nais niya na pumunta ako sa party niya ay pupuntahan niya ako dito para naman maramdaman ko na gusto niya talaga ako na pumunta. Dahil sa sama ng loob ko kaya ako may sakit ngayon.
Nag-init muna ako ng tubig. Sa totoo lang ay sanay naman akong alagaan ang sarili ko. Matagal akong mag-isa sa US at kung minsan ay ang bestfriend ko ang nag-aalaga sa akin. Nagagalit pa naman ‘yon at masyadong strict dahil kailangan ko talagang kumain ng marami kapag may sakit.
Sa totoo lang ay mas marami pa ang mga alaala ko na kasama si Rachel kaysa sa daddy ko. Pero okay lang, wala na akong magagawa pa. Dahil lahat ng alaala na kasama ko ang kaibigan ko ay masaya lahat. Si Rachel kasi talaga ang naging tunay kong pamilya at ngayon ay may sariling pamilya na siya. Nahihiya na akong abalahin siya. Kaya mag-isa na talaga ako ngayon. Naputol lang ang mga iniisip ko nang narinig ko na kumulo na ang tubig.
Nilagyan ko na ang cup noodles nang mainit na tubig. Habang naghihintay ako na maluto ang cup noodles ko ay naglakad naman ako papunta sa may pintuan dahil may kumakatok. Nang buksan ko ito ay nagulat ako sa taong nakatayo sa tapat ko.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.