SHEN
“Make another one. No, ‘wag na pala ang pangit ng lasa. Just buy me coffee na lang sa labas,” sabi niya sa akin.
“What kind of coffee?”
“Yung kape na pwedeng inumin,” sagot niya sa akin.
“Alam mo, Sir. Dapat detailed ang sinasabi mo para naman mainom mo. Hindiko kayang gumawa ng blue na kape.”
“Why are you talking to me like that? I’m your boss,” sabi niya sa akin.
“Boss,” mataray na sabi ko.
“I heard you,” sabi niya sa akin kaya lihim akong napairap.
“What kind of coffee do you want, Sir?” malambing na tanong ko sa kanya kahit pa ang totoo ay naiirita ako sa pagkunot ng noo niya.
“Huwag na nga, bwisit!” he cursed.
“Bwisit ka rin!” galit na sabi ko bago ako lumabas ulit sa office niya.
Naiinis akong bumalik sa table ko. Iniisip ko talaga kung paano ko ba siya magagantihan. Naiirita na talaga ako sa lalaking ‘to.
“Pumasok ka dito,” narinig ko na naman ang boses niya. Kakalabas at kakaupo ko pa lang ay ito na naman siya.
Labag man sa loob ko ay tumayo na ako para pumasok ulit sa office niya. Seryoso pa rin ang mukha niya. Hindi yata ito napapagod sa kakasimangot. Panay kunot ang noo niya. Para bang kaaway ang tingin sa akin. Kaya hindi na ako magtataka kung umalis na ang dati niyang secretary.
“Kunin mo sa planning department ang mga papeles na kailangan kong pirmahan. After that ay ayusin mo ang mga files.” sabi niya sa akin.
“Okay, Sir.” sabi ko bago ako lumabas.
Bumaba ako para kunin ang mga kailangan niya. Pagdating ko sa planning department ay naghintay pa ako ng kaunti dahil hindi pa nila tapos gawin. Habang naghihintay ako ay kinakausap ako ng ibang employees na narito. Okay naman sila kaya nakipag-usap na rin ako.
“Thank you,” sabi ko kay Jarren.
Aalis na sana ako nang bigla na lang siyang nagsalita.
“Okay lang ba kung sabay tayong kumain mamaya?” tanong niya sa akin na para bang nahihiya.
“Okay lang naman, sige mauna na ako.” sabi ko sa kanya bago ako bumalik sa office ng boss ko.
“Ang tagal mo,” masungit na sabi niya pero hindi ko na lang siya pinansin nilapag ko na lang sa harap niya ang mga kailangan niya.
“Saan ka pupunta?” tanong niya sa akin.
“Gagawin pa ang ibang utos mo,” sagot ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita kaya lumabas na ulit ako. Sinimulan ko na ang pag-aayos nitong mga papeles na parang bundok na. Sa sobrang busy ko ay nagulat na lang ako dahil tumunog ang alarm ko. Kailangan ko nang kunin ang pagkain niya sa baba.
Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa may pinto.
“Come in,” boses pa lang niya suplado talaga.
“Sir, ano po ang gusto mo sa lunch?” tanong ko sa kanya.
Sumagot naman siya kaya pumunta na ako sa cafeteria para kunin ang pagkain niya. Nakita ko si Jarren pero sinabi ko sa kanya na kailangan ko munang dalhan ng food ang boss ko.
“Hintayin na lang kita,” sabi niya sa akin.
“Naku, mauna ka na lang.” sabi ko sa kanya.
“No, hintayin na lang kita.”
“Ikaw ang bahala,” sabi ko sa kanya.
Dala ang pagkain na para sa masungit kong boss ay tinahak ko na ang daan papunta sa office niya. Habang papalapit na ako sa office niya ay bigla na lang siyang lumabas.
“Ang lunch niyo po,” sabi ko sa kanya.
“May lakad ako,” sagot niya sa akin.
“Ano pong gagawin ko dito?”
“Eat it,” sagot niya sa akin at tinalikuran ako.
“Babalik ka pa po ba?” parang ewan na tanong ko sa kanya.
“I don’t know, kasama ko ang girlfriend ko.” sagot niya sa akin kaya nagulat ako.
Lumingon siya sa akin pero mabilis akong pumasok sa loob ng elevator para pumunta sa cafeteria. Pasara na sa sana ang pinto ng elevator pero nagulat ako dahil dito siya sasakay kahit pa may exclusive elevator naman siya.
Tahimik kaming dalawa dito. Ako ang unang lalabas kaya ng bumukas ang elevator ay nakatayo si Jarren sa mismong tapat ng elevator.
“Shen, sabi ko na nga ba pababa ka na. Tara na,” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Sabi ko naman sa ‘yo ay kumain ka na. Baka nagugutom ka na,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
Hindi na ako lumingon dahil sigurado naman ako na wala namang nagbago sa pagmumukha ng Wilzan na ito. Talagang masungit siya at masasabi ko na walang puso. Pero himala at may girlfriend pala. Babaero nga, kasi nagawa pa niyang makipag one night stand. Red flag pala talaga siya. Hindi man lang nagmana kay Gov Adam.
“Okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Jarren kaya nagtataka ako.
“Okay lang naman ako,” nakangiti na sagot ko sa kanya.
Akmang kakain na ako nang may biglang naglapag ng tray sa harapan ko. Nang tumingala ako ay nagulat ako dahil nasa harapan ko ang masungit kong boss. Halatang nagulat ang lahat sa biglang pagsulpot niya dito. Si Jarren ay tumayo na para lumipat ng ibang table.
Ako naman ay tumayo na rin. Akmang bubuhatin ko na ang plato ko para makaalis na rin ako ay nagsalita siya.
“Sit,” sambit niya.
Hindi na ako umalis at nagsimula na lang akong kumain. Akala ko ba aalis ang lalaking ito pero bakit nandito siya? Hindi na tuloy ang lakad nila? Ano kaya ang nangyari? Tanong ko sa sarili ko habang patuloy pa rin akong kumakain.
Ibang pagkain sana ang gusto ko kanina eh. Napilitan pa akong kainin itong pagkain niya. Ayaw ko kasing ibalik dahil nahihiya ako. Nang maubos ko na ang pagkain ko ay tumayo na ako para bumalik sa trabaho ko.
******
Nag-inat ako ng mga braso ko dahil natapos ko rin sa wakas ang pinapagawa niya sa akin. Nang tumingin ako sa oras ay six thirty na pala ngayon. Second day ko may overtime agad. Kahit na masungit siya ay titiisin ko na lang. Sayang rin kasi ang laki ng sahod. Kaya siguro malaki siya magpasahod dahil sa ugali niya.
Tumayo na ako para umalis. Habang naglalakad ako ay nagvibrate ang phone ko kaya sinilip ko kung sino ang tumatawag. Ang daddy ko pala, himala yata at naisipan niyang tumawag. Mas pinili ko na hindi sagutin ang tawag niya. Sumakay na ako sa jeep para umuwi sa apartment ko.
Nang nakababa na ako sa jeep ay nakita ko na may kotseng nakaparada sa daan. Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Jessa. Ano naman kaya ang ginagawa ng babaeng ito dito?
“Hi, my dear sister. Tinatawagan ka ni daddy pero hindi mo sinasagot,” sabi niya sa akin.
“Don’t call me sister dahil hindi kita kapatid. And one more thing, busy ako kaya wala akong time,” sabi ko sa kanya.
“Kung hindi lang dahil sa utos ni daddy ay hindi ako pupunta dito. Here’s the invitation, pumunta ka raw sa saturday sa bahay.” sabi niya sa akin sabay abot ng invitation card.
“Sorry, but I’m not interested. Hindi ako pupunta,” sabi ko sa kanya ay naglakad na ako palayo sa kanya.
“Okay fine, kung ayaw mo di ‘wag. Pero buti naman at kaya mong magtiis sa lugar na ito,” sabi niya sa akin.
“Oo naman, ang mahalaga wala akong inaagaw.” nakangiti na sabi ko sa kanya dahil naalala ko na naman ang condo ko na inagaw niya sa akin. Bago ako pumasok sa loob ng apartment ko ay inirapan ko muna siya.
Pagod ako at wala akong time pa para sa kanila. Ito naman ang gusto nila kaya ibibigay ko. Hindi ko kailangan na pumunta sa party na alam kung napilitan lang sila na i-invite ako. Ayaw ko ng gawing kawawa ang sarili ko. Dahil kaya kong mabuhay na walang kahit na anong yaman na mula sa kanila. Umuwi ako dito para makasama siya pero pinaramdam lang niya sa akin na hindi niya ako mahal. Na hindi ako welcome sa pamilya niya.
Mabilis kong pinunsan ang luha ko dahil bigla na naman akong umiyak. Pero mabilis ko ring pinakalma ang sarili ko dahil tumatawag ngayon ang boss ko.
“Hello, Sir may kailangan po ba kayo?” tanong ko sa kanya.
Wala namang nagsasalita. Ilang ulit na akong nagtatanong kaya naman p*natay ko na lang ang tawag. Istorbo lang siya sa pagdadrama ko.