SHEN
Nakahinga naman ako ng maluwag habang palabas ako sa elevator. Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng office ng CEO ay kinakabahan akong kumatok.
“Come in,” utos niya kaya naman binuksan ko ito at pumasok na ako sa loob.
“Sir, here’s your—”
Para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa taong nasa harapan ko ngayon.
“You?” hindi makapaniwala na sambit ko habang nakatingin sa kanya.
“Why are you here?” tanong niya sa akin.
“Ikaw ang boss ko?” tanong ko sa kanya.
“What do you think?” tanong niya sa akin.
“Bakit ikaw?” Wala sa sarili na tanong ko sa kanya.
“May problema ka ba sa akin?” Masungit na tanong niya.
“Wala po, ito po ang lunch mo. Tawagin mo na lang po ako kapag may kailangan ka.” Sabi ko sa kanya habang inayos ang pagkain niya sa center table.
“Lumabas ka na,” sabi niya na halatang tinataboy ako.
“Okay po,” sabi ko at tumalikod na ako.
Kung minamalas ka nga naman. Bakit siya pa? Sa lahat pa ng puwede kong maging boss ay siya pa talaga. Kasasabi ko lang na ayaw ko na siyang makita pero ito ako ngayon. Araw-araw ko na siyang makikita. Uupo na sana ako sa upuan ko pero bigla na lang niya akong tinawag.
“May kailangan ka po ba, Sir?” tanong ko sa kanya dahil kailangan kong gawin ang trabaho ko.
“Hindi mo man lang naisip na bumili ng tubig? Paano kung mabulunan ako?” masungit na naman na tanong niya sa akin kaya naalala ko na wala nga siyang tubig. Tumingin ako sa paligid at wala man lang akong nakitang tubig.
“Bibili po muna ako, may iba ka pa po bang gusto?” tanong ko sa kanya.
“Wala na,” sagot niya kaya umalis na ako.
Nakalimutan ko naman magdala ng pera kaya sa cafeteria na lang ako ako dumiretso. Wala silang bottled water dahil tap water na lang ang kinuha ko. Hindi naman siguro siya maarte kaya okay na ang ganito. Bumalik agad ako sa office dala ang tubig niya.
Pagpasok ko ay tapos na siyang kumain. Tumikhim ako habang dala ko ang baso na may lamang tubig.
“What’s that?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.
“Tubig,” mabilis na sagot ko sa kanya.
“Papainomin mo ako niyan?” galit na tanong niya sa akin kaya napangiwi na lang ako.
“Wala akong perang dala kaya ito na lang.”
“Hindi ako umiinom niyan,” sabi niya sa akin.
Tumalikod na ako dahil lalabas ako para bumili ng tubig niya. Dahil maarte pala ito.
“Where are you going?” tanong niya sa akin.
“Bibili ng tubig mo,” sagot ko sa kanya at mabilis na lumabas.
Wala akong dalang flats kaya ang sakit na ng paa ko sa heels na suot ko. Pero tiniis ko na lang dahil alam ko na kailangan na niyang uminom ng tubig. Sinigurado ko na talaga na dala ko na ang wallet ko dahil ayaw ko ng lumabas pa. Wala naman kasi siyang binigay na pera. Ililista ko na lang at iisipin ko na utang niya sa akin. Nagmamadali akong bumili at bumalik. Pagpasok ko sa office niya ay binuksan ko ang bottled water bago ko binigay sa kanya. Kinuha naman niya ito at uminom na siya.
Tinago ko ang isa kong paa dahil nakatingin siya dito.
“Puwede na po ba akong lumabas?” tanong ko sa kanya.
Suminyas siya na lumabas na ako kaya ‘yon ang ginawa ko. Nakahinga na lang ako ng maluwag ng nakaupo na ako sa upuan ko. Ginawa ko na ang trabaho na naiwan ko kanina. Hindi na niya ako ulit tinawag kaya naman natapos ko ito ng maayos. Nang tumingin ako sa orasan ay malapit ng mag five o’clock.
Inayos ko na ang mga gamit ko. Napatingin ako sa paa ko. May maliit na sugat na kaya kailangan ko munang bumili mamaya ng gamot at band aid. Habang busy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ay nagulat na lang ako dahil may biglang nilapag si Wilzan sa harap ko.
“Use it,” sabi niya sa akin.
“Ano ‘to?” tanong ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot at tumalikod na para umalis. Tiningnan ko naman ang nasa loob ng paper bag at nakita ko na may flats niya dito.
“Kanino kaya ito?” tanong ko sa sarili ko.
“Sa babae ba niya? Tapos ipapagamit niya sa akin? NEVER!”
Mabilis kong binalik sa paper bag ang flat sandal na pinapagamit niya sa akin. Mas gugustuhin ko na lang na magtiis kahit po masakit ang paa ko. Naiinis akong naglakad para umuwi. Hindi ko dinala ang paper bag. Iniwan ko ito sa table ko.
Lumabas na ako at nag-abang ako ng jeep pauwi. Nang may dumaan na jeep ay sumakay na agad ako. Dito lang sa bungad ang puwesto ko kaya mabilis lang mamaya kapag bumaba na ako. Medyo traffic dahil nga sa uwian na. Nagugutom na rin ako kaya naisip ko na bibili na lang ako ng pagkain sa labas. Doon sa may labasan kasi namin ay may nagtitinda ng mga pagkain. Masarap siya magluto at malinis rin kaya marami talaga ang bumibili.
Nang makababa na ako ay doon na ako dumiretso.
“Bibili ka ba ganda?” nakangiti na tanong niya sa akin.
“Opo, itong gulay po at itong inihaw.” nakangiti na sagot ko sa kanya.
“Ipapahatid ko na lang sa apartment mo ganda. Uunahin ko muna itong mga unang dating,” sabi niya sa akin.
“Babalik na lang po ako,” sabi ko sa kanya at umuwi na ako sa apartment ko para magbihis.
Gusto ko sanang humiga na pero nahihiya naman ako na ihahatid pa dito ang binili ko. Malapit lang naman kaya lalabas na muna ako para kunin doon. Habang palabas ako ay binati ako ng ibang nakatira din dito. May malapit na pharmacy kaya naman doon na muna ako pumunta.
Kailangan kong bumili ng gamot para sa sugat ko. Makirot na kasi talaga kaya kailangan ko talagang gamutin. Dahil hindi ako puwedeng umabsent sa trabaho ko. Second day ko pa lang bukas at sa tingin ko ay magsisimula pa lang ang tunay kong trabaho. After ko sa pharmacy ay bumalik na ako sa karinderya.
“Salamat po, Tita Jo,” nakangiti na sabi ko sa kanya ng kunin ko na ang pagkain ko.
Kumain na muna ako pagkabalik ko sa apartment ko. Dahil nga sa pumunta ako kay Rachel noong nakaraan ay may mga labahan pala ako. Ayaw kong nagtatambak ng labahin. Nilabhan ko muna bago ako natulog.
******
Kinabukasan ay maaga na akong gumising para hindi na ako late.
“Good morning, Sir.” bati ko kay Wilzan pero hindi man lang niya ako pinansin at para bang hindi niya ako nakita.
Ako naman ay nakatingin lang sa likod niya na papasok sa loob ng office niya. Umupo na lang ako at nagtrabaho na lang ako dito sa table ko.
“Where’s my coffee?” pasigaw na tanong niya sa akin kaya natataranta ako.
“Black ba?” tanong ko sa kanya.
“Kung may blue ay bigyan mo ako,” pilosopo na sabi niya sa akin.
“Hayaan mo maghahanap ako ng blue,” naiinis na sabi ko bago ako pumunta sa pantry.
Hindi lang siya suplado, pilosopo pa. Sa sobrang inis ko ay isang kutrasang kape ang nilagay ko sa tasa niya. Hindi ko rin nilagyan ng asukal kaya bahala na siya. Ang yaman niya pero wala man lang siyang coffee maker.
“Coffee mo,” sabi ko sa kanya sabay lapag sa harap niya.
“Galit ka?” tanong niya sa akin.
“Hindi!” sagot ko sa kanya.
“Hindi nga, hindi halata. Lumabas ka na,” sabi niya sa akin kaya tumalikod na ako para umalis.
“What the h*ll is this?!” Galit na tanong niya sa akin.
“Coffee,” sagot ko bago ako tuluyang lumabas.
“Sungitan mo ako dahil lagot ka sa akin simula ngayon.” Saad ko sa sarili ko.