CHAPTER 6

1094 Words
SHEN Nagmamadali ako, oo dahil feeling ko unang araw ko pa lang ay late na ako. Late na kasi akong nagising dahil sa hindi ko narinig ang alarm ko. Nagset pa ako kagabi pero wala rin naman pala. Hindi ko rin naman pala magagamit ngayong kailangan ko na maging maaga sa paggising ko. Feeling ko pa nga ay matutumba pa ako ngayon dahil inaantok pa rin ako. Nakakainis kasi dahil bigla na lang akong napuyat. Paano ba naman kasi, ang sabi ko kagabi ay matutulog na ako pero biglang pinasok ni Wilzan ang isipan ko. Oo siya nga, ang masungit na ‘yon. Ginugulo ang isipan ko. Siya lang ang lalaking iniisip ko pa lang naiinis na ako. Kahit hindi naman kailangan na problemahin ay ginagawa ko dahil sa kanya. Hindi ko lang talaga maintindihan kong posible ba talaga na nakalimutan niya ako? Sa lakas ng pagbayo niya sa akin ay nakalimutan ako. Tinanong pa kung nagkita na ba daw kaming dalawa. Hindi ba ako masarap? Ang dami kong tanong sa sarili ko kagabi. Pero kahit naman hindi ko itanong ay alam ko na agad ang sagot. Ang babaero ay babaero talaga. Talent nila ang magpalit-palit ng mga babae kaya kapag tapos na sila ay hindi na nila matandaan pa. Kaya sino ba naman ako para maalala niya. Kung isa na rin ako sa mga babaeng tinutukoy ko. It was a one night stand kaya ano ba ang aasahan ko? Okay na sana eh kaya lang bigla ko na lang nalaman na kapatid pala siya ni Gov Adam. Ang tanging magagawa ko na lang talaga ngayon ay iwasan siya. Sana nga ay hindi ko na siya makita dahil may kakaiba akong nararamdaman na sa tingin ko ay hindi makakabuti sa akin. Baka maaga akong matige pag nagkataon. Sa jeep na ako nagsusuklay ng buhok ko dahil wala na akong time. Light make-up lang rin ang nilagay ko sa mukha ko. Para makatipid ako ay magjejeep na lang ako. Mas okay na rin para feel na feel ko na kailangan kong sipagan sa work ko. Wala pa akong ID pero pinapasok nila ako dahil alam nila na ako na ang bagong secretary ng CEO nila. Habang nasa loob ako ng elevator ay nagdadasal na ako na wala pa ang boss ko. Para naman hindi nakakahiya na late ako ng ilang minuto sa unang araw ng trabaho ko. Paano ba naman kasi kahit na habulin ko ay late pa rin talaga ako. “Kaya mo ito, Shen.” saad ko sa sarili ko. Nang bumukas na ang elevator ay katahimikan ang bumungad sa akin. Nakahiwalay pala ang office niya sa ibang mga employees dito. Ang buong floor na ito ay exclusive lang sa CEO ng company. Malaki ang space na ito para lang sa kanya. Sa company namin ay hindi ganito ang office ni daddy. Maliit lang Sa labas ng office niya ay may nakadisplay na maliit na eroplano. Ang ganda naman kahit simple lang. Sa tingin ko ay itong nasa labas ang magiging table ko. Biglang bumukas ang pintuan ng office at may babaeng lumabas. “Miss Peñamora, you’re late.” sabi niya sa akin. “I’m sorry, Ma’am.” nahihiya na sabi ko sa kanya. “This is your table, and lahat ng kailangan mo ay nandito na. Papasok ka lang sa loob kapag tinawag ka ni Sir. Kapag hindi naman ay gawin mo ang mga nandito,” nakangiti na sabi niya sa akin na halatang hindi naman siya galit dahil sa late ako. Lahat ng kailangan ko malaman ay sinabi niya sa akin. Nalaman ko lang rin na pumunta lang siya dito para ituro sa akin. Umalis rin siya agad. Ten minutes lang yata ang binigay niya sa akin. Habang nakaupo ako dito at ginagawa ang trabaho na dapat kong gawin ay iniisip ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako tinatawag ng boss ko. Wala ba siyang ipapagawa sa akin. Sumapit na lang kasi ang tanghalian ay hindi pa rin niya ako inuutusan. Akala ko pa nga ay magagalit siya dahil late ako kanina pero hindi naman pala. Mukhang mabait naman siyang tao at boss. Tumayo na ako dahil nagugutom na rin ako. Ang sabi nila ay libre na ang pagkain ng lahat ng employees dito kaya natuwa naman ako. Hindi naman sa wala akong pera at hindi ko afford. Gusto ko lang talaga na magtipid. Habang nakapila ako para kumuha ng pagkain ko ay bigla akong kinausap ng ilan sa mga empleyado dito. “Hi, ikaw ba ang bagong secretary ni Mr. CEO?” nakangiti na tanong niya sa akin. “Hi, ako nga. I’m Shen,” nakangiti na pakilala ko sa kanya. “I’m Eva,” nakangiti na sabi niya sa akin. Ngumiti ako dahil hindi ko rin naman alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Kumuha na lang ako ng pagkain ko after ay naghanap ako ng vacant seat. Nang magsisimula na sana akong kumain ay may bigla na lang lumapit sa akin. Nagtatanong kung puwede ba siyang umupo at magshare kami sa mesa. Pumayag naman ako dahil hindi ko naman ito pagmamay-ari. Habang kumakain kami ay nagpakilala siya sa akin. Wilbert ang name niya. Okay naman siya kausap kaya hindi naman ako nailang. Pero habang kumakain kami ay pakiramdam ko may nakatingin sa akin kaya naman lumingon ako. Pero wala naman. Tinapos ko na lang ang pagkain ko ay nagpaalam na ako kay Wilbert. Aalis na sana ako pero tinawag ako nang isang staff dito. “Miss, pakidala naman po ito kay Sir. Tumawag po siya at pinapadala po niya ito sa ‘yo.” sabi niya akin. “Okay po,” nakangiti na sabi ko sa kanya at kinuha ko ang hawak niyang tray. Ngumiti siya sa akin bago siya tumalikod. Ako naman ay naglakad na rin pabalik sa trabaho ko habang dala ang lunch ni Mr. CEO. Late na siyang kakain ng lunch, dapat pala simula ngayon ay maaga ko na siya hahatiran para hindi siya magutom. Pumasok ako sa elevator at nakasabay ko ang ilan sa mga employees dito. Ibang floor lang sila at akin ang pinakahuling floor. Nakahinga naman ako ng maluwag habang palabas ako sa elevator. Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng office ng CEO ay kinakabahan akong kumatok. “Come in,” utos niya kaya naman binuksan ko ito at pumasok na ako sa loob. “Sir, here’s your—” Para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa taong nasa harapan ko ngayon. “You?” hindi makapaniwala na sambit ko habang nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD