SHEN
Habang naglalakad ako dito sa garden nila ay napatigil ako sa paglalakad dahil may biglang nagsalita. Nakasandal ito sa may pader na narito.
“Bingi ka ba? Kailangan ko pa bang ulitin ang tanong ko?” masungit na tanong niya sa akin pero naging tahimik lang ako.
“Answer me, nagkita na ba tayo noon? You look so familiar.” tanong niya sa akin kaya kinakabahan na ako.
“Sasabihin ko ba sa kanya?” tanong ko bigla sa sarili ko.
“What are you talking about? Hindi kita kilala at ngayon lang kita nakita,” sabi ko sa kanya.
“But you look familiar,” sabi niya sa akin.
“Marami talaga akong kamukha, kuya. Kaya ‘wag ka nang magtataka kapag may mga kahawig ako.” sabi ko sa kanya.
“Fine, sabi mo eh.” masungit na sabi niya at tinalikuran ako.
“Paano kaya pinaglihi ni Mama Carmela ang mga anak niya noon? Kasi naman ‘yung isa maligalig itong isa naman parang may galit sa mundo. Buti na lang talaga at hindi siya nagkakaroon ng lines sa noo dahil sa lagi niyang pagkunot.
“Pasalamat ka talaga dahil gwapo ka. Kung hindi talaga ay baka–hmmp, bahala ka nga. Sungit!” kausap ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa lalaking ‘yon.
Umakyat na lang ako sa room ko dahil nga inaantok na ako. Naging busy kasi kami sa chismis ni Rachel kaya hindi pa ako nagpahinga simula nang makarating ako dito sa bahay nila. Tapos nagulat pa ako sa biglang pagdating nitong masungit na ito. Kung alam ko lang talaga na dito rin pala siya pupunta ay hindi ko na siya iniwan sa hotel.
Pero kung nakilala naman niya ako ay baka mas lalong maging awkward ang lahat sa aming dalawa. Bukas ay uuwi na rin naman ako dahil sa monday ay may trabaho na ako. Ayaw kong ma-late sa unang araw ko sa trabaho. Pumasok ako sa banyo para gawin ang night routine ko.
Paglabas ko ay nagtataka ako dahil may nakapatong na tubig sa side table. Sino naman kaya ang naglagay ng tubig dito? Pero mas mabuti nga na may naglagay para kapag nauhaw ako ay hindi ko na kailangan pang bumaba. Sinuklay ko muna ang buhok ko bago ako humiga.
Nakaupo pa muna ako kama ko at nagscroll ako sa social media ko. Nakita ko ang post ng peke kong kapatid. May pic siyang may kasamang lalaki pero tinakpan niya ang mukha. Naloka pa ako sa caption niya.
“Soon to be mine.”
“Edi sa ‘yo na.” sabi ko na may kasama pang pag-ikot ng mga mata ko.
Tinabi ko na lang ang phone ko dahil gusto ko ng matulog. Akala ko kasi ay maganda ang napapanood ko sa social media ko pero mali pala ako. Dahil nasira lang ang gabi ko sa babaeng ‘yon. Nagtalukbong na lang ako ng kumot ko para makatulog na ako.
Nilalamig ako pero ayaw ko namang tumayo para pahinaan ang aircon. Hindi ko rin alam kung ano oras na ba. Mas gugustuhin ko na lang na manigas sa lamig. Inaantok ako talaga at ang bigat ng mga mata ko. Hindi ko nga ito kayang imulat kaya naman hinayaan ko na lang ito na malakas.
Hanggang sa may naramdaman akong mainit na bisig na yumakap sa akin. Dahil nga sa init na nararamdaman ko ay mas lalo akong tinatangay ng antok hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
******
Ayaw ko pang gumising pero may yumuyugyog sa akin. At nang imulat ko ang mga mata ko ay nagulat naman ako dahil ang masungit na gwapo ang bumungad sa akin.
“Gising na,” sabi niya sa akin.
“Inaantok pa ako,” sabi ko sa kanya.
“Bahala ka nga d’yan,” masungit na naman na sabi niya kaya napaupo ako bigla.
Ang bilis talaga maubos ng pasensya niya. Hindi nga talaga yata siya tao o baka naman may angry issue ang lalaking ito. Lagi na lang akong iniiwan. Hindi man lang ako pinilit na bumangon na. Napalabi na lang tuloy ako sa ginagawa nitong lalaking ito.
Nanaginip pa naman ako na siya ang katabi ko kagabi pero sa ugali niya ay malabong magkatotoo ang pantasya ko. Sh*t! Naging pantasya pa nga. Gwapo lang talaga siya, syempre yummylicious at juicylicious pero kasi naman. Hayy, ligwak lang talaga sa ugali eh.
Pumasok na ako sa banyo para mag-toothbrush at naghihilamos ng mukha ko para naman hindi ako mukhang hagardo versoza. Paglabas ko sa banyo ay halos atakehin na naman ako dahil nakaupo siya sa kama ko.
“Bakit ka bumalik?” tanong ko sa kanya.
“Sasabay ka daw ba sa akin mamaya?” tanong niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
“Anong sasabay ang sinasabi mo?”
“Pabalik sa Manila,” walang gana na sabi niya.
“‘Wag na, kaya ko naman umuwi sa Manila ng mag-is—”
Kailan ba niya ako kakausapin ng maayos? Siraulo ba siya? Bakit tinalikuran na naman ako? Nakakainis na talaga siya. Akala niya yata ay sasabay ako sa kanya. Kung siya lang naman ay ‘wag na, mas gugustuhin ko pang magbus ulit pabalik sa Manila.
Naiinis man ay bumaba na ako. Ako na lang ang hindi pa kumakain dahil late na ako nagising. Kaya naman naghain na lang ako dahil ayaw ko naman na i-utos pa ito sa katulong nila dito. Kaya ko naman kasing gawin na kumuha ng pagkain ko. Habang naghahain ako ay may sisira na naman sa mood ko. Paano ba naman kasi? Nakaupo na siya ngayon sa may mesa.
“Kakain ka rin?” tanong ko sa kanya pero sa maayos na tono.
“Oo, bakit bawal ba?” masungit na tanong niya sa akin.
“Hindi ka ba puwedeng magsalita na hindi ka galit? Ang sungit mo, nagtatanong naman ako ng maayos.” sabi ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita at tahimik lang siyang nakaupo. Hindi ako kumuha ng plato para sa kanya. Pero habang kumakain naman ako ay hindi ko rin naman siya matiis kaya tumayo ako para kumuha ng plato para sa kanya. Hindi naman masama ang loob ko. Okay lang naman sa akin, dahil parang pangit naman na kumakain ako tapos siya ay hindi.
Sa laki siguro ng sharky niya ay baka hindi na niya kayang tumayo. Tumikhim ako dahil kung anu-ano ang naiisip ko. Naalala ko na naman kasi ang sharky niya este ang batuta. Bakit ba batuta? Kung anu-ano na lang ang tawag ko sa birdy niya. Bahala na basta jumbo footlong na lang. Kasi naman above the size talaga eh. Hanggang ngayon ay makirot pa ang kiffy ko.
“Pinagnanasaan mo ba ako?” tanong niya sa akin kaya naibuga ko sa mukha niya ang laman ng bibig ko.
Nagulat kasi ako sa tanong niya sa akin.
“Sorry, hindi ko sinasadya.” sabi ko sa kanya at mabilis akong lumapit sa kanya para punasan ang mukha niya.
“Sorry talaga, hindi ko sinasadya. Ikaw kasi eh kung anu-ano ang tinatanong mo sa akin.” sabi ko sa kanya hanggang sa natigilan ako dahil hindi ko namalayan na bumaba na pala ang kamay ko sa restricted area. Feeling ko ay nagstop ang t*bok ng puso ko dahil sa na-realize ko kung ano ba ang ginagawa ko ngayon sa kanya.
Sa sobrang hiya ko ay mabilis akong lumabas sa dining room at patakbong umakyat sa room ko dito. Hindi ko na yata kayang lumabas pa dito ngayon lalo na sa ginawa ko sa kanya. Mabuti na lang talaga at nasa garden sila kaya hindi nila ako napansin. Kung puwede lang akong magpalamon sa lupa ay magpalamon na lang talaga ako para hindi na ako makita ng lalaking ‘yon.
*******
Todo iwas ako na magtama ang paningin naming dalawa at nagtagumpay naman ako. Pero nang sumapit na ang gabi at kailangan ko ng umuwi ay hindi naman ako makatanggi dahil pinipilit nilang sumabay na ako kay Wilzan.
“Besty, safe ka d’yan. Mukha lang ‘yan masungit pero matino naman ‘yan. Ihahatid ka niya ng safe sa bahay niyo,” sabi niya sa akin.
“Okay, besty. Bye for now, dalaw na lang ulit ako dito.” sabi ko sa kanya.
“Okay po, ingat kayong dalawa sa biyahe.” sabi niya sa akin.
Akmang sasakay ako sa backseat ay bigla na naman nagsalita ang Wilzan sungit Dela Vega na ito.
“Hindi mo ako driver,” suplado na sabi niya kaya narinig ko na tumawa ang mga kasama namin dito.
Mas gusto ko sana sa backseat pero dahil ayaw ko ng makipagtalo sa lalaking ito ay sinunod ko na lang siya. Nagpaalam na kami sa kanila at nagsimula ng magdrive ang masungit na ito. Ako naman ay tahimik lang na nakaupo sa tabi niya. Nang ipikit ko ang mga mata ko ay bigla na lang siyang nagsalita.
“Hindi ka puwedeng matulog dahil wala akong kausap,” sabi niya sa akin.
“Makikipag-usap ka sa akin?” gulat na tanong ko sa kanya.
“Kahit ayaw ko ay kausapin mo ako para hindi ako antukin,” masungit pa rin na sagot niya sa akin.
“Ayaw ko nga!” sabi ko sa kanya.
“And why?” kunot noo na tanong niya sa akin.
“Bakit naman ako makikipag-usap sa masungit na tulad mo?” mataray na rin na sabi ko.
“Edi ‘wag kung ayaw mo,” sabi niya kaya maang akong nakatingin sa kanya.
He’s unbelievable. Talagang magaspang ang ugali niya. Bahala na nga siya, kausapin na lang niya ang sarili niya dahil hindi ko talaga siya kakausapin.
“Manigas ka,” sabi ko na hindi ko man lang namalayan na, malakas pala ang pagka-sabi ko.
“Matigas na nga eh,” sabi niya sa akin.
“Ha?” wala sa sarili na tanong ko sa kanya.
“Anong ha?”
“Sabi mo matigas,” sabi ko sa kanya.
“May sinabi ba ako? Baka guni-guni mo lang,” sabi pa niya sa akin.
“Ewan ko sa ‘yo. Magdrive ka na lang d’yan. Kapag pagod ka na ay ako na ang magmaneho. Marunong naman ako eh, wala nga lang akong license.” sabi ko sa kanya pero hindi man lang niya ako pinansin.
Hindi na lang din ako nagsalita. Hindi kami nagkibuan na dalawa hanggang sa nakarating na kami sa Manila. Ayaw ko na sanang magpa-hatid sa kanya sa apartment ko pero pagod na akong lumipat pa ng sasakyan.
“Salamat sa paghatid, Kuya.” sabi ko sa kanya pero bigla na lang niya na pinaharorot ang kotse niya.
“Bastos!” sigaw ko sa kanya bago ako pumasok sa apartment ko.
Padapa akong humiga sa kama ko. Kailangan ko ng magpahinga dahil maaga pa ako bukas. First day ko sa work ko kaya dapat mag-pakitang gilas ako sa boss ko. Sayang rin kasi ang sahod, malaki pa naman. Sana lang talaga ay hindi siya tulad ni Wilzan na masungit. Jusko kapag tulad niya ay baka bigla na lang akong tumanda. Tumanda sa inis ko sa kanya.