SHEN
Mabilis kong dinampot ang mga nagkalat kong damit sa sahig. Kung saan-saan ko lang kasi hinagis kagabi hanggang sa bigla na lang ako napatingin sa lalaking nakahiga sa kama.
“Oh my gosh! Ang gwapo ng lalaking ‘to kaya pala bumigay ako agad sa kanya kagabi.” saad ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa lalaki na nakahiga sa kama kung saan nangyari ang kababalaghan. Ang kababalaghan na naging dahilan kaya may kakaiba sa akin ngayon.
“Ang gwapo mo pero kailangan ko ng umalis. May lakad pa kasi ako,” mahina kong sabi at mabilis na sinuot ang damit ko.
“Ouch!” napapadaing ako sa bawat paghakbang ko dahil ang hapdi talaga ng kiffy ko.
Grabe naman kasi kung makaararo ang lalaking ito. Jusko ko po kaya pala parang namamaga talaga. Ang laki ng katawan niya at talagang sarap ng abs niya. Kaysa magising siya ay mas pinili ko na umalis na. Paika-ika pa ang lakad ko pero keri lang. Makakarating pa rin ako sa apartment ko at makakapunta sa probinsya ng kaibigan ko. Kailangan ko lang munang ipahinga ang katawan ko na masyadong nalamog.
Nakarating ako sa apartment ko pero nagbihis lang ako at nag-ayos lang ng gamit ko. Sanay naman akong mag-commute kaya nagbus na lang ako. Gusto ko pa kasing matulog ng mahaba kaya bumiyahe agad ako papunta sa bus terminal. Mabuti na lang at pagdating ko ay may paalis na bus kaya sumakay na agad ako.
Nang nakapagbayad na ako sa konduktor ay pumikit na ako para matulog. Hindi ko alam kung ilang oras ba ang biyahe pero alam ko naman na huling station ay doon sa kanila.
“Miss, gising na.” narinig ko na may yumuyugyog sa balikat ko.
“Nandito na po ba tayo, kuya?” inaantok na tanong ko sa kanya.
“Oo, miss.” sagot niya sa akin kaya inayos ko na ang sarili ko.
Nang alisin ko ang hoodie ko para magsuklay ng buhok ay nakita ko na nakatulala sa akin si kuyang konduktor. Kaya nagtataka na rin ako sa kanya.
“May problema po ba?” tanong ko sa kanya.
“Wala naman, ang ganda mo kasi.” sabi niya sa akin.
“Salamat po, kuya.” sabi ko sa kanya at bumaba na ako sa bus.
Kaagad akong naghanap ng taxi para magpahatid sa bahay nila Rachel.
“Saan po tayo, Ma’am?” tanong sa akin ng driver.
“Sa bahay po ni gov,” sagot ko sa kanya.
“Okay po,” sagot niya sa akin kaya naman bumiyahe na kami papunta sa bahay ng kaibigan ko.
Mabilis lang ang naging biyahe dahil hindi naman traffic.
“Keep the change po,” sabi ko sa kanya at natuwa naman ang driver.
Dahil sa kilala na ako ng katulong nila ay pinapasok na agad nila ako. Mabilis kong niyakap ang kaibigan ko. Sobrang miss na miss ko na siya. Sinabi ko rin sa kanya na may trabaho na ako.
“Bakit hindi ka na lang sa company niyo magwork?” tanong niya sa akin.
“Ayaw ng daddy ko. Mas gusto niya na sa ibang company ako. Para siguro matuto ako,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na nag-aalala siya sa akin.
Dinadaan ko ang lahat sa biro dahil alam ko na mas okay ang ganito. Kilala ko kasi ang kaibigan ko. Lagi siyang nasa likuran ko kapag kailangan ko siya. Ilang beses ko na ‘yung napatunayan. Nagkwentuhan pa kaming dalawa hanggang sa may dumating na lalaki na kilalang-kilala ko.
Sobrang kinakabahan ako dahil baka naalala niya ako. Pero nakahinga naman ako ng maluwag dahil never niya akong kinausap. Seryoso lang ang mukha niya at nalaman ko na kapatid siya ni Gov Adam at may kakambal itong si William. Makulit at maingay ang kakambal niya. Kabaliktaran naman niya na ang mahal ng ngiti at salita niya.
“Ano na ang gagawin ko? Sana lang talaga ay hindi na niya ako kausapin. Sana rin hindi niya ako naalala dahil nakakahiya ito.” kausap ko sa sarili ko habang nakaupo ako dito sa kama sa guest room.
“Kakain na daw,” sabi niya sa akin dahil siya ang tumawag sa akin dito sa room ko na halos atakihin ako sa puso dahil hindi man lang siya marunong kumatok.
Hindi kasi naka-lock ang pintuan kaya nakapasok siya.
“Nakikinig ka ba?” masungit na tanong niya sa akin.
“Narinig kita, kuya. Susunod na lang ako,” sabi ko sa kanya dahil mas matanda naman talaga siya sa akin kaya ginagalang ko siya.
Hindi na siya nagsalita pa pero ramdam ko ang inis niya dahil lalong kumunot ang noo niya kanina. Mabilis siyang lumabas dito sa silid ko. Ako naman itong parang ewan na dahil bigla ko na lang sinabunutan ang sarili ko.
“Relax ka lang, Shen. Hindi mo kailangan na kabahan, dahil okay lang ang lahat. Hindi ka niya nakilala dahil kung naaalala ka niya ay sana kinausap ka na niya.” kausap ko sa sarili ko.
“Tama, relax lang.” saad ko ulit bago ako bumaba para pumunta sa kanila sa hapag.
Bumaba na ako at pumunta na ako sa dining area. Nandito na sila at ako na lang ang hinihintay nila.
“Huwag kang mahihiya ha,” nakangiti na sabi ng kaibigan ko.
“Hindi naman ako mahiyain,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Alam ko,” sabi niya kaya natawa na lang kami pareho.
Kaya lang biglang nawala ang magandang ngiti ko dahil nakatingin pala sa akin si Wilzan. Kung hindi pa dahil sa pamilyang ito ay hindi ko pa malalaman ang pangalan ng naka-one night stand ko. Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na ako sa upuan na nasa tapat niya.
Habang kumakain kami ay masayang nagkukwentuhan ang pamilyang ito.
“Shen, may boyfriend ka na ba?” nakangiti na tanong sa akin ni Gov Adam.
“Wala pa, Gov.” nakangiti na sagot ko sa kanya.
“Bakit naman wala? Ang ganda-ganda mo po kaya,” tanong sa akin ni Reighn.
“Wala naman kasing nanliligaw sa akin.” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Si tito sungit po–I mean Tito Wilzan po, wala rin po siyang girlfriend,” biglang sabi ng batang ito kaya nalunok ko ang pagkain na nasa bibig ko.
“Pamangkin, single rin naman ako.” biglang sabi ni William.
“Hindi kita type,” wala sa sarili na sabi ko sa kanya pero bigla na lang itong tumawa.
“Hindi mo ako type? Ibig sabihin ay hindi mo rin type ang kakambal ko dahil magkamukha lang naman kami.” tumatawa pa rin na sabi ni William.
Gusto ko sanang sabihin na siya lang naman ang hindi ko type dahil para sa akin ay mas gwapo naman itong kakambal niya. Pero mas pinili ko na lang na manahimik kaya mas lalong naging ganado itong lalaking ito na asarin ang kakambal niya na pikon. Ang bilis niyang magalit dahil tumayo ito at lumabas dito sa dining area.
“Tumigil ka na nga, umalis na lang tuloy.” sabi ni Gov sa kapatid niya.
“Pikon naman talaga ‘yon. Pero malay mo type niya si Shen,” natatawa pa rin na sabi ni William.
“Tito pogi, hindi nga po type ni Ate Shen. I mean Tita Shen pala,” natatawa na sabi ni Reighn kaya napanguso na lang ako dahil mukhang sinasakyan niya ang pang-aasar ng tito niya.
Natatawa nga ako dahil may palayaw sa kanya ang dalawa niyang tito. Isang pogi at isang sungit. Ang saya talaga ng pamilya nila kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng inggit.
“Magkakaroon rin kaya ako ng pamilya na ganito? May magmamahal rin kaya sa akin?” tanong ko bigla sa sarili ko bago ako nag-excuse na lalabas na ako.
Habang naglalakad ako dito sa garden nila ay napatigil ako sa paglalakad dahil may biglang nagsalita. Nakasandal ito sa may pader na narito.
“Bingi ka ba? Kailangan ko pa bang ulitin ang tanong ko?” masungit na tanong niya sa akin pero naging tahimik lang ako.
“Answer me, nagkita na ba tayo noon? You look so familiar.” tanong niya sa akin kaya kinakabahan na ako.
“Sasabihin ko ba sa kanya?” tanong ko bigla sa sarili ko.