SHEN Ilang minuto pa lang ako nakahiga sa kama ko dito sa apartment ko ay may kumakatok na sa labas. Kaya naman bumangon na ako para buksan. Nang buksan ko ang pinto ay ang asawa ko ang bumungad sa akin. “Hubby?” hindi ako makapaniwala na nandito na agad siya. Halos magkasunod lang kaming dalawa. “Nag-aalala kasi ako sa ‘yo,” sagot niya sa akin. Inayos ko naman ang mga nakakalat na papel sa kama ko. Umupo naman siya sa kama ko. After ko itago ang mga ito ay lumapit ako sa kanya. “Nag-aalala ka sa akin dahil akala mo umiiyak ako?” malambing na tanong ko sa kanya. “Opo,” sagot niya sa akin at bigla na lang niya akong binuhat para paupuin sa kandungan niya. “May unfinished business tayo kanina,” nakangisi na sabi niya sa akin. “Miss na miss mo na talaga ako?” pabiro na tanong ko s

