RANNE P.O.V. "Yats, Kain kaya muna tayo," dinig kong sabi ni Octavo. Nagulumihan akong napatingin sa kanya. "Ayaw mo tawagin kitang Sweetie eh, 'di Yatz na lang. Payat ka naman kaya bagay lang,"nakangisi niya sabi, at hinawakan aking kamay. "Ano Yatz, kain na tayo." Napailing lang ako. "Sige, Tavz," sabi ko, at na tinaas-baba ang aking balikat. "Medyo nagugutom na din ako, mayroon kaya tayong madaanan diyang carinderia? Gusto kong maghigop ng sabaw." Nadinig ko ang mahinang pag-ubo ni Nestor. Kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi ka kumakain sa karenderya?" hula kong tanong, samantalang si Alice ay nakatutok lang ang mata sa may daan. "Mayroon naman siguro," sabi ni Alice. "Ang problema, hindi kumakain si Boss sa karinderya," sabi ni Nestor. Agad kong tinignan si Octavo, subalit n

