LEONILA P.O.V. Nauna na kami tumungo ng Sual. At nang marating namin ang bahay bakasyonan namin ay agad kaming nagpahinga. Matagal-tagal na rin na hindi kami nakauwi dito. Siguro mga limang taon na ang nakalilipas. Huling naming pagpasyal dito ay noong buhay pa ang mga magulang ng aking asawa. Malaki at malawak ang lupain at ari-aria ng aking mga in-laws. At isa lamang itong bahay bakasyonan sa Sual sa mga property nila. The vacation house is a Japanese inspired three story rest house, situated situated 500 metres away from the seashore and was built during the nineties. Nang una ko itong nakita ay agad akong nabighani sa kanyang kagandahan. Maihahambing mo siya sa isang liblib na Paraiso. Maliban sa maputi at mapino niotng buhangin ay napakalinaw ng tubig. Maraming puno ng niyog at

