RANNE P.O.V. Gusto kong matawa dahil nakalukot at hindi maipinta ang mukha ni Octavo. Paano ay kanina pa siya nagpapansin sa akin pero ako naman ay patay malisya lang. Ano siya sinuswerte na pagkatapos niya akong iwan-iwanan at 'di pansinin ay basta-basta ko nalang siyang iimikin? Kung sa palagay na kaya niya ako paamoin lalo na't wala akong kasalanan ay nagkakamali siya. Hindi ako basta-basta sumusuko sa isang laban lalo't na kung alam kong ako ang nasa katwiran. "Ate, pahingi pa ng ang dalawang rice at sabaw," sabi ni Alicia sa serbidora, at tinignan ako. "Hindi ka magdadagdag ng rice?" "Magdadagdag," sabi ko, at tumingin sa gawi ng serbidora. "Ate, ako din ha. Dalawang rice at isang sabaw din. Pahingi din ng ice." "Dalawang pang rice?" Napanganga si Nestor na napatingin sa am

