ALICE P.O.V. KANINA PA KUMUKULO ang dugo ko sa lalaking katabi ko. Maliban sa halos liparin niya na ang kalsada sa pagmamaneho, eh panay-panay pa ang pagsulyap niya, at hindi ko na din mabilang kung ilang beses na ang pagbuntong-hininga niya. Ano na naman kaya ang problema ng lalaking ito? Nakakainis na ewan! Kalma ka lang Alicia, lihim kong paalala sa akin saliri. Bakit nga ba hindi ko maiwasan na maapektohan sa mga kilos ng bruho! Hindi naman ako ganito... kahit kay Juan Carlos, pero bakit pagdating sa lalaking katabi ko subrang sensitive ko. "I'm sorry," dinig kong bulong niya. Nagkunwari akong walang narinig kahit malinaw kong narinig iyon. "I'm sorry..." wika niya uli, at nagpakawala ang isang mahabang buntong-hininga. Patay malisya lang ako habang nakatingin sa labas ng ak

