14

2289 Words
~ ~ ~ *Dianne's Pov* ~ ~ ~ {splash} "sh!t sh!t sh!t" pagmumura ni Enzo "Good morning Enzo." Nakangiting bati ko habang may hawak pang timba "KRYSTAAAAAAAALLLL!!!!!" "Ayaw mo kasing magising. Kanina pa kaya kita sinsigawan dito kaso mukhang hindi mo narinig. Kaya nag pakuha na ako ng tubig sa mga katulong niyo. Bilisan niyo jan at may pupuntahan tayo ngayon." sabi ko sabay lakad papunta sa sofa niya "Saan tayo pupunta?" "Mag oout of town tayong dalawa" excited na pahayag ko "Hindi ako sasama" pag tanggi niya sabay bukas ng closet niya kung saan niya nilalagay ang kanyang towel na ikinalungkot ko dahil sakanyang pag tanggi "Bakit? May gagawin ka na naman bang research? O may pag aaralan ka na naman? Kung ayaw mo edi wag. Si kuya Alex na lang ang isasama ko" Akamang tatayo na sana ako ng bigla siyang nag salita "ako ang sasama sayo. Wag kang pumunta kay kuya Alex busy siya. Hintayin mo ako maliligo lang ako mabilis lang to" "Okay" nakangiting sabi ko ~ ~ ~ "Teka teka bibilhin mo lahat ng yan?" gulat na sabi niya sakin. Pano ba naman kasi punong puno na ng pagkain yung cart namin "Oo naman. Sating dalawa to no tara at syempra yung card mo ang gagamitin natin" sabi ko sabay tulak mg cart papunta sa cashier "12780.75 Php po sir lahat" Cashier "12780.75?" ㅇㅅㅇ "Yes sir" "Krystal pwede mo bang bawasan ang kinuha natin. Mauubos ang savings ko neto" bulong niya sakin ^__^ "okay lang yun. Sayo rin naman mapupunta yung ospital balang araw kaya dadami pa yang laman ng account mo" habang pasimpleng inagaw sa kamay niya yung card. Nung nakuha ko na yun ay mabilis kong inabot sa cashier para iswipe na niya "Thankyou ma'am sir for shopping. Please come again" nakangiting sabi ng cashier sabay abot ng card ni Enzo sakanya. ^__^ Ako na mismo ang nag bitbit ng mga plastic bag na pinamili namin tsaka agad nag lakad ng mabilis palabas ng supermarket. May nakikita na kasi akong usok mula sa ilong ni Enzo kaya bago pa sumabog ang bulkang mayon ay dapat nang mag evacuate palayo sa bulcan para makaiwas sa piligro "At saan ka pupunta" dun ko lang na pansin na kahit nakailang hakbang na ako ay nandun parin ako nakatayo malapit sa cashier. nalaman ko na lang na pinipigilan pala ni Enzo ang bag ko kaya hindi ako nakalayo. Patay! Dahan dahan ko siyang nilingon "ah hehe. Sa kotse" pag dahilan ko "At wala ka talagang balak na bayaran ang pinamili mo? Kahit 50:50 lang tayo. " "Alam mo katulad ka rin ni tito Sky. Ang kuripot mo 12780.75 lang naman yun eh. Wag kang mag aalala ako na ang mag babayad ng gastusin sa pupuntahan natin" "Siguraduhin mo lang ha. Dahil hinding hindi ko na ilalabas tong card ko. Understand?" "Yeah fine whatever!" ~ ~ ~ "Whoooooo!!! Freeedddooomm!!" Sigaw ko habang nakataas yung dalawang kamay ko. Inopen ko kasi yung bubong ng kotse ko. Mas maganda kasi kung fresh air kesa sa aircon "Ay teka meron pala akong kinuhang sun glasses" Kinuha ko ang dalawang sun glasses sa loob ng bag ko. Isinuot ko muna yung sa akin bago ko sinuot yung shades ni Enzo sakanya "Ayan! Mabuti at magaling akong pumili" nakangiting sabi ko ganun din naman si Enzo hindi maalis sa mukha niya ang ngiti. Mabuti na lang at naisipan kong mag out of town sakto naman na okay na kami ni Enzo kaya sobrang saya ko ngayon. Na miss ko talaga itong bestfriend ko "Saan mo ito binili?" "Wala kinuha ko lang yan sa companya. Limited edition yan. Hindi alam ni daddy na kumuha ako" {Brreeeaak} Mabuti na lang at may seatbelt ako dahil kung wala baka sugatan na ako ngayon. Pano ba naman kasi kung makapreno tong si Enzo wagas "Okay ka lang ba Krystal?" tanong pa niya "Sira ka ba ha?? Bakit ka bigla bigla na lang kung prumeno?" bulyaw ko "Pasensya ka na. Na bigla lang ako sa sinabi mo" "Saang banda sa sinabi ko ang ikinagulat mo ha?? Ang pag kuha ko ng shades ng walang paalam? Like hello? Anak kaya ako ng may ari. Kaya pwede kong kunin yung mga gusto kong kunin dun" naiinis na sabi ko. > _ ~ ~ ~ "Woah! Kaninong resort ito?" mangha niya nung nakarating na kami "Sa amin. Kakabili lang nila dad" pag explain ko Isang resort na malayo sa bayan at merong white sand ang pinuntahan namin "Good morning ma'am sir any reservation?" sabi ng isang staff na nasa front desk. Kung hindi ko sana alam na bago itong resort namin ay binatukan ko na tong staff na to. Sino ba naman ang hindi magagalit ni hindi niya kilala kung sino yung boss niya. Masumbong nga kay mommy "Dianne Krystal Valdez" taas noo kong sabi ㅇㅅㅇ staff "Miss Dianne?" "Yes ako nga. Saan na yung susi ng kwarto ko?" Mabilis niyang kinuha yung susi ng magiging kwarto namin tsaka inabot samin "sorry po miss Dianne at hindi kita na kilala ka agad. Sorry po talaga." "Its okay. Pero sa susunod na makalimutan mo ang magandang mukha ko ay malalagot kana talaga sakin. Understand?" "Yes po miss Dianne. Pasensya na po talaga" "Tara na Enzo" ~ ~ ~ *Vicky's Pov* ~ ~ ~ "Victoria tapos na ang break mo balik shoot na tayo" sabi ng manager ko sakin. Binigay ko muna yung lunch box ko sakanya bago tumayo "Pag katapos neto wala na bang susunod na sched?" "Teka titingnan ko lang" may binasa siya sakanyang phone "wala na. Ito na yung last. Bakit? May gusto ka bang puntahan pag katapos?" Umiling ako "wala. Derecho uwi tayo pagkatapos. Meron pa akong reporting na dapat tapusin" After 1 hour na tapos na din ang shooting kaya derecho sa van na ako para makapag palit "Victoria bakit hindi mo na lang sabihin sa lahat kung sino ka talaga?" biglang sabi ng manager ko "Alam mo naman ang rason hindi ba?" "Oo pero hindi ka ba nahihirapan? Sa araw araw na pag bubully sayo ng mga kaklase mo dahil isa kang nerd?" "Kesa naman sa lalapit sila sakin dahil alam nila na kung sino ako ko. Alam mo namang ayaw ko ng plastic. Ayaw ko nang mangyari sakin ulit yun." " *sigh* okay fine." Manager Kung naguguluhan kayo sa pinag uusapan namin ngayon ng manager ko hayaan niyo akong iexplain ang mga bagay na dapat kong iexplain. My name is Victoria Song o Vicky na kilala bilang isang nerd university Pero hindi talaga ako totoong nerd sa katunayan isa akong sikat na model sa buong mundo nag papanggap lang akong nerd for some reasons. Nag tataka nga ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin ako kilala ni Dianne na sa agency nila ako nag tatrabaho. Kung sabagay sa lawak ba naman ng agency nila imposible na makikilala niya ang lahat ng mga nag tratrabaho sakanila. Kinabahan nga ako nung pinilit ni Dianne na ipatanggal sakin yung glasses ko. Pano kung mayroong may makakilala sakin? Edi tapos na yung tahimik kong buhay. Hay! "Pero ipangako mo sakin na sa oras na meron na namang may aaway sayo isumbong mo kaagad sakin. Okay?" "Ang OA mo alam mo ba yun? Kaya ko na yung sarili ko no" "OA pa ba ang tawag mo dun? Gusto ko lang naman sabihin sayo na mag ingat ka sa university pano kung may mag bully na naman sayo tapos masaktan ka at masugatan?" Manager "Wag kang mag alala dun ako na ang bahala. Manong itabi niyo po ang van" sabi ko sa driver "Bakit may problema ba? May naiwan ba tayo sa shoot?" Manager Umiling ako sabay bukas ng pinto ng van tsaka bumaba "Mauna na kayo. May bibilihin lang ako. Mag lalakad na lang ako pauwi. Malapit na rin lang naman yung bahay dito. Bye" pagkatapos kong mag salita ay sinara ko kaagad ang pinto tsaka nag wave sakanya. "What are you doing Victoria? Bumalik ka dito. Baka may makakilala sayo jan" galit na sabi ng manager ko sakin "Wala may makakilala sakin dito. See this?" turo ng nerdy glasses na kasalukuyan kong sinusuot. "Ikaw ang dapat mag tago dahil kilala ka ng mga fans ko. Kaya umalis na kayo dito bago pa nila tayo mahalata" "Tsssk. Pasaway. Hihintayin kita dun sa bahay mo. Isang oras, pag hindi ka pa nakauwi susunduin kita" "Okay" ~ ~ ~ Hmmmmm. Ang sarap talag ng ice cream na to. "Uy pare may nerd oh" napahinto ako sa pagkain nung narinig ko yun. Tiningnan ko kung saan galing yun "Oo nga pare. Ang ganda niya. Kasing ganda niya si Fiona" "Oo nga pare. Hahahaha" sabay tawa ng dalawang estudyante Ang sarap pang umpugin yung mga ulo nila "Pare halikan mo baka ikaw yung prince charming niya na matagal niya nang hinhintay" sabi ng isa. Sa tingin ko mga taga East High din tong mga lalakeng to "Ayaw ko nga. Baka ako pa yung maging palaka kapag nahalikan ko siya" Pssh! Eh mukhang palaka ka na nga eh. Akala mo kung sinong gwapo "Hoy mga kuya kung wala kayong magawa sa buhay niyo please wag kayong mang istorbo sa buhay ng ibang tao okay? And for your information maganda ako. Hindi lang naaapreciate ng karamihan yung beauty ko" sabay flip ng hair ko at lumakad palayo sakanila. Sa ilang araw na kasama ko si Dianne ay yan ang natutunan ko sakanya ang ipaglaban ang iyong sarili. Wag hayaang aapihin ka ng ibang tao. Nalaman ko rin na hindi talaga siya ganun kasama na meron din siyang kahinaan at kinakatakutan katulad ng iba ngunit tinatago niya lang ito. ~ ~ ~ *Dianne's Pov* ~ ~ ~ " aaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!! Dianne ayaw ko na. Uwi na tayo gusto ko pang mabuhay" mangiyak ngiyak na sabi niya habang nasa kalagitnaan na kami sa pagtuwid ng lubid "ngayon pa ba tayo hihinto na malapit na tayo sa finish line? Tara bilisan natin baka maabutan pa tayo ng iba" napag alaman ko kasi kanina na merong gaganapin na event pala dito. Malapit na kasi yung valentines day para daw makaakit nng mga costumers ay ginawa nila ito. Sakto namang para ito sa mga couple na nag babakasyon dito kaya sumali na kami ni Enzo kahit na hindi naman kami totoong couple. Yung parang amazing race na meron kayong gagawin na mission at hindi ka makakaalis dun kapag hindi mo na kuha ang flag. Nasa 7th mission na kami na kailangan naming tumawid sa lupid ni Enzo. isang mission na lang ang kailangan naming gawin bago makarating sa finish line " ibibigay ko na lang sayo ang kung ano man ang makukuha ng winner dito. Basta tigilan na natin to" " No!! kung gusto mong umuwi umuwi kang mag isa mo. Basta ako tatapusin ko to" pag matigas ko. Sa buong buhay ko hindi pa ako kailanman sumuko sa ginagawa ko inumpisahan ko to kaya kailangan kong tapusin kahit anong mangyari. Mas binilisan ko yung kilos ko. Bahala na si Enzo. Hindi ko na siya pipilitin pang sumama sakin tutal mukhang nahihirapan naman siya Hanggang sa matapos ko ang lahat ng mga mission I mean namin pala at kami ang nag uwi ng trophy. Hindi ko alam na sumusunod parin pala sa likuran ko si Enzo hanggang sa finish line ni hindi man lang nag salita "Ayan pinagbigyan na kita sa gusto mo kaya ngayon sana pagbigyan mo rin ako sa gusto ko" siya nung nakababa na kami ng stage. Awarding kasi kaya pinaakyat kami ni Enzo ng stage. "Ano naman?" "Be my date sa darating na valentines day" ~ ~ ~*Enzo's Pov*~ ~ ~ Nakangiti akong papasok ng bahay iniisip ko na kasi ang pwedeng gawin namin ni Krystal sa nalalapit na valentines day. Napagdesisyonan ko narin na ipagtatapat ko na sakanya ang aking tunay nararamdaman sakanya. "Enzo anak pwede ba tayo mag usap" si mommy katabi si dad "Okay po. Ilalagay ko lang po ang mga gamit ko sa taas" Nilagay ko yung mga gamit ko sa kwarto saka nag bihis bago bumaba "Mom ano yun?" Bungad ko sabay upo sa bakanteng upuan "Sasama ka samin papunta ng States next week may gustong makausap ka personally. Tapos na rin naman yung mga exams mo hindi ba?" Tumango lang ako bilang sagot "After 5days ikaw na ang bahala kung gusto mong manatili dun o uuwi ka na ng Pilipinas. Dahil kami matatagalan pa bago kami makauwi. Dahil mag kikita kita kami dun nila Nikki." ~ ~ ~*Krystal's Pov*~ ~ ~ Ikot sa kaliwa ikot sa kanan Argggh!!!! napaikot pa ako ng ilang beses Ano bang nakain niya at nasabi niya yun?? Seryoso ba siya? Arrrggh!! Ewan hindi ko alam!! ~ ~ ~*Enzo's Pov*~ ~ ~ "Good morning sir. How may I help you" tanong sakin ng isang staff dito sa jewelry shop "Pwede ko bang tingnan ang singsing na yan?" Sabay turo ng singsing na nakakuha ng atensyon ko "Yes po sir" agad niya naman kinuha yu " ito po sir. Pwede niyo po yan lagyan ng initial tsaka limited edition po ito" Simple lang naman yung singsing. Gold siya tsaka merong guhit na heart sa gitna "Kukunin ko ito. Tumatanggap ba kayo ng card?" "Yes po sir. Pakisulat na lang po dito sa papel ang gusto niyong ilagay" sabay abot naman ng maliit na papel sakin. K * G Pagkatapos kong isulat ay sinoli ko na sakanya ang papel kasabay ng credit card ko "Pakiantay na lang po" makalipas ang 20 minutes ay lumabas ulit yung staff dala dala ang singsing na binili ko "heto na po. Thank you po please come again" nakangiting sabi niya sabay abot ng binili ko sana tanggapin ni Krystal itong munting regalo ko sakanya ____________________ Vote. Comment. Share. BeAFan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD