1
All right Reserved
Re-writing started: July24,2021
Date Ended: October 13,2021
This story is a work of fiction. Any resemblance to real people, living or dead, events, places and other stories are coincdental. No part of this story may be copied or reproduces in any form.
~ ~~*Dianne's Pov*~ ~ ~
"Magandang umaga po Ms. Dianne" bati kaagad sakin ng isang kasambahay pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay nina Enzo
"Nasaan si Enzo?" tanong ko sakanya with my cold tone
"Nandun po siya sa kwarto niya"
Hay Enzo!! Sigurado akong nag puyat na naman siya sa kakaaral. Eh ang talino na kaya nun.
Derecho akong pumunta sa kwarto niya at nakita ko kaagad siya na nakadapa sa kama.
Napailing na lang ako nilapitan ko siya tsaka hinanda ang sarili ko
One
Two
Three
"Gabriel!! gisiiiiing naaaaa!! Goodmorning!!" Sigaw ko habang naka higa sa likuran niya
Naimagine niya ba yung posisyon namin?? Nakadapa siya habang ako naman ay nakahiga sa likuran niya
Ay ewan ko nga ba kung bakit hindi ko magawa sakanya yung masasamang ginagawa ko sa ibang tao. May ginagawa akong prank sakanya pero mild lang hindi katulad sa iba. Malaki kasi ang utang na loob ko sakanya. Syempre siya kaya tong gumagawa ng lahat ng project at assignments ko
"Krystal umalis ka nga!! Ang bigat bigat mo" pagreklamo niya
"Ayaw ko nga. Anong oras ka na naman natulog ha?" ako habang relax na relax paring nakahiga
*boooiiinnnkkk*
Walang hiya tong lalaking to. Pano ba naman kasi umupo siya ng walang pasabi kaya ayun na hulog ako sa higaan niya.
Ang sakit ng pwet ko
"Anong oras na ba at ang aga aga nandito ka. Tsaka ilang beses kong sinabi sayo na wag na wag mo akong tawaging Gabriel" siya na inaayos ang higaan niya. Badtrip ata pero hindi ako natatakot sakanya
"Yun ang gusto kong itawag sayo eh. Tsaka ikaw rin naman ah. Tinatawag mo rin kaya akong Krystal eh ang pangit kaya nun. Sabay na tayong pumasok ng EHU. I got my car back" masayang sabi ko sabay pakita ng susi sakanya
"Hindi na naman ba alam ni tito Dwight yung ginawa mo kahapon?"
Nawala bigla yung ngiti ko nung naalala ko ang nangyari sakin kahapon
"Hindi ko naman kasalanan yun no. Tsaka kung hindi niya ako tinapunan ng juice edi hindi yun nangyari sakanya. She deserves it"
"Deserve niya bang mapahiya sa gitna ng maraming tao?" siya habang papunta sa walk in closet niya habang ako naman heto relax na relax na nakaupo sa mini sofa niya. Which is para sakin daw talaga ito. Para daw may matatambayan ako dito kapag dinadalaw ko siya
"Napahiya rin naman ako ah"
"Oo pero yung ginawa mo sakanya hindi naman ata tama yun"
"Hindi tama?? Hindi ba tama na tinapunan ko rin siya ng chocolate syrup?? Mas mahal pa nga yun kesa sa juice na tinapon niya sakin" may nakita akong group picture namin sa table niya nilapitan ko ito para makita ng mas maigi
"Hay ewan ko na lang Krystal. Ano ba ang mararating mo sa huli kapag parati kang ganyan?" siya na nakita kong nakatayo na sa labas ng walk in closet niya
"Gusto ko rin naman na tahimik ang buhay eh. Kaso merong tao lang talaga na papansin kaya ko yun na gawa. You know me Enzo. Hindi ko kaya na hindi ko sila ma gantihan"
Napailing na lang siya bago pumasok sa banyo
Binalik ko ulit ang atensyon ko sa group picture namin
Lima kami na nasa larawan
Si Xyra na anak nina tita Xyla at tito Vince
Ang kambal na anak naman nina tita Nikki at tito Sky
si Enzo ang anak nina tita Patricia at tito Dave
At syempre ako si Dianne Krystal Valdez ang nag iisang anak nina Coleen at Dwight Valdez
Two years younger kami ni Enzo kay Xyra habang three years younger naman sa kambal dahil ang mommy ko daw ay nahirapan sa pagbubuntis habang ang parents naman ni Enzo ay nasa getting to know each other ulit. Pero kahit ganun ang gap namin sa tatlo ay close parin kaming lahat dahil mag kakabarkada ang mga magulang namin nung nag aaral pa sila
"Krystal anong ginagawa mo jan?" Narinig kong boses ni Enzo kaya binalik ko muna ang picture frame bago ko siya nilingon.
Ang bilis naman ata niya maligo at bumihis.
"Mauna ka na sa baba. Aayusin ko muna yung gamit ko"
"Okay"
Nauna nga akong bumaba. Pagkababa ko ay nakita ko si tita Pat na nanunuod lang ng tv
"Goodmorning po tita" bati ko sakanya
"O ija nandito ka pala. Kumain ka na ba?"
"Hindi pa po tita"
"Gusto mo bang kumain muna habang hinihintay mo si Enzo"
"Ah wag na po tita. Mabilis lang naman po daw si Enzo eh"
"Ganun ba?"
Tumango lang ako.
"Nga pala hows your business? Nakakatulog pa ba ang mommy at daddy mo hindi ba sila nag tatalo?" Natawa ako dun sa sinabi ni tita
"Opo tita at hindi parin po nila maiwasang hindi magtalo. I guess sa pamamagitan ng pag tatalo nila dun nila naipadama sa isa't isa kung gaano nila kamahal ang isa-t isa"
That's why I should find a guy like my dad. Dahil kahit ganun si mommy ay hindi parin niya ito iniiwan
"Let's go" nagulat ako nung sumulpot bigla si Enzo sa likuran ko
"Mauna na po kami tita"
"Sige mag ingat kayo"
"Bye po mom" Enzo sabay kiss sa forehead ng mommy niya
Paglabas namin ay dun na ulit nagsalita si Enzo
"Hindi ako sasama sayo. Mag momotor ako ngayon."
"What? Alam mong ayaw kitang gumamit ng motor hindi ba?"
"Yes I know pero mas safe ako sa motor ko kesa sa kotse mo"
"Enzo!!" Sabi ko na lang sakanya. Nakasakay na kasi siya sa motor niya at sinusuot na niya ang kanyang helmet
"See you later" (engine start)
"Enzzzooo!" Sigaw ko pero ni lingon sakin ay hindi niya nagawa
"I hate you na!!"
~~~
(EHU)
Sabay lang kaming nakarating ni Enzo sa EHU hinabol ko kasi siya. Pagkapark niya ay bumaba siya kaagad at pumunta sakin
Mula dito sa loob ng kotse ay kitang kita kung gaano siya ka badtrip sa ginawa ko sakanya habang nasa daan kami
"Alam mo ba kung gaano ka delikado yung ginawa mo ha?" yan yung una kong narinig mula sakanya pagkababa ko
"Delikado ba yun? Yan kasi ang sinasabi ko sayo eh. Wag na wag mo na yan gamitin. Baka yan din ang maging rason ng pagkamatay mo ng maaga"
"Hindi tong motor ko ang maging rason kung mamatay man ako kung hindi ikaw!" tsaka nag walk out
Grrr!!!!!! Nakakainis ka Enzo!!!
Badtrip akong pumasok ng classroom. Nahalata agad ng mga kaklase ko kaya nagsibalikan sila sakanilang upuan habang ako naman ay umupo na rin sa aking upuan which is katabi ng bintana
Nakakainis talaga yung Gabriel na yun. Maswerte siya dahil hindi ko siya kayang saktan. Grrr!!
*tiiiinnng*
(Smirk)
Humanda ka sa ginawa mo sakin Gabriel
"Mwahahahahaha"
"Mwahahahahaha"
I feel victory!!
Napahinto na lang ako sa pagtawa nung naramdaman ko na sakin nakatingin ang mga kaklase ko
Shocks!! Nakakahiya!!
"*cough* anong tinitngin tingin niyo jan ha!!" balewala kong tanong
Mabilis namang nagsiiwasan sila ng tingin. Mga duwag!!
~ ~ ~
"Hello ija?" sagot ni tita Pat sa kabilang linya
Pagkatapos kasi ng klase ko ay agad ko siyang tinawagan para sa pinaplano ko
"*sob* tita *sob*" putol putol kong sabi. Nag kukunwari akong umiiyak ngayon at mukhang naniwala naman si tita
*smirk*
Humanda ka sakin Enzo
"Teka ija umiiyak ka ba?? Anong problema?"
"*sob* tita si Enzo po kasi eh *sob*"
"What?? Anong nangyari kay Enzo?? Siya ba ang rason kung bakit ka umiiyak ngayon? Tell me"
"*sob* nag bibiruan po kasi kami kanina at mukhang napasobra ata ako kaya nagalit po siya sakin. Kahit anong pilit ko pong kausapin siya hindi niya po ako pinapansin. *sob* tita I need your help. Alam niyo naman pong siya lang po yung kakampi ko dito sa school."
"Tumahan ka na ija. Ako na ang bahala kay Enzo. Sisiguraduhin kong magkakaayos na kayo mamaya. For now stop crying okay?? Everythings gonna be okay"
"*sob* yes po tita. Thankyou po"
"Walang anuman yun. Sorry Dianne but I gotta go now. Marami pa kasi akong pasyente dito"
"Okay po tita. Pasensya na po sa distorbo"
~ ~ ~
[Valdez's Residence]
Kasalukuyan akong nakadapa sa aking malaking kama ngayon habang nakatingin sa phone ko na may ngiti sa aking labi. Pano ba naman kasi panay ang tawag ni Enzo sakin.
Sigurado ako na naniningkit na ang kanyang mga mata sa galit.
*boooggggssshh*
Malakas na pagsira ng pinto ang narinig ko at alam niyo na kung sino ang pumasok.
Walang iba kung hindi ang kababata ko na si Enzo
"Tumayo ka jan Diane mag usap tayo" may naririnig akong pagkainis sa boses niya ngayon as if naman natatakot ako no
Hindi ko siya pinansin sa halip ay nag bubusybusyhan ako sa phone ko
"Diane wag mo nga akong paglolokohin wala akong panahon jan. Umayos ka nga ng upo. Ka babae mong tao eh"
"Tsssk!" umupo na ako ng maayos baka mabatukan niya pa ako neto "anong ginagawa mo dito?? Namiss mo na ba ako?" sabay ngiti ng mapangasar sakanya
Napa iling naman siya "Miss ka jan. Ikaw kaya tong na mimiss ako."
Napanganga ako sa sinabi niya. Ang yabang talaga ni Enzo "mukha mo!! Asa ka naman"
"Pakipot ka pa no! Bakit ka sumubong sa mommy ko ha?? At may iyak iyak ka pang nalalaman. Dianne kilala na kita. Kung gusto mong makipagbati sakin wag mo nang idamay si mommy sa kalokohan mo okay?"
*boooiiinnnkk*
"Aray Dianne ano ba?" reklamo niya
Binatuhan ko kasi siya ng unan
"Alam mo napa ka mo. Sinong nag sabing gusto kong makipagbati sayo?? Asa ka!! Umuwi ka nga nandidiri ako sa pagmumukha mo"
Mabilis siyang kumuha ng unan at hinampas ito sa legs ko
"Tama na nga yang pag iinarte mo Krystal."
Lumapit ako sakanya tsaka ginulo ang buhok niya "aigggooo!!!" sabi ko na lang
Ilang minuto pa siya nanatili dito sa kwarto bago niya naisipang umuwi na. Mag aaral pa na naman po siya. Wala naman kaming ginawa kung hindi ang magkasakitan lamang
Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Enzo may mga panahon talaga na mag kakatampuhan kaming dalawa pero noon paman ay pinagusapan na namin na wag namin pa tatagalin pa ng ilang araw ang tampuhan namin bago makipagayos sa isa't isa. Kaya siguro nag tagal kaming dalawa ng ganito
___________