2

1553 Words
~ ~ ~*Dianne's Pov*~ ~ ~ -Calling Enzo- Nakailang ring palang ang nakalipas nung sinagot ni Enzo ang tawag ko sakanya [Oh?] Walang gana niyang sabi at halatang kakagising niya lang. Nag aral na naman siguro "Sungit ni kuya" biro ko [Tsssk] "May gagawin ka ba ngayon?" saturday ngayon kaya wala akong gagawin at sobrang nabobored nga ako ngayon [Oo mag aaral ako buong araw] "*sigh* ang boring naman ng buhay mo Enzo aral na lang ng aral." [Mas tahimik na lang yung buhay ko sayo no.] "Atleast nag eenjoy ako" [Ako rin naman ah] "Psssh whatever. Tara gala tayo. Samahan mo akong pumunta ng mall" [Ayaw ko] madiin na sabi niya "Pretty please??" [Hindi ka pretty kaya my answer is no] "Sorry. Hindi nga pala ako pretty dahil maganda ako. Magandang maganda. Pumunta ka dito within 40 minutes kung ayaw mong sirain ko ang tahimik mong buhay" [Tsssk!] huling sinabi niya bago niya binaba ang tawag Tumayo na ako para maligo {After 50 minutes} *knock* *knock* "Miss Dianne nandito na po si Enzo" narinig kong sabi ng isang kasambahay namin "Papuntahin mo siya dito. Sabihin mong hindi pa ako tapos" sigaw ko naman habang inaayos ang sarili ko sa salamin Naka white shirt, maong shorts tsaka havaianas lang ako ngayon. Simpleng simple lang pero kahit ganito lang ang suot ko ay alam ko parin na nag uumapaw ang kagandahan ko sa ibang babae jan "Kahit kailan talaga ang bagal bagal mo talagang kumilos" reklamo niya Kahit nakatalikod ako sakanya ay nakita ko parin siya sa pamamagitan ng salamin Naka white shirt lang din siya katulad ko maong pedals tsaka vans na kulay itim "Parang couple look tayo ngayon ah" biro ko pa napatingin din siya sa salamin at mukhang ngayon niya lang din napansin ang suot ko "Psssh! Bilisan mo na nga jan" "Oo na oo na!" saktong tapos na rin naman kasi ako sa paglagay ng light make up nung sinabi niya yun. Ayaw na ayaw niya talagang mag hintay. Yung parang kahit isang segundo lang yun ay importanteng importante ito sakanya na ayaw niyang masayang sa paghihintay. Tumayo na ako at naisipan kong mag suot na rin ng kulay itim na vans para maging couple look na talaga ang peg namin ngayon. Tumakbo ako papunta sa walk in closet ko tsaka mabilis kong sinuot ang sapatos ~ ~ ~ Nasa isang store ng mall kami ngayon namimili ng magandang running shoes. "What do you think?" masiglang tanong ko sabay pakita ng black shoes na napili ko sakanya Umiling iling lang siya "pumili ka ng kulay na bumabagay sa balat mo" Kulay na bumabagay sa balat ko?? Sa pag kakaalam ko kasi kung maputi ka babagay sayo ang kahit anong kulay na susuotin ko. Eh maputi naman ako tsaka idagdag mo pa na sobrang kinis ng balat ko Binalik ko na lang yung sapatos na gusto ko sana bago ko siya tiningnan "Ikaw na nga lang ang pumili ng sapatos na sa tingin ko ay babagay sakin" "Okay. Wait may nakita na akong sapatos na maganda para sayo. Dito ka lang wag kang gagawa ng gulo." Bilin niya sakin na parang isang bata lang ako "Opo mag bebehave po ako dito" saka umupo sa isang banda nag lakad naman siya sa kung saan yung sapatos na nakita niya raw. Nakaupo lang ako dito habang hinihintay ang pagbalik niya. Kaso ilang minuto na ako nandito nakaupo hindi parin bumabalik si Enzo. sobrang kumakati na talaga ang paa ko na gusto ko ng tumayo para hanapin siya Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ko naisipang hanapin siya sa loob ng store. Hanap sa kanan Hanap sa kaliwa May nakita akong nag kukumpulang mga babae sa isang banda dito sa store na parang may artistang dumating dito sa loob At dahil pinanganak akong chismosa at gusto ng magulong buhay naisipan kong isiksik ang sarili ko para makita ko kung sino ang taong to na ganito na lang kung makaagaw ng atensyon sa mga kabataan. "Ouch" "Ano ba yan" "Miss uso rin naman ang excuse no?" Yan ang mga salitang narinig ko nung nakipagsiksikan ako. Tinutulak ko kasi yung nga tao na humaharang sa dainadaanan ko Nung medjo malapit na ako sa gitna ay nakita kong may mga estudyante na nagpapapicture sakanya at yung iba naman ay nagpapaautograph Hindi ko makita ang mukha niya dahil likuran niya lang ang nakikita ko pero napansin ko na kapareho sila ng damit ni Enzo. Teka si Enzo nga talaga ito. Si Enzo ang pinag guguluhan ng mga kabataan dito. Pero bakit naman siya pinaguguluhan. Hindi naman siya artista o ano Tiiinnnggg!! Ang B*b* mo talaga Dianne pinalo ko pa yung ulo ko dahil sa katangahan ko. Bakit ko ba nakalimutan na naging model pala siya ni tita Nikki sa bago niyang collection noon at naging malaking break yun sakanya. Maraming nag alok ng projects sakanya kaso tinatanggihan niya lang ito. pinagmamasdan ko lang siya habang panay ang lapit ng mga estudyante sakanya napansin ko rin na may hawak hawak siya kulay pink na running shoes siguro ito yung tinutukoy niya na babagay sakin Nung umiba siya ng dereksyon ay agad niya akong nakita tsak niya ako tningnan ng masama na parang sinasabi niya sakin na alisin ko na siya sa ganung sitwasyon pero mapangloko ko lang siyang tinitingan. Alam kong naiirita na siya sa ginagawa ng mga estudyante sakanya. Ayaw na ayaw niya kasi yung pinagkakaguluhan siya ng mga tao o maraming tao na nasa paligid niya. Ilang minuto pang pinalipas ko bago ako pumasok sa eksena "Excuse me po. Tapos na po ang fansigning na nagaganap. Kailangan niya na pong umalis" sigaw ko sabay hawak ng braso ni Enzo May naririnig akong reklamo ng ibang estudyante na hindi pa nakakapagpapicture o hindi pa nakakuha nga autograph ni Enzo dito "Bakit ngayon mo lang ako kinuha?" pasimpleng bulong niya sakin "Sarap mo kasing tingnan" nakangiti ko pang sabi "Tsssk. Tara na nga. Bayaran na lang natin ito para makaalis na tayo sa lugar na to." Nauna na siyang pumunta sa cashier tsaka siya na mismo ang nag bayad ng sapatos. Paglabas namin sa store pati narin sa mall ay mayroon ng guards na umalalay samin dahil mas dumadami na yung mga taong nakakakilala kay Enzo. Na hirapan na nga kami sa paglakad dahil sa sobrang dami na ng tao. Habang papalabas kami ay mahigpit kaming magkahawak kamay ni Enzo. Tumingala ako sakanya at nakita ko kung gaano siya nahihirapan dahil sa siksikan idagdag niyo pa na siya na yung parang nagproprotekta sakin sa tulakan ng ibang tao Nung nakarating na kami ng carpark ay pinagbuksan niya muna ako ng pinto bago siya nag madaling tumakbo papunta sa drivers seat. "Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong niya nung nakapasok na siya ng kotse Tumango lang ako sakanya "ikaw ayos ka lang ba?? Pasensya ka na ah. Kung hindi sana kita inayang lumabas hindi ka na sana pagkakaguluhan ng ganito" "Hindi mo naman kasalanan yun" "Pasensya ka na talaga Enzo" sincere nag paghingi ko ng patawad sakanya "Wala yun ano ka ba. Hindi mo naman alam na ganun ang mangyayari" ginulo pa niya muna yung buhok ko bago niya pinaandar ang kotse niya ~ ~ ~ "Enzo bakit hindi mo pinatuloy ang pagiging model mo?"pagsira ko sa katahimikan na namamagitan saming dalawa sa gitna ng biyahe pauwi "Alam mo namang ayaw ko mg atensyon hindi ba?? Tsaka gusto kong matupad ang pangarap kong maging doktor ng mga bata" sagot niya habang nasa daan parin yung atensyon "at ayoko maging public yung buhay ko. Gusto kong mamuhay ng tahimik" "Pano kung si tita Nikki ulit yung nag bigay ng project sayo?" "Papayag ako kung si tita o kahit na sinong kabarkada nila dad ang mag bigay ng ganung project sakin. Dahil hindi ko kayang tumanggi sa tinuturi ko ng pangalawang pamilya" seryosong sabi niya ~ ~ ~*Enzo's Pov*~ ~ ~ Kasalukuyan akong nag aaral ngayon sa loob ng kwarto ko pero hindi ako makakapagfocus dahil panay ang tingin ko sa running shoes na binili ko kay Krystal kanina. Kaso nakalimutan niya itong kunin kanina dahil nag mamadali siyang bumaba sa kotse ko. Sinara ko ang librong binabasa ko dahil alam kong wala rin namang papasok sa utak ko kahit anong pilit ko itong aralin. Binuksan ko ang drawer ng study table ko at kinuha ang larawan na natutulog si Krystal. Hindi niya alam na may ganito akong larawan sakanya palihim ko kasi siya kinunan ng larawan nung nag papaturo siya sakin dahil malapit na yung exams namin sa panahonh yun Kahit BS Bio yung kinuha kong course ay pinag aaralan ko parin yung mga subjects niya para maturuan ko siya sa mga lessons niya na hindi niya naiintindihan. So ibig sabihin parang dalawa lang yung course na kinukuha ko ngayon. Ginagawa ko ang lahat nang ito dahil I love her. I love everything about her. Kahit nung bata pa kami alam kong siya na yung babae para sakin. Kaso I dont have the courage to confess my feelings para sakanya. Kaya naisipan kong maging bestfriend niya muna. Sa mga oras na hindi pa ako handa magtapat sakanya kailangan kong manatili sa tabi niya para tulungan siya hanggang sa panahon na sa tingin ko ay handa na ako mag tapat ng damdamin ko na matagal ko ng tinatago sakanya _______________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD