~ ~ ~*Dianne's Pov*~ ~ ~
"Well well well look who's here" pataray na sabi ni Anne
Sa lahat ng estudyante dito si Anne lang ang may lakas loob na kalabanin ako because she's a b*tch sorry for that word but that's the only word that suits her the best. Palibhasa may gusto siya kay Enzo kaso halata namang wala siyang pag asa sa bestfriend ko at kahit kailan hinding hindi ako papayag na siya ang maging girlfriend ng bestfriend ko
"Wag mong sirain ang umaga ko Anne" sabi ko with a cold tone. Wala pa kasi akong mood para makipaglaro sa b*tch na to
"Hahaha. Sa ganda kong to makakasira ng magandang umaga ng ibang tao right girls?" ngayon ko lang na kita na dala dala niya parin pala ang dalawa niyang mga alipores.
Tiningnan ko siya ulo hanggang paa tapos binalik ko sa panget niyang mukha
"Maganda?? Saan banda?"
Nanlaki ang mata niya pati narin yung butas ng kanyang ilong.
"Teh wag mong lakihan yang butas ng ilong mo dahil mas lalo ka lang pumapangit" tumayo na ako dahil nawalan na ako ng gana.
"Wag mo akong talikuran dahil kinakausap pa kita" sigaw niya sakin kaya naagaw niya ang lahat ng atensyon ng mga estudyante na nandito ngayon sa cafeteria
Napailing iling na nga lang ako "tsssk!! How pathetic" sabay talikod sakanya
"Sinong pathetic ha!"
Napahawak ako sa buhok ko dahil sa sakit nang pagkasabunot niya nito
"F*ck! ANNE BITAWAN MO YUNG BUHOK KO!!"
F*k ang sakit na talaga ng ulo ko. Naisipan ko na lang na madiin kong kinurot ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko.
"Ouuuch!!" marteng sabi niya sabay bitaw ng buhok ko mabilis ko siyang tiningnan ng masama.
"B*tch!!" sinabi ko muna bago ko siya pinagsasampal at hinablot ang panget niyang buhok "ikaw ang nag umpisa nito kaya ako na ang tatapos nitong palabas na gusto mong makita" nang gigil kong sabi
Marami ng estudyante na ang pumipigil samin kaso niisa samin ay ayaw mag papigil
~ ~ ~*Enzo's Pov*~ ~ ~
Basa
Lagay ng sagot
Basa
"Sir sir!" nahihingal sabi ng isang estudyante sa labas ng kwarto namin
"Yes Mr?? Alam mo bang bawal kayong pumunta dito?" sabi ni sir Espinosa sakanya
"Alam ko po yun pero sir kailangan ko pong papuntahin ngayon sa cafeteria si Enzo"
Huh?? Ako?? Ano naman ang gagawin ko dun?? Hindi naman ako gutom para pumunta dun
Nakikinig lang kaming lahat ng mga kaklase ko sa usapan nilang dalawa
"At ano naman ang kinalaman ni Mr Mariano dun?"
"Sina Dianne tsaka Anne po nag aaway ngayon dun at ayaw po nilang mag paawat pareho. Baka mag p*****n silang dalawa kung hindi pa sila maawat."
Bigla kong nabitawan ang ballpen na hinahawakan ko tsaka biglang tumayo "sir pwede ko po ba silang puntahan?" pag paalam ko
"Hindi ka pwedeng lumabas hanggat hindi ka pa tapos sa pag sagot ng test papers mo maliban na lang kung piliin mong mafail sa test na to ngayon"
Kinuha ko yung test paper tsaka ito pinasa kay sir at nag madaling lumabas ng room
Wala na akong pakialam kung mafail man ako sa test na yun ang importante sakin ngayon ay ang mailayo na si Krystal sa cafeteria na yun
Ano na naman bang gulo ito Krystal??
~ ~ ~
Nung nakatating na ako ng cafeteria ay sila kaagad ang nakita ko
Apat silang nag kakaguluhan ngayon. Uminit ang ulo ko dahil sa napansin kong pinagtutulungan pala nila Anne si Krystal. So bali tatlo sila ang nag tutulangan. Mas lalo kong binilisan ang pag lakad ko tsaka agad kong hinawakan ang bewang ni Krystal para mailayo ko siya sa tatlo. Kaso sobrang nag mamatigas parin siya
"Fl*rt sl*t!!! Akala mo kung sino ka na ha." Anne sa gitna ng pag aaway nila
Konting konti na lang talaga mapupuno na talaga ako kay Anne hindi ko gusto ang tabas ng dila nitong babae na to
"Ikaw tong b*tch. Kahit anong pag papacute mo kay Enzo hinding hindi ka niya papansin kahit na mag hubad ka pa sa harapan niya"
Isa pa tong babae na to.
"STTTOOOPPP!!" sigaw ko na nag patigil naman sa tatlo pero si Krystal ay nasa buhok parin ni Anne yung kamay niya "bitawan mo yan" sabi ko sakanya pero inirapan niya lang ako maya maya ay binitawan niya na ito kaso akala ko tapos na yung gulo yun pala may binabalak pa pala siyang sampalin si Anne mabuti na lang at mabilis kong naisalo yung kamay niya na sasampal kay Anne
"Sinabi kong tumigil ka na hindi ba?" matigas kong sabi sakanya at agad kong pinagsisihan na sinabi ko yun dahil nakita kong lumungkot ang mata niya na parang naluluha na. Nakita ko ring may mga galos siya sa braso tsaka sa mukha.
Tiningnan niya ako ng masama bago nag lakad palabas sa eksenang yun
G*g* ka Enzo bakit mo sinabi yun!! Dahil kung tutuusin si Krystal tong biktima
"Krystal!!!" pag tawag ko kaso hindi niya ako pinansin derecho lang siya sa paglakad
Nung tiningnan ko naman si Anne ay nag iinarte siya sa mga kasama niya "humanda ka sakin pag may masamang mangyayari kay Dianne" babala ko bago sinundan si Krystal na patuloy parin ang pag lalakad
"Krystal hintayin mo nga ako. Gamutin natin yang mga sugat mo" pero ni isang sagot ay wala akong may narinig mula sakanya
"Krystal!!"
Tumakbo na ako para maabutan ko siya dahil mabilis siyang pumasok sa kotse niya umupo ako sa passenger seat
"Krystal kausapin mo naman ako oh. Mag usap tayo"
"....."
Napahawak ako ng mahigpit sa aking seatbelt dahil binilisan niya ang pag mamaneho niya.
~ ~ ~
[Valdez's Residence]
Simula nung nakarating kami sa bahay nila ay hindi parin siya umiimik kahit nga nilalagyan ko ng gamot yung mga sugat tinitiis niya ang sakit. Mukhang ayaw niya talaga akong makausap
Pagkatapos kong gamutin yung mga sugat niya ay ipinatong ko ito sa mesa na katabi lang ng kama niya
"Look Krystal kung may kasalanan ako sayo sorry na. Kausapin mo naman ako hindi yung nananahimik ka lang jan. Kinakabahan na ako para sayo" tiningnan ko siya derecho sakanyang mga mata ganun din naman siya pero parang may tumusok sa puso ko nung nakita ko yung mata niyang namumula.
"Get out. I don't want to see you" sabay point ng pintuan
"Krystal wag ganito. Kausapin mo ko. Sabihin mo sakin yung maling ginawa ko para maayos na natin to."
"Just get out of here!! I hate you!! I hate you!!!" kumuha siya ng isang unan tsaka niya ito hinampas sa akin (--->> parang yung nasa multimedia)
Tahimik ko namang tinanggap yung mga hampas niya sakin dahil sa tingin ko tama lang na ilabas niya ang sama ng loob niya ngayon sakin
"I hate you. Akala ko kakampi kita? Bakit mo nasabi yun kanina?? Alam mo ba na ako yung nasaktan ha?? I hate you!!" panay yung pag hampas ng dibdib ko nung sinasabi niya yun. Narinig kong umiyak na si Krystal na naging dahilan ng paninikip ng dibdib ko dahil nakita ko na namang mahina si Krystal
G*g* ka talaga Enzo bakit mo nagawang paiyakin si Krystal. Mahigpit kong yinakap si Krystal kahit anong pilit niyang humiwalay sa yakap ko ay hindi ko parin siya binibitawan
"Sorry sorry. Im very sorry Krystal" tinap ko yung likuran niya para mapatahan ko siya kaso naramdaman kong pabilis na pabilis ang pag taas baba ng kanyang balikat at parang hinahabol niya ang kanyang hininga.
Nag aalala akong bumitaw sa pagyakap kay Krystal at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya
At tama nga yung hinala ko hinahabol niya nga yung hininga niya bumalik na naman yung hika niya
May hika si Krystal kahit nung bata pa kami bawal sakanya yung sobrang lungkot o yung sobrang saya dahil baka bumalik lang yung hika niya. At dahil sa sakit niya isa rin yun sa rason kung bakit ko gusto maging doktor
"Krystal please stop crying makakasama ito sayo. Try to calm your self first" sabi ko nakita kong tinry niya yun pero mukhang hindi umepekto sakanya at napansin ko na rin na namumutla na siya
"This is not good!" ibinuhat ko siya tsaka tumakbo palabas ng bahay nila. Pinahiga ko muna siya ng mabuti sa backseat ng kotse ako tumungo sa drivers seat
"Hold on Krystal!!"
Wag mo akong iwan