4

1698 Words
~ ~ ~*Dianne's Pov*~ ~ ~ Puti Yan ang unang una kong nakita pagmulat ko ng aking mga mata. Tiningnan ko kung sino ang nag mamayari ng kamay na ito na nakapatong sa kamay ko Bakit siya nandito? Nakayuko siyang natutulog sa upuan na malapit sa hinihigaan ko Nasa ospital na naman pala ako at may suot na naman akong oxygen mask para makahinga ako ng mabuti "Enzo!" Pag gising ko sakanya. Mabuti naman at mabilis lang siyang gisingin "Krystal kamusta yung pakiramdam mo?" Dahan dahan akong bumangon para makaupo agad namang tumayo si Enzo para maalalayan niya ako "Gusto kong umuwi" seryoso kong sabi sakanya Ayaw na ayaw ko kasi sa tuwing inaadmit ako sa ospital dahil ayaw ko yung amoy dito sa loob ng ospital at ayaw ko ring makita yung mga tao na nahihirapan dahil sa kanilang mga sakit "Krystal alam mo namang hindi pa pwedeng lumabas hanggang sa magiging magaling ka na ulit." "Magaling na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Tawagan mo na si tita Patricia sabihin mong uuwi na ako" Sigurado naman kasi ako na sa ospital nila niya ako dinala sa ospital lang naman nila ako pumupunta sa tuwing mag papacheck up ako o bumabalik na naman yung hika ko at si tita Patricia yung doktor ko "*sigh* alright I'll talk to my mom about your condition" ~ ~ ~ "Kung maikailangan ka itext o tawagan mo lang ako dahil nasa kabilang kwarto lang ako. Wag kang masyadong gumalaw dahil hindi kapa tuluyang gumaling." Enzo habang tinitingnan ang oxygen tank na makikita sa loob ng kwarto ko Dito sa bahay ngayon matutulog si Enzo natatakot kasi siya na baka sumama bigla ang pakiramdam ko pero uuwi naman siya bukas ng maaga dahil papasok pa siya ng EHU bukas "Okay" ~ ~ ~ [After 1 week] Kasabay kong naglalakad ngayon sa pagpasok si Enzo. Wala kaming dalang mga kotse dahil tinatamad kaming mag drive pareho ngayon kaya nag taxi na lang kami papunta ng EHU ngayon. Habang papasok na kami ng main gate ay may nakita akong mga BS Bio students na may dala dalang cage na may laman na mga puting daga Napangiti ako tsaka tumakbo papunta sakanila na hindi napapansin ni Enzo "Hi!! Pwede ba akong humingi ng isang daga niyo??" sabi ko habang nakangiti. Nag katitigan pa silang lahat na parang ayaw pa nila akong bigyan ngunit tinignan ko sila ng masama na ipinapahiwatig sakanila na kung ayaw nila akong bigyan ay tapos na ang tahimik nilang buhay dito sa EHU "Ah hehehe. Sige!" Sabi ng estudyante na may hawak ng cage kumuha siya ng isang daga tsaka inabot ito sakin "Salamat" sabi ko tsaka tumakbo na pabalik kay Enzo Nung nakita ko si Enzo ay tumakbo pa ako ng mas mabilis pa tsaka huminto sa unahan niya kaya napahinto na rin siya at tiningnan niya ako na nakakunot ang kanyang noo "Enzo maraming maraming salamat talaga sa pagbantay mo sakin nung nagkasakit ako" pag arte ko hindi niya pa nakikita ang hawak kong daga dahil nilagay ko ang kamay ko sa aking likuran "Wala yun. Ano ka ba?? Ako nga yung naging dahilan kung bakit ka hinika" "Kaya naman may gusto akong ibigay sayo para makabawi man lang ako sa ginawa mo" Nakita kong kumislapkislap ang mga mata niya at parang na excite siyang malaman kung ano ang ibibigay ko sakanya "Para sayo" nakangiti kong sabi tsaka ipinakita sakanya ang puting daga na hawak ko 0__0 "Sh*t Krystal ilayo mo sakin yan!!!" Sa halip na ilayo ko ito sakanya ay mas lalo kong nilapit sa mukha niya ang daga. Hahaha!! Nakakatawa kasi yung mukha niya ngayon. Sobrang natatakot kasi siya sa mga daga ka lalaking tao takot na takot naman sa daga. "Krystal ano ba!!" Hinawakan niya pa yung kamay ko na may hawak sa daga pero pinipilit ko parin itong lapitin sa mukha niya Kawawa na nga yung daga eh. Parang mamatay na sa kung pano ko siya hawakan ngayon. Pero pasensya na talaga sa daga na to kung ma mamatay na siya ngayon. Ang epik kasi talaga ng mukha ni Enzo kapag makakakita siya ng daga. "Arrrgghh!!!Krystal waaag!!!" Nainis niyang sabi pero patuloy parin ako sa pagtawa sa reaksyon niya ngayon. Yung parang ba na nakakakita ng multo tsaka idagdag niyo pa na nandidiri talaga siya sa tuwing makakita siya ng daga "Ano ba Enzo sanayin mo na ang sarili mong makakita o makahawak ng daga. Pano ka na lang kung ang thesis mo ay tungkol sa mga daga ha?? Edi failure kana kaagad. Goodbye dreams ka na!" sabi ko sabay lapit ng daga pero iniiwas niya parin yung mukha niya "Wala akong pakealam. Tsaka matagal pa yung thesis thesis na yan!! Krystal tigilan mo na nga ako!" "Say hi to Enzo sweety" itinutok ko na talaga yung daga sa mata niya "Arrrgghh!! Nakakainis ka naman Krystal eh. Jan ka na nga!!" tsaka tumakbo na siya palayo sakin "Hahaha. Enzo wait!!" Pag habol ko naman ~ ~ ~ "Okay class mag aral na kayo ng mabuti para sa nalalapit niyong prelim exam. Remember 50% of your grade is from your written exam kaya hindi niyo pwedeng basta bastahin lang ang mga exams niyo. That's all for today you may go now" Hay nako!! Exams na naman?? Kakaumpisa pa lang ng classes eh. Ayaw ko pa namang mag aral. >_> silang dalawa po yung nasa gif) "Krystal nakikinig ka ba?" "*pout* Gab pwede bang mag break muna tayo. Mag iisang oras na tayo dito tsaka simula kanina hindi pa ako nakakain" parang bata kong sumbong sakanya tsaka hinawakan ko pa talaga yung tyan ko. Totoo naman kasi na wala pa akong kain simula kanina at nararamdaman ko na na parang nag wawala na tong mga alaga ka Sinara niya muna yung libro ko bago nag salita "sige hanggang dito na lang tayo. Pag aralan mo yung mga pages na finold ko. Bibigyan kita ng quiz sa sabado. Kapag naka pass ka susundin ko ang lahat ng gusto" "아 싸!! Hihi. Okay ^---^ kitakits sa sabado." Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko. "Byeee!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD