~ ~ ~*Dianne's Pov*~ ~ ~
Nag lalakad ako ngayon papunta sa main gate ng EHU. Napagusapan kasi namin ni Enzo na sabay kaming uuwi ngayon dahil sa bahay siya namin matutulog dahil wala si mommy tsaka si daddy ngayon. Meron kasi silang business trip. Medjo late na nga ako dahil late kami pinauwi ng socio teacher ko >_
Nagkasalubong agad ang dalawang kilay ko nung nakita ko siya.
Aba!! Himala atang nakangiti siya ngayon??
Palibahasa maraming babae ang lumalapit sakanya para magpapicture >_"Kyaaah!! Ang gwapo niya talaga!!"
"omg!! Pwede na ako mamatay"
Rinig ko sa dalawang estudyante na nakasalubong ko habang tinitingnan yung mga phones nila
Pssh!! Gwapo??
Gwapo ba yung tawag mo sakanya?? Eh may gatas pa yun sa labi eh at hindi nga yan marunong manligaw ng babae.
"Tabi tabi!!" Sigaw ko tsaka tinulak yung mga babae na humaharang sa dinadaanan ko
"Anubayan?"
"Hindi na pala uso yung salitang excuse ngayon?"
Narinig kong sabi ng mga babae na naitulak ko. Tiningnan ko lang sila tsaka pinagtaasan ng kilay nag crossed arms pa ako dahil nanlaban sila sa sukatan ng tingin sakin
Tssk!! Sinong tinatakot nila??
Gusto ba nila ng gulo?? Sige pag bibigyan ko sila hanggang sa lumuhod sila sa harapan ko
"Not now Krystal!" bulong sakin ni Enzo na nakahawak na pala sa balikat ko
"Hindi ako ang dapat mong pigilan Enzo. Yang mga mukhang clown ang sabihan mo ng ganyan" sabi ko habang nakatingin parin ako sakanila
"Uhmm. Sorry girls but we have to go!!"
"Kyaaaaahhh!!! Ang gwapo mo talaga Enzo!!"
"Gosh!! Marry me Enzo!!"
pagwawala ng kababihan dito. Ngayon lang ba nila nakita si Enzo na ngumiti?? Ang OA ha!! Sarap nilang sabunutan eh. Idagdag mo pa yung mga banding na nandito. Ang lalandi!!
"Let's go!" sabi niya tsaka sapilitan niya akong pinaalis sa eksenang yun
"Bakit ganun?? Ang aarte ng mga babae ngayon?? Ngayon lang ba sila ng lalaki sa buong buhay nila.?" naiinis kong sabi. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis talaga ako sa tuwing naalala ko ang nangyari kanikanina lang.
"Magkakaganun talaga sila dahil gwapo ako idagdag mo pa na matalino ako" cool ang pagkasabi niya nun tsaka nilagay niya pa yung dalawang kamay niya sa loob ng kanyang bulsa
Napahinto nga ako sa paglakad tsaka tumayo sa harapan niya na ikinagulat niya "gwapo? Saan banda?" hinawakan ko ang pisngi niya tsaka inilapit ito sakin. Sapilitan ko pa siyang pinatingin sa kaliwa't kanan yung parang sinusuri talaga yung mukha niya tapos pinaharap ko siya ulit "hindi naman" ang huli ko sinabi bago ko binitawan ang mukha niya tsaka nag lakad ulit
Lakad
Lakad
Lakad
"Ay nga pala!! Enzo gusto mong maglaro tayo ng tekken mamaya?" biglang naalala ko kaso pag lingon ko ay wala akong Enzo na nakita. Tingnan ko yung paligid kaso wala talaga siya. Binalikan ko ang kung saan ko siya huling nakita at hindi nga ako nagkamali na bumalik ako dun dahil nakita ko siya na pinagkakaguluhan ng mga babae at bakla
Aisssh!! Ano ba yan!! >_kahit ano na lang yung pangalan?" sarcastic kong tanong sakanya
Huminto siya sakin tsaka tiningnan niya ako ng masama. Opppsss!! Wrong move ata ako dun.
"Okay okay hindi na kita iistorbuhin jan labas lang muna ako"
~ ~ ~
"Krystal halika na nga dito. Ni isang page wala ka pang may nabasa. Ilagay mo na yan sa gilid"
Oh hindi ba?? Parang nagiging tatay ko na si Enzo sa tuwing nag aaral kami. Pinagbigyan niya kasi akong mag break muna sa pag aaral pinayagan niya akong mag laro ng PSP ko
Hindi ko siya pinansin focus na focus lang ako sa nilalaro ko. Malapit na kasi akong mag level up ilang araw ko na kasi ito nilalaro kaso ang hirap talaga lumevel up ~_~
"Krystal tapusin mo na yan" naramdaman ko na nasa tabi ko na siya nakatayo.
Tiningnan ko siya tsaka :p (--->> nasa gilid po yung ginawa ni Krystal at yung reaksyon ni Enzo)
"Aiiisssh! Hay nako Krystal jan ka na nga" at padabog niyang kinuha ang mga libro niya tsaka malakas sinara yung pinto na ikinagulat ko
May mali ba akong ginawa? Mali ba yung ginawa ko to? Tsaka ko inulit ang ginawa ko kanina :p
Hindi naman ah?? Napailing na lang ako tsaka pinatuloy na ang pag laro ko ng PSP kaso naitapon ko na lang yung PSP ko
"Aiishh!! Ano ba yung nagawa ko sakanya??" nagulo ko pa yung buhok ko. Ngayon ko lang kasi nakitang ganun si Enzo baka nagalit talaga
Inayos ko muna ulit yung buhok ko bago tumayo tsaka lumakad palabas. Gusto ko kasi makausap si Enzo baka may nagawa talaga ako sakanya na hindi niya nagustuhan.
Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko rin siy na papalabas rin ng kwarto niya. Nagkatitigan lang kaming dalawa ni isa samin ay hindi nagsalita
"Ah Enzo may pupuntahan ka?" Pag umpisa ko. Tumango lang siya kasabay nun ay ang pag close niya ng door ng kanyang kwarto
"Saan?"
"Sa labas may imemeet lang" cold na pag sagot niya. Galit ata talaga
"Sa ganitong oras?" gulat na tanong ko. Sino bang matinong tao na mag memeet sa ganitong oras?? Hello!!! 1:00am na kaya
"Oo." sabi niya bago nag lakad
"Wait sasama ako!!" sigaw ko bago pumasok ulit ng kwarto ko tsaka mabilisang kinuha ang havaianas na tsinelas ko tsaka sinuot ang manipis na jacket
Paglabas ko ulit ng kwarto ko ay wala na siya kaya tumakbo na ako palabas ng bahay. Medjo hindi pa naman siya malayo sakin kaya tumakbo na talaga ako para makasabay ko siya sa paglakad.
"Tumakbo ka na naman?? Baka hikain ka na naman yan mamaya" sabi niya nung nasa tabi niya na ako
"Ah hehehe. Ang bilis mo kasing maglakad"
"Hindi kaya. Siguro sadyang maliit lang yang hakbang mo kaya hindi mo kayang masabayan ang mga hakbang ko"
Teka?? Iniinis ba ako ng lalaking to?? Ipinapahiwatig niya ba sakin na pandak ako??
Tsssk!! Hindi kaya ako pandak. 5'5 kaya yung height ko!!
Chill Krystal hayaan mo muna si Enzo ngayon dahil nireregla lang siya kaya yan masungit
Tahimik lang kaming nag lalakad sa gitna ng malamig na gabing to. Ang nipis pa naman netong nakuha kong jacket at nakashort pa naman ako. Kailan pa lumamig ang Pilipinas?? Bakit hindi na naman ako naiinform??
Huminto lang siya sa paglalakad nung nasa park na kami
"Kuya!!" Pagtawag niya sa lalaking nakatalikod samin.
Kuya??? Omo!!! May kuya si Enzo?? Bakit hindi ko alam ang tungkol dito??
Sa oras na nilingon niya na kami ay bigla na lang ako napanganga
As in napanganga talaga ako parang nag slowmotion ang lahat na nasa paligid ko ngayon
Tao ba talaga siya??
Sheeett!! Ang gwapo niya!!
Matangkad,matangos ang ilong, chinito. Sakanya na ang lahat!! Idagdag niyo pa na mas pumopogi siya dahil sa ngiti niya
Hindi kaya fallen angel siya?
____________