12

2176 Words
~ ~ ~ *Dianne's Pov* ~ ~ ~ "Hi ate. Pwede ba kitang tabihan" nakangiting paalam ni Ella sakin "Okay. Sainyo naman ito eh" sabi ko na hindi nakatingin sakanya Kasalukuyan akong nakaupo sa swing na makikita sa garden ng bahay nila "Bakit ka po nag iisa dito sa labas?" "Wala lang para makapag isip isip tsaka ang ingay doon sa loob" matapos kasi ng kainan ay lumabas na ako kaagad para makaiwas gulo. Umiinit parin kasi yung dugo ko sa tuwing nakikita ko ang babae na yun idagdag niyo pa na panay ang puri sakanya ng lahat kaya ang bakla hindi maalis yung ngiti niya sa mukha. Grrrr > _ Akala mo kung sinong maganda "Ate you know what I hate that girl" Bigla ako napatingin sakanya "what do you mean?" nag tataka kong tanong "Yung babaeng dala ni kuya. What's her name again?" "Lovely" maikling sagot ko "Yeah right Lovely" "What about her?" bakit ang ikli niyang mag salita?? Hindi ba pwedeng dagdagan niya naman ng ilang sentence pa yung sasabihin niya?? "I may be rude but I don't like her for my kuya" aba may karamay na pala ako dito "Bakit naman? Maganda, mabait at mukhang ka galang galang naman siya" Lord sana patawarin niyo po ako. Promise last na to. Alam ko namang honesty is the best policy eh. "Ate is that you?? First time ko lang ata narinig na may pinuri kang isang tao" "Pssh!" "Anyway mabalik tayo sa usapan. I dont like her. She's plastic. I know na ginagamit niya lang yung kuya ko for her to be famous. Let' say na parang ginagawa niya lang steping stone ang kuya ko." Ngayon ko lang nalaman na meron palang ganitong side si Ella "Kung ayaw mo pala sakanya why don't you stop him.?" "Kung kaya ko edi sana matagal ko nang ginawa yun pero hindi eh" "Why not?? Kapatid ka niya and as far as I know Enzo loves you so much. I think gagawin niya yun para sayo" "*sigh* yun nga po ate eh. Kapatid niya lang po ako" may naririnig akong lungkot sa boses niya "sana ikaw na lang po yung niligawan ng kuya ko. Edi sana masaya na ang lahat. Edi sana ngumingiti ang kuya ko ngayon" May sinabi siya sa bandang huli pero hindi ko rin naman yun maintindihan kaya hindi ko na inintindi yun "Nag papatawa ka ba Ella?? Ako liligawan ni Enzo? Kahit na mag snow pa dito sa Pilipinas ay hinding hindi mangyayari yun" "Pano nga kung manligaw si kuya sayo?" "Edi tapos na ang mundo sa kakabangayan namin" "Ate naman eh. Seryoso to" "Ella pano kita seseryosohin kung ang tinatanong mo naman sakin ay isang malaking JOKE?" "*sigh* Pano ko ba sasabihin sakanya na mahal siya ng kuya ko?" may binubulong siya sakanyang sarili na hindi ko talaga mainitindihan "May sinabi ka Ella?" "Wala po ate. Tara pumasok na po tayo sa bahay may ibibigay po akong pasalubong sayo" Nauna siyang tumayo kaya sumunod na rin ako sakanya kaagad ~ ~ ~ Mabilis lumipas ang araw at ngayong araw na kami mag peperform ni Vicky. Hindi ko sinabi kila dad na mag sasayaw ako ngayon dahil kung malaman niya ay baka papuntahin niya yung lahat ng employees namin para mapanuod lang nila ako. First time ko kaya sumayaw sa harap ng maraming tao. "Teka teka. Bakit suot mo parin yang glasses mo?? Nasaan na yung contact lense na binili ko?" nasa waiting room na kami ni Vicky ngayon para makapag handa ng aming sarili. Ang ganda na sana ng costume namin sinira lang ng glasses niya. Full package kaya ang ibinigay ko kay Vicky tapos sinisira lang ng glasses niya ang effort na ibinigay ko. "Hindi parin kasi ako komportable suotin yun." "Tiisin mo. Pagkatapos ng sayaw alisin mo kaagad kahit na itapon mo pa yan wala akong pake basta hubarin mo yang glasses mo ngayon din!!" Agad niya namang hinubad yung glasses niya tsaka may kinuha sa loob ng bag niya. Maya maya pagkatapos niya yun isuot ay may pumasok na isang student assistant sabay sabing "Your next kailangan niyo nang lumabas" Tiningnan ko muna ang sarili ko bago kumabas ng waiting room. Nung nasa backstage na ako ay doon na ako nakaramdam nang nerbyos. Parang doon na lang pumasok sa isipan ko na ngayon na talaga ako sasayaw at ang isang nerd pa talaga ang kasama ko. Pero infairness gumanda si Vicky pagkatapos ko siyang ayusan. Sa wakas ay nag mukhang tao na sita "Break a leg" sabi ko sabay tap ng balikat ni Vicky bago pumunta ng stage Bigla namang tumahimik ang buong paligid nung nasa gitna na kaming dalawa. Nag katitigan kami ng ilang saglit ni Vicky tsaka sumenyas sa operator na istart na ang music. (- - - - - ▶ ▶ ▶ ▶ ▶ Play Video) Pagkatapos ng sayaw ay derecho alis na kami kaagad ng stage. Simula pa lang kasi nung mag practice kami ni Vicky ay napagkasunduan naming dalawa na hindi kami tatagal sa stage dahil gusto naming matapos kaagad tsaka first time din naming pareho sumayaw sa harap ng maraming tao kaya nahihiya kami. Nung nakabalik na kami ng waiting room ay nakita ko sa salamin na nakangiti kami pareho ni Vicky "Nagawa natin Dianne" nakangiting sabi niya. Nginitian ko rin siya bilang sagot Nung nakaperfom na ang lahat ay bumalik kami ulit sa stage para iannounce ang winner. Contest pala to?? Sabi ko na lang sa sarili ko nung nasa gitna na kami ng stage lahat. "guys I am so proud of you. Hindi ko akalaing may tinatago pala kayong talento" nagsitawanan ang lahat sa sinabi ni ma'am maliban sakin dahil maganda ako (anong konekt??) "Nasabi ko sainyo na nakasalalay dito ang grades niyo hindi ba??" "Yes!" students "So far na impress kami sa lahat ng ginawa niyo kaya napagkasunduan naming lahat ng mga judges dito na pipili kami ng isang grupo na mag peperform sa university week natin next month" naexcite ang lahat ng estudyante nung sinabi yun ni ma'am "At ang napili namin ay sobrang nagulat kami sa ginawa nila. Hindi namin inakala na ganun pala sila kagaling sa larangan ng pag sasayaw. So we choose Vicky and Dianne to perform for our university week next month as the representative of our department" isang masigabong palakpakan ang kasunod na narinig ko pagkatapos niya yun inannounce ㅇㅅㅇ What??? No way!! Over my dead gorgeous body hinding hindi ako papayag ~ ~ ~ "Ma'am hindi kami papayag sa gusto niyo" reklamo ko "Oo nga po ma'am" Vicky pareho naming ayaw ulitin yun no!! Pagkatapos ng announcement ay pinuntahan namin kaagad ang guro namin para pag sabihan na ayaw naming gawin yun. "And as far as I remember hindi contest ang pinasukan namin" Tumango tango lang si Vicky. "Sorry girls but we already made our decision and we will give you plus points in your final grades" "We don't need that points. So just pick another group to perform because we won't do it" with my cold tone. Naiinis na ako sa babaeng to. Kapag hindi pa talaga siya titigil sa kakapilit samin ay baka kung ano pa ang magawa ko sa babaeng to. "Okay hahanap kami ng bagong papalit sainyo pero ifafail ko kayong dalawa sainyong final grade" ㅇㅅㅇ reaksyon ni Vicky "Sure ngunit nakalimutan mo ba kung anong kaya kong gawin sa trabaho mo?. Ikaw na ang mag desisyon. Mag hahanap ka ng kapalit namin ng tahimik o mag gogoodbye ka na sa mga estudyante at katrabaho mo? As simple as that ma'am" sabi ko with a smirk "let's go Vicky" Narinig kong humingi pa ng patawad si Vicky kay ma'am bago sumunod sakin ㅇㅅㅇ "Kuya?" sabi ko nasa harap namin ngayon. si Kuya na nakatayo habang may dalang dalawang boquet of roses "Congrats sainyong dalawa. Ang galing niyo palang sumayaw pareho" sabi ni Kuya habang inaabot samin ang mga roses "Salamat po" Vicky "Welcome. So saan ang lakad niyo?" "Uuwi na po ako" biglang sabi ni Vicky "Teka wag muna. Sumama ka saming mag dinner icecelebrate lang natin ang panalo niyo "Wag na po. Kayo na lang.." Hindi ko na pinatapos ang dapat sabihin ni Vicky nung nag salita ko "sumama ka na Vicky libre naman ni kuya" "Nakakahiya Dianne" bulong niya sakin Umiling lang ako sakanya sabay hila "saan tayo kakain?" "Sa kotse na lang tayo mag desisyon kung saan tayo kakain" "Okay that's a great idea" Palabas na kami ng hall kung saan kami sumayaw nang biglang inagaw ni Alex ang atensyon ko dahil sa pag sigaw niya "ENZO!!" Nandito si Enzo? Nanuod ba siya ng sayaw ko? Palihim ko siyang hinanap. Sa pagkakaalam ko kasi hindi ko naikwento sakanya ang tungkol sa pag sasayaw ko dahil sigurado naman ako na aasarin niya lang ako. Kung nandito siya pano niya nalaman? Sino ang nag sabi sakanya?? Nakita ko siya palabas rin ng hall. Nung tinawag ulit siya ni Alex ay dun lang siya lumingon saamin. Napatitig siya sakin pero agad niya naman yun nilayo sabay ngiti kay Alex PLASTIC!! "Saan ka pupunta?" tanong ni Alex nung makalapit na kami sakanya "Sa library kuya napatadaan lang ako dito dahil usap usapan sa campus na meron daw activity dito kaso mukhang tapos na" "Kumain ka na ba Enzo?" nakita ko siyang umiling "tamang tama mag lulunch kami nila Krystal" pagkabanggit ni Alex ng pangalan ko ay lumingon sakin si Enzo "why don't you join us" Ilang segundo kaming nag katitigan na para bang nag uusap ang aming mga mata ngunit siya ulit yung unang umiwas "No im fine kuya. Kayo na lang po marami pa kasi akong dapat aralin" with a fake smile in his face "Ganun ba sayang naman." "Next time na lang kuya. Mauna na po ako. Enjoy your lunch" tumingin muna siya sakin bago lumabas ng hall Enzo ano ba talaga ang problema natin?? Bakit tayo nahantong sa ganitong sitwasyon?? Bakit parang iniiwasan mo ako?? Napahawak ako sa aking dibdib. Bigla atang sumikip ang dibdib ko Kailangan kong makausap si Enzo ~ ~ ~ "Good evening ma'am Dianne" bati sakin ng mga katulong nila Enzo nung makapasok ako ng bahay nila "Nasaan si Enzo?" cold na tanong ko "Wala po siya dito ma'am lumabas po kasama si ma'am Lovely" "Saan sila pumunta?" "Hindi ko po alam" "Pssh" lumabas na lang ako ng bahay nila dahil wala rin namang silbi kung mananatili pa ako dun dahil wala rin naman si Enzo Anong oras na at lumabas pa talaga silang dalawa. Ganun ba kung mag date ang dalawang yun? ? Sa gabi lang naisipang mag kita? Kinuha ko yung phone ko tsaka agad tinawagan si Enzo "Hello?" "Na saan ka?" "Nandito sa bahay bakit?" "Wag mo nga akong lokohin Enzo nasa harap ako ng bahay mo ngayon. Na saan ka?" "Anong ginagawa mo jan? Pauwi na ako" "Ikaw ang pasya ko. Kailangan nating mag usap" "Tungkol naman saan?" "Basta. Mamaya ko na sasabihin sayo pag dating mo dito" 20 minutes bago ko nakita habang sakay ng motor niya si Enzo. Nasa labas ako ng gate nila nag hintay. "Bakit hindi ka pumasok?" tanong ni Enzo nung nakababa na siya ng kanyang motor "Nag motor ka na naman?" galit na sabi ko sakanya "Ano pa ba ang gagamitin ko?" habang nag lalakad derecho papunta sakanilang gate na pagkatapos ay binuksan niya ito na hindi man lang niya ako binati "Are you avoiding me?" seryosong sabi ko lumingon siya sakin. Hindi siya nag salita tinitigan niya lang ako. Mga itig na kaninang umaga niya pa binibigay sakin. Yung mga titig na parang may gusto siyang sabihin sakin na hindi niya masabi "Why are you doing this Enzo? Parang hindi na ikaw yung Enzo na kababata ko" Unti unti akong napaatras nang mga salitang binitawan niya "Yes Krystal I'm avoiding you. Ayaw kong malaman pa ni Lovely na malapit parin tayo sa isa't isa. Ayaw kong masira ang relasyon na meron kami ngayon" "Ibig sabihin kaya ka lumalayo sakin netong nakaraang araw dahil kay Lovely?? At handa mong isacrifice ang pagkakaibigan natin para lang sa pesteng relasyon niyo? Ganun ba Enzo?" mahinang sabi ko "Oo kaya Krystal nag mamakaawa ako tulungan mo ako. Kahit na mag kasalubong tayo sa daan wag mo akong pansinin. Gawin mo yung ginagawa mo na parang hindi mo ako nakita" "Gusto mong mag kunwari akong hindi kita kilala?" nakita ko siyang tumango. Napailing naman ako tsaka napahawak sa ulo ko "Unbelievable!! Pinagpalit mo ako sa babaeng yun? Tsk! Fine kung yun ang gusto mo. Ito ang tandaan mo ito na yung huling pagkakataon na mag usap tayo. Mag sama kayo!! Traitor!!" Sabi ko tsaka agad lumakad papunta sa kotse ko at pinaandar ito ng mabilis F*ck Sh*t "Arrrrrggghhhh" ~ ~ ~ *Enzo's Pov* ~ ~ ~ Ganyan nga Krystal magalit ka sakin hanggang sa gusto mo na akong patayin. Para sa ganun masasanay kana na wala ako sa tabi mo at para maihanda ko na rin ang sarili ko sa oras na meron ka ng minamahal __________ Vote. Comment. Share. BeAFan ♡♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD