18. Future

1164 Words
AFTER 4 YEARS Isa-isa kong tinignan ang mga papeles na binigay sa akin ni Ethan. Mga listahan ng mga wanted na gifteds. Ito ang mga magsisilbing missions ng mga estudyante ko. Nandito ako sa opisina niya para kunin ang mga ito. "As always, thank you for the information Ethan." Sambit ko. "Oh, come on. Yan na lang ang mababawi namin sayo sa mga ginagawa mo para sa amin at sa mga academy." Sagot niya. "Dapat pa nga akong humingi ng pasensya dahil ikaw pa ang kaylangang pumunta rito sa Nocturne Academy." Dagdag nito. Napabuntong hininga ako bago ilagay ang mga papeles sa envelope. Sa lahat ng mga Portugal na nakilala ko ay si Ethan ang pinaka humble. Siya rin ang pinaka naging kamukha ni Evan sa panahon ko. "Well then, aalis na'ko." Pagpapaalam ko. Hindi pa'ko nakakatayo ay may pahabol na sambit ang lalaking kasama ko. "W-Wait Helena." Pagpigil niya. Tinapunan ko siya ng tingin habang may kinukuha siya sa ilalim ng lamesa niya. Kumunot ang noo ko nang makitang isang regalo ito. Nakangiti niya itong inabot sa akin. "For you." Sambit niya. Tinignan ko siya na para bang may mali sa ginawa niya. "For what?" Marahang tanong ko. Mapait na napangiti si Ethan. "You're a part of our family, you know? Pero ni isang beses mula nang magkaisip ako ay hindi kita nakikitang mag celebrate ng kaarawan mo. Hindi ka na nasanay, kada taon kitang binibigyan ng regalo. Iba't ibang araw, dahil hindi ko alam kung kailan ang kaarawan mo." Pagpapaliwanag niya sa akin. Npasinghap ako. Ang huling beses na nagdiwang ako ng kaarawan ko ay may mga taong nawala sa akin. Yun na rin ang huling beses na dumagdag ang edad ko. Matapos nun ay hindi na'ko tumanda pa. Anong silbi ng pag-celebrate pa ng kaarawan ko? Inabot ko ang regalong binigay niya sa akin. "Thank you." Tipid na sagot ko. "You're welcome. Sana dumating ang araw na sabay-sabay nating icelebrate ang birthday mo." Nakangiting sambit ni Ethan. For a moment I think I saw Evan. Lumabas ako ng opisina ni Ethan at naglakad papalabas sa academy. Saktong paglabas ko ay bumungad sa akin ang mga batang nagtatakbuhan. "Hey wait!-" Natigilan ang batang babae sa paghabol sa kasama niya nang mapunta ang tingin niya sa akin. "Wah!!! Helena!" Masiglang sambit ni Xilah. Napasinghap ako sa sarili ko. Kung kailang uwing-uwi na'ko at gusto ko ng makainom ng tsaa ay may sakit sa ulo pang sumagabal. "What are you doing here?" Marahang tanong niya sa akin. Walang gana ko siyang tinapunan ng tingin. "Ikaw, anong ginagawa mo rito? Hindi pwedeng maglaro ang mga bata sa academy." Walang ganang sambit ko. Sumimangot sa sinabi ko si Xilah. Sunod kong tinapunan ng tingin ang batang lalaking hinahabol niya. Tila natigilan ako nang makilala ito. "Oh, Zail. What are you doing here?" Tanong ko. Si Xilah ang sumagot sa sinabi ko. " We are playing!" Masiglang sambit niya. That doesn't look like it. Hinahabol niya si Zail para makipaglaro sa kaniya. "Tsk. You're already 9, Xilah. Stop playing with a 4 year old." Walang kaemo-emosyong sambit ko. "Hmp! Eh ayaw mo namang makipaglaro sa akin!" "U-Uhm. Its fine, Principal Helena." Mahinang kumento ni Zail. Muli ko siyang tinignan. He might not look like it but I'm sure that he'll be on the top in his generation. At the age of four, Zail had already awakened his gift. Ang balita ko ay bigla-bigla na lamang siyang nawawala at sumusulpot sa kung saan. As of now, he's the youngest gifted I know. "Zail!" Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses. Pare-parehong kaming napatingin sa babaeng tumawag kay Zail. Kahit na may anak na siya ay hindi pa rin talaga kumukupas ang ganda niya. Lalo na ngayon na kapansin-pansin din ang nakaumbok niyang tyan. Its Zail's mom, Cresza. "Ma!" Masiglang sambit ni Zail habang tumatakbo papunta sa ina niya. Doon ko napansin na may puting lobo na sumunod kay Cresza. Her familiar, Delilah. Mabilis din akong napansin ni Cresza. Agad niya kong nginitian at kinawayan. "Woah, Helena. Nandito ka pala." Nakangiting bati sa akin niya sa akin. Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. "Yeah, may dinaanan lang." Napunta ang tingin ko sa tyan niya. Agad naman itong napansin ni Cresza. "Oh, its your first time seeing her right?" Sambit sa akin ng babaeng kaharap ko habang hawak-hawak ang tyan niya. "Its our baby girl, Cleofa." Dagdag nito. Napangiti ako sa sinabi niya. Balak ko sanang magsalita nang matigilan ako. Naglaho ang ngiti ko sa labi nang may pumasok sa isip ko. Dahil siguro na kapwa ko heiress ni Cronus si Cresza ay nakita ko ang buong hinaharap niya. Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko at ang pagkirot ng puso ko. "Helena?" Tila natauhan ako nang hawakan ako ni Cresza. Muli akong bumalik sa kasalukuyan. "Okay ka lang?" Marahang tanong niya sa akin. Hindi ko pa nagagawang makasagot ay mukhang nabasa na ng babaeng kaharap ko ang ekspresyon ko. She knew that I can see a glimpse of the future. Little did she know, I already saw her future. Every part of it. "O-Oh. Mukhang hindi maganda ang nakita mo ah." Pilit na ngiting sambit sa akin ni Cresza. Nag-aalala akong tumingin sa kanya. Pero hindi ko pa nagagawang makasagot ay mabilis niya kong naunahan na para bang alam na niya kung ano ang nakita ko. "Don't worry. Everything is going to be fine. Kung ano man ang nakita mo, sinisisgurado ko sa'yong wala akong pinagsisihan sa mga ginawa ko." Nakangiting sambit niya sa akin. Hindi ako nakareact sa sinabi niya. Tanging pagkagat na lamang sa ibabang labi ang nagawa ko. Muli kong tinapunan ng tingin si Zail. As Cresza's friend. I will not let anything happen to her children. I promise that when the time comes and they needed my help. I'm willing to give them my time. "Oh sya, mauuna na kami Principal. Its nice seeing you again." Nakangiting pagpapalam sa akin ni Cresza. Kumayaw ito papaalis sa akin pati na rin si Zail na nakasakay kay Delilah. "Hey Helena. Anong pinagsasabi ninyo?" Biglaang tanong ng batang katabi ko. Hindi ko namalayan na nandito pa pala ang sakit sa ulo na si Xilah. Napaismid ako sa tanong niya at hindi ko siya sinagot. Kumunot ang noo nito sa inakto ko. Bago niya magawang makapagsalita ulit ay may tumawag sa kanya. "Xilah!" Sambit ng isang babae. Lumiwanag ang ekspresyon ni Xilah nang makita ang babaeng tumawag sa kanya. "Tita Prisma!" Masigla niyang sambit. Sinalubong kami ni Prisma, Ethan's wife. Doon ko rin napansin na nakaumbok din ang tyan niya. "Ginugulo mo nanaman si Principal Helena." Natatawang sambit ni Prisma kay Xilah. "Nasanay na'ko." Walang gana kong sambit na kinasimangot ng batang babae. "Anyways, congrats. I didn't knew you that you were pregnant." Pag-iiba ko. Kumurba ang isang ngiti sa labi ni Prisma sa sinabi ko. "Oh, thank you Principal. We're expecting a girl." Nakangiti niyang sagot. "And we're planning to name her Scarlet." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD