Apat na oras ang tinagal ng byahe ko mula sa Rosa hanggang sa Naeyo, ang bayan kung saan nakatira si Ethan at ang asawa niya.
Hindi ko namalayan ang panahon at mag-iisang taong gulang na pala si Scarlet, ang anak nila ni Prisma.
Wala rin naman kasi akong balita tungkol sa kanila dahil masyado akong naging busy sa academy. Sunod-sunod nagsilabasan ang mga Dark guilds ngayon.
Huminto ang sinasakyan kong kalesa sa tapat ng isang mansyon. Casual akong lumabas at may hawak-hawak na tasa ng tsaa. Kapansin-pansin ang mga nagkukumpulang tao sa labas. May kani-kaniya silang mga buhay at ginagawa.
Isa pa sa sa mga nakaagaw ng pansin ko ay halos lahat ng tao rito ay kulay pula ang buhok. One of the things that shows that they're Portugals.
"Principal Helena!" Nakangiting bungad sa akin ni Cael nang mapansin ako nito.
Nagsitigilan sa kani-kaniya nilang mga ginagawa ang mga tao. Napunta sa akin ang mga tingin at atensyon nila.
Hindi ko sila masisisi.
Kakaunti lamang ang mga nakakakilala sa akin at ang mga nakita ako sa personal.
Now they know that the rumors were true.
Helena, the principal of Lunar Academy was a little girl with a blonde hair who likes teas.
Tanging mga piling tao lamang ang nakaka-alam na isa akong Portugal.
"Wahh!! Helena!!!" Masiglang sambit ng isang batang babae.
Nawala ang tensyon sa paligid nang masigla akong binati ni Xilah. Muling bumalik sa mga kani-kaniyang ginagawa ang mga tao.
Hinila ako papasok ni Xilah sa mansyon. Malapit ng magsimula ang pagdiriwang ng kaarawan ng unang anak nina Evan nang lumapit sila sa akin ng asawa niya. Buhat-buhat ang batang may birthday.
Agaw pansin ang pula niyang buhok. Nakuha niya nga ang palatandaan ng pagiging Portugal.
"I'm glad you made it." Nakangiting sambit sa akin ni Ethan.
"Ofcourse. Wala na akong magagawa pa kung napagplanuhan na ng sekritarya ko ang lahat." Walang gana kong sagot.
Tinapunan ko ng tingin si Cora na dukot nang dukot ng mga handa. Nakasunod siya sa kalesa na sinasakyan ko kanina upang masiguro na pupunta ako rito.
"Pero salamat pa rin sa pagpunta Helena. Its nice to have the whole family here." Muling sambit ni Ethan.
"Scarlet, say hi to Principal Helena!" Masiglang dagdag ni Prisma habang buhat-buhat ang anak niya.
Nagtama ang mga tingin namin ng bata.
For a moment, I thought that I was looking at Scarlet's eyes.
The first Scarlet I met.
Bumuka ang bibig ko at akmang magsasalita na'ko nang pare-parehong naagaw ang mga atensyon namin.
Hingal na hingal na pumasok si Cael sa loob ng masyon. Inilibot nito ang tingin sa mga tao.
"N-Nasaan si Principal Helena?!" Nauutal na sambit niya.
Nagtama ang mga tingin namin at bumagal ang pagtakbo ng oras. Bago niya pa nagawang sabihin sa akin ang sasabihin niya ay may pumasok sa isipan ko.
A scenario.
M-My academy.
Its being surrounded my gifteds.
T-Thousand of them.
Muli akong bumalik sa kasalukuyan at naramdaman ko ang pagbigat ng paghinga ko.
"P-Principal-" Pagtawag sa akin ni Cael.
"Cora, ipahanada mo ang kalesa." Ma-awtoridad na sambit ko.
Hindi na naituloy ni Cael ang sasabihin niya nang unahan ko siyang magsalita.
Hindi na niya kailangan pang sabihin sa akin. Alam ko na.
Tinapunan ko ng tingin si Ethan na may nangungusap na mga mata.
Mabilis niyang naintindihan ang pinupunto ko at isang tango ang sinagot niya sa akin.
"I-I'm sorry. I have to go." Pagpapaumanhin ko.
"No need to apologize Helena. Hurry." Sagot sa akin ni Ethan.
Kahit hindi alam ang nangyayari ay pinili niyang manahimik na lang muna at hayaan ako.
Nagmamadali akong lumabas ng mansyon. Hindi ko inalintana ang mga pares ng mata na sinusundan ako ng tingin.
Kapwa kaming pumasok ni Cora sa kalesa.
"To the Lunar Academy." Walang ekspresyon na utos ko.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa pambaba ko habang patuloy sa pagtakbo ang kalesa. Sobrang bilis ng pagtakbo nito at sigurado akong hindi hihigit sa dalawang oras lang ang magiging byahe namin.
Napaismid ako sa sarili ko.
Hindi ko magagawang gamitin ang gift ko ng ganito kalayo. Panigurado akong patuloy pa rin ang oras sa academy.
May tiwala ako sa mga estudyante ko. Hindi sila mga basta,-basta.
Pero isang libo ang papunta ngayon sa paaralan ko. Ni hindi ko man lang maaninagan ang mga mukha nila dahil mga nakatakip ito.
Mukhang alam na nilang nakikita ko ang hinaharap at naghanda talaga sila.
Tsk. Siguraduhin din nilang handa na silang mamatay.
Nagkamali sila ng paaralan na pinuntahan.
Sa oras na maabutan ko sila roon ay sinisigurado kong walang matitira.
Patuloy sa pagtakbo ang kalesa nang bigla na lamang akong nahirapang huminga.
For the second time, I saw a glimpse of the future.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang masilayan ang mansyon nina Ethan at Prisma na nasusunog.
Nagkagulo sa kaarawan ng una nilang anak na si Scarlet.
Parang gumuho ang mundo ko nang makitang umiiyak si Prisma hawak-hawak ang damit ni Scarlet.
Muli akong bumalik sa kasalukuyan.
"S-Stop!" Mabilis na sambit ko.
Malalim ang paghinga ko habang nakatingin sa kawalan. Napalunok ako nang malalim.
"P-Principal? A-A-Ano pong p-problema?" Nag-aalalang tanong ni Cora.
Hindi kaagad ako makasagot.
Sobrang bigat ng paghinga ko at tila nanlalamig ang buong kong katawan.
A-Anong gagawin ko?
M-Magpapatuloy ba ako papunta sa academy para iligtas ang mga e-estudyante ko?
O b-babalik ba ko s-sa Naeyo para pigilan ang pagsunog?
Sigurado akong magagawa ko pang pigilan ang mga nakita ko sa hinaharap...
Pero kailangan kong pumili ng isa...
Napahawak ako sa ulo ko.
H-Help me.
I-I can't choose.
Parang nandidilim ang paningin ko at hindi ko magawang makakita ng kahit ano.
Tanging pagtakip lamang ng mga tenga ko ang nagawa ko.
S-Scarlet...
E-Evan...
Help me.
Who should I choose?
The family that I sworn to protect?
Or the people who made me feel what a real family is like?
Napuno ng katahimikan ang paligid.
Parang huminto rin sa paggalaw ang oras.
Hanggang sa nakarinig ako ng pamilyar na boses.
"You've done enough. This time, choose yourself."
Tila natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Scarlet.
Muli akong bumalik sa katinuan at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Cora.
Inalala ko ang sinabi ng babaeng narinig ko.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at huminga ako nang malalim.
"N-Nothing. Let's continue."
Nagpatuloy kami sa pag-andar. Kahit sobrang bigat ng paghinga ko ay sinisigurado kong wala akong pinagsisishan sa desisyon ko.
Nagawa naming makarating sa academy sa tamang oras.
With the help of my officials, we managed to stop the gifteds from attacking my school.
Kahit nagawang makatakas ng iba ay sinigurado kong mawawalan ng hininga ang mga indibidual na nakaharap ko.
Matapos nun ay hindi rin nagtagal ay umabot sa akin ang balita.
Nasunog ang mansyon nina Ethan at Prisma Portugal.
Sinasabing hindi nakaligtas ang nag-iisang anak nila.
•••