One week has passed since the competition. Ofcourse, nakapasa si Gin. Kapwa niya ay halos lahat ng manlalahok ay nakapasa at isa na ngayong ganap na mga Masters. Tama nga si Ethan. They really are the generation of prodigies. Galing kami sa walang kwentang meeting ulit ni Cora at pabalik na kami sa kalesa upang bumalik sa academy. Pabalik na kami nang matigilan ako sa kalagitnaan ng paglalakad. Kahit hindi pa kami gaano kalapit ay natatanaw ko na ang kalesa. The door was opened. Nagtatakang tumingin sa akin si Cora. Nang tignan niya ang tinitignan ko ay unti-unting umawang ang bibig niya. "B-B-Bukas ung p-pinto-" Kinakabahang sambit niya. Nagmamadali siyang lumapit sa kalesa at para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa bumungad sa kanya. Walang gana akong lumapit at doon ko naki

