Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa dokumento na hawak-hawak ko. Pabalik-balik ang tingin ko rito at kay Zel. "Law! Law! Tignan mo." Natatawang sambit ni Zel habang pinapalutang ang tatlong barya. Tuwang-tuwa ito sa ginagawa niya. Muli kong binasa ang nakasulat sa dokumento para malaman kung namalikmata lang ba ko sa unang basa ko. Zel's IQ is 200. Freaking 200. Napabuntong hininga ako nang tignan ko ulit si Zel na subo-subo naman ngayon ang barya. Minsan napapisip ako na swerte pa pala ako kahit papano. "Helena!" Rinig kong tawag sa akin ni Gin. Tumakbo ito papunta sa akin at pumwesto sa tabi ko. Kapwa ko ay tinignan niya rin ang dalawang bagong myembro ng guild niya. "Who would thought na sabay silang papasok sa Academy at parehong makakapasok sa Grim Reapers?" Walan

