AFTER 1 YEAR Casual akong humigop ng tsaa habang walang ganang nakatingin sa lalaking nasa opisina ko. Nakataas ang paa niya sa lamesa at nagbabasa siya ng libro. "Hey Gin. Wala ka bang mission." Iritadong sambit ko. Isang ngisi ang pinakita niya sa akin. "Come on, Helena. Ginawa na ng mga myembro ng guild ang mga missions." Sagot niya. Napaismid na lamang ako bago humigop ulit ng tsaa. Hindi ko pa ito nalulunok nang biglang bumukas ng pinto sa opisina ko. Iniluwa nito si August na namumutla at parang nakakita ng multo. Hindi kaagad ito makapagsalita nang magtama ang mga tingin namin. "P-Principal. A-A letter from the Nocturne Academy." Tila nagbago ang ekspresyon ko sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pagbigat ng paghinga ko. Maski si Gin ay bakas sa mukha ang kaba sa narinig. "W-

