NAKADAPA ako sa kama. Panay ang tulo ng luha ko. Wala na talaga. Wala na kaming pag-asa ni Jasper. Hinalikan ko si Evan. Sa harap ng mga mata ni Jasper. Sa harapan ni Mr. Cheng. At sa lahat ng nakakakilala sa akin na naroroon sa restaurant. T*ngna! Kung ayaw niya sa 'kin, huwag naman niya akong insultuhin! Bumangon ako at pinunasan ang mga luha. Isa-isa kong sinalat ang mga tela ng hindi mabilang na mga damit na ibinigay ni Evan. Sanayin ko raw ang sarili ko na isuot ang mga ito. Bukas, sa opisina ni Madam Monica, gusto niya akong makita kasama si Evan. Bukas at sa susunod pang mga araw. Desidido na ako. Kung ako ang magiging daan para makaganti ang mga taong inapi ng mga San Huwes, kung ako ang makapagpapabalik kay Madam Monica, dapat ay matuto na akong makalimutan siya. Ano

