"TEN thousand! Tragis! Tagal ko nang gustong i-table ang babaeng iyan. Masyadong mailap." May nagsalita agad malapit sa kinalalagyan namin. "Twenty thousand! Hati kami ng kumpare ko!" Lintik! Ano ako? Baboy? Parang kakatayin? Pwedeng hatiin? "Fifty thousand pesos!" Napatingin ang lahat sa sumigaw no'n. Isang matandang lalaki, walang buhok at kulubot ang mukha. Si Gregorio! Hinawakan ko ang kamay ni Hilda. Mahigpit. "Lintik, Hilda! Itigil mo 'to!" Mariin kong utos sa kanya. Naririnig ko pa ang mga sigawan sa paligid. Pero nakangiti lang si Hilda. Gustong-gusto ko na siyang sakalin. "Hilda!" Nag-aalala na ako. Paano kung iuwi nga ako ng isang lalaki? Tapos yakuza pala? O kaya chop-chop gang? O kaya budol-budol! Nyeta namang Hilda ito! "Ayaw mo ba? Magkakapera ka na. Malaki. Makakaalis ka

