"NASAAN na ang San Huwes na iyon? Huwag mong sabihing inonse ka ng gwapong iyon?" si Hilda. Tinabihan ako rito sa kama. "Umiiyak ka ba?" pinunasan ko ang mga luha ko. "Leche! Umiiyak ka nga! Napa'no ka ba?" "W-Wala!" Kunwa'y inayos ko ang suot ko. "Anong wala eh, ang pula-pula na ng ilong mo? Magsabi ka nga, Moon. Anong relasyon mo sa mga San Huwes?" Humalukipkip siya. "Wala." Tumayo ako. Sinipat ang sarili sa salamin. "Huwag ka nang mag-duty. Inako na ni Jenny ang trabaho mo. Akala kasi namin, bumenta ka sa Jasper na iyon. Ano ba kasing nangyari?" Kumuha ng isang stick ng sigarilyo mula sa bulsa. "Wala. Mag-du-duty pa rin ako." Sabi ko. Sayang pa ang ilang oras na kikitain ko. "Leche Moon! Nakakaraming wala ka na ha. Sabunutan kaya kita? Gusto mong mawalan ng trabaho?" Singhal niya

