IWINAKSI ko anoman ang nasa isip ko. Marami namang nagsusuot ng ganoong klase ng bracelet. Hindi siya ito. "Please, miss. Kahit sa balikat lang..." Narinig kong muli. Hindi ko naman gawain ito. Baka mapahamak pa ako kapag sinunod ko siya. Ano ba ang dapat kong gawin? "S-Sorry sir. Pero kung gusto nyo po, may spa po tayo sa second floor. May free massage po roon." Sabi kong humakbang na palayo. Ngunit muntik na akong mapatalon nang may naramdaman akong humila ng kamay ko. "Are you shy or just untamed?" Nakapatong pa rin ang unan sa ulo niya. Pero alam kong nasisilip niya ako. Nahuli nga niya agad ang kamay ko 'di ba? Ano bang trip ng customer na 'to? "Don't force me to call your manager." Nanliit ang mga mata ko. Ganoon naman palagi ang mga panakot nila, eh. Nang minsan nga,

