Chapter 68

1913 Words

NAKATALUNGKO ako sa stock room nang bigla na naman mag-ring ang telepono. Hawak ko ang ulo ko at pinagmasdan ang tumutunog na aparato. "Ano ba? Hindi ka ba titigil?" Tumunog pa rin. Ahhh! Ang kulit! Ayoko sanang makipag-usap kahit kanino. Baka utusan na naman ako sa room 1407. Ayoko nang bumalik sa kwartong iyon! Ring ulit. "Hello!" Padabog kong sagot. "May problema ba, Venus?" Si Ate Melay. Bumuntong hininga ko. "W-Wala po. Nabigla lang." Pagdadahilan ko. "Bumaba ka sa office ni Mr. Lolomo. Pinapatawag ka niya. Si Gracia na ang bahala riyan." Ani sa kabilang linya. Mabuti na lang. Dahil kapag nagtagal pa ako rito, baka masabunutan ko na ang sarili ko. Kasi tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, hubad na katawan ni Jasper ang nakikita ko. Habang suot niya ang makulay na rasta br

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD